EPILOGUE

2.5K 77 11
                                    

" ELEONORA!!!"

Nagulat si Eleonora ng may tumama sa tiyan niya mismo. Hinawakan niya ito at may dugong tumutulo.

" V- Violet?" Gulat niyang saad ng makita si Violet na may hawak na espada. Walang buhay ang mukha ni Violet habang hawak ang espada na ngayon ay nakatusok sa tiyan ni Eli.

Sumuka ng dugo si Eli at naiiyak na tinignan si Violet.

"W-why?" Hirap niyang saad.

"ARGHHH! PRINCESS!" Sigaw ng sigaw si Lucius, merong kadena na nakapulupot sa katawan nila. Kapag pumapalag sila ay lalong humihigpit. Binubuhos ni Lucius ang lahat ng mana niya gayundin si Theodore at Thadeo. Ngunit lalong lumalakas ang kapangyarihan ng kadenang iyon, wari nila ay hinihigop ang lahat ng kapangyarihan nila.

"I don't need you anymore Princess." walang buhay na saad ni Violet.

"No, hindi ikaw iyan." hinawakan ni Eleonora ang balikat ni Violet na ikinagulat nito.

"Princess please.. K- k!ll me." umiiyak na saad ni Violet. " may kumo kontrol sa katawan ko.. I'm sorry..." Dagdag pa nito at hirap na hirap.

"NO! I can't!" sigaw ni Eli.

"Please..."

" WHAT A SCENE! HAHAHAHA!" mala demonyong tawa ng isang babae na naka suot ng cloak.

"Anong ginawa mo?!" ani Eli habang matalim na tinignan ang babaeng iyon.

Ngumisi ang babae, " Playing?"

"Pagsisisihan mo yan." Hinawakan ni Eli ang espada at binunot iyon mula sa tiyan niya.

"Haha, you must be kidding. K!lling you is easy pero gusto ko mag enjoy na makita kang naghihirap. Violet. I command you.. Tapusin mo na ang sarili mo!" ani ng babae.

"NO! STOP VIOLET!" Sigaw ni Eli ng makita si Violet na dahan dahang nilalapit ang espada sa leeg nito.

Tumatawa lang ang babae habang nag eenjoy na manood. Galit na galit na ngayon si Eleonora ng makita niya na may dugo na ang leeg ni Violet.

"ARGHHHHHH!!!"

Mas lalong nanindig ang balahibo ni Eleonora ng makita sila Lucius na mawawalan na ng malay. Kaya niya bang mag cast ng spell? Pero... may limit ang katawan niya. Kapag gumamit pa siya ng maraming spell katapusan na ng buhay niya.

Pero... wala na akong choice..

Pumikit siya at yumuko.

"Nananalangin ka na ba? Go on! Wala namang maitutulong sayo yan kahit ano pang gawin mo." Ani ng babae.

"By the fires of chaos, unleash Inferno Fury!"

"MOLTEN ERUPTION!" sigaw ni Eli at nabutas ang lupa na kinatatayuan ng babae. Puno ng lava ang butas na iyon.

" AHHHHHH! ANONG GINAWA MO?!" Unti unting nasunog ang katawan ng babae.

"You must suffer." matalim na saad ni Eli at tumayo.

"P-paano ka nakakatayo? m-malalim ang sugat mo!" di makapaniwala ang babae.

" hindi na importante yon, d!e."

"HAHAHAHAHA! Manalo ka man ngayon, gaganti ang reyna." sagot naman ng babae at ngumisi.

"Flamestrike." pagka wika non ni Eli ay may tumama sa katawan ng babae at nasunog.

"A-AHHHHHHHHH!"


Nanghihina na si Eli pero...

Binuhos niya ang mana niya at inipon lahat ng natitira niyang kapangyarihan.

"Haa... ang sama na naman ng mundong ito sakin.. Ma reincarnate kaya ulit ako? Makikita ko pa kaya si Lucius.. ha... funny... iniisip ko na naman ang mga gusto ko kesa sa iba... pero... kasalanan ba kung minsan ako naman?"

"In the name of compassion, I invoke the Elixir of Renewal." pagkasabi non ni Eli, lumiwanag ang paligid kasabay non ang pag dilim ng paningin niya.

Please save our people, please heal them. Please heal my love ones.

Kahit...


Ang ibigsabihin....




Ako ang mawawala....



Please save them....


Unti unti nang bumagsak ang katawan niya at pumikit.

"ELEONORA!!!!!!!!!!!!!!"  sabay na sigaw nila Lucius.

"Sh-t. Don't you dare leave me." nanginginig na saad ni Lucius ng makawala siya sa kadena. Nasugatan siya dahil pinuwersa niya ang katawan niya. Halos maligo na siya sa dugo na lumalabas sa katawan niya.

"Please... princess... Open your eyes..." mabigat ang pakiramdam ni Lucius. Pakiramdam niya umalis na ang kaluluwa niya sa katawan niya. Manhid na ang katawan niya at halos maubusan siya ng hininga. Ang tanging nakikita niya lang ay si Eli na nakapikit at nakahiga sa lap niya.

"FCK! " napamura si Theo at Thadeo ng mapansin na hindi na humihinga si Eli. Pinakiramdaman nila ang pulso nito ngunit... wala....


"You don't have any rights to leave me Eleonora." Saad ni Theo at nanginginig na hinawakan ang kamay nito.

"Let her go." may bantang saad ni Theo samantalang si Thadeo naman ay taimtim na nananalangin, umaasang may himala na mangyayari at mabubuhay si Eli.

Niyakap ni Lucius si Eleonora at kumirot naman ang puso ni Theo at Thadeo.

As they embraced one last time, tears fell like rain, washing away the love that was destined to remain a beautiful, yet heartbreaking memory.






I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now