Season 2: CHAPTER 10

281 16 1
                                    

Lumalapit si Lucius kay Eli ngunit lumalayo si Eli. Kinagat ni Lucius ang ibabang labi niya na ngayon ay dumudugo.

He regretted it as well as Violet.

Ang damdamin ni Eli ay puno ng kawalan at pagkabigo. Pero hindi niya hinayaan na balutin siya ng damdamin na iyon.

" Well... well.. well.. "

Nanlisik ang mata ni Eli nang makita niya ang Reyna na pumapalakpak.

" Do you really want to d*e?" malamig na saad ni Eli sa tumatawang reyna.

" If you can then try me.." sinenyasan ng Reyna ang mga mage na nakasuot ng itim na cloak. Sabay sabay silang naglabas ng kanilang spell.

Bumulong si Eli tumaas naman ang kilay ng Reyna at inaabangan ang sunod na mangyayari. Sumugod ang lahat ng mage kay Eli, nag bato sila ng mga magkakasamang espada papunta sa direksyon niya ngunit agad naman itong naglaho.

" Ano ba?! Ayusin nyo!" sigaw ng Reyna na bahagyang natakot.

Sumugod naman ang iba pa at sabay na inatake si Eli. May hawak silang mga patalim at ang iba ay mga lason. Ngumisi si Eli, a creepy smirk. Sa sobrang bilis, wari nila ay isang segundo ang lumipas ng tumumba ang mga mage. Wala na silang buhay, a quick de*th.

" Is that all you can do?" malamig na sabi ni Eli. Nag eexpect siya na may kasunod pa dahil ayaw niya na boring lang ang mangyayari gayong ginalit nila siya ng sobra.

Dati siyang kalmadong babae ngunit ngayon halos wala na ito sa katinuan. No, wala na talaga siya sa katinuan.

" Sh-t! " Mabilis na umalis ang reyna, tumawa ng nakakatakot si Eli. Napalunok ang mga naiwang mage. Nilabas na nila ang itim na mahika, nag cast sila ng spell at lumabas ang mga halimaw. They were creepy as h*ll!

" That's boring." hindi gumalaw si Eli, hindi naman malakas ang mga halimaw na iyon. Hinintay niya na lang na makalapit ang mga ito. Tila uhaw sila sa dugo at handa ng lam*nin si Eli.

Nanlaki ang mata ni Lucius, mabilis siyang naglabas ng espada gamit ang kaniyang mana. Mabilis siyang sumugod upang ipagtanggol si Eli.

" Stop. Huwag kang makialam Lucius. No. Lucio." malamig na banta ni Eli, napalunok naman si Lucius habang dinadama ang sakit sa puso niya.

He stopped. Yeah, Eli was so powerful na halos hindi na nito kailanganin ang tulong niya at masakit yon para sa kaniya.

Lumapit na ang mga halimaw papunta kay Eli ngunit wala siyang magawa. Mabilis ang pangyayari at ngayon ay nakabulagta na ang mga ito sa sahig. Ngumisi si Eli, it is now her turn.

Mabilis na lumipad si Eli papunta sa mga mage, natakot sila ng sobra kaya wala silang magawa kundi tumakbo.

"Let's play a game.. run.. run.. run.." Natatawang hinabol ni Eli ang mga ito. Palabas na ang mga mage sa pinto ng bigla itong nag sarado.

" AHHH!! Please spare us." lumuhod ang iba, habang ang iba naman ay nag cast ng spell sa pinto pero hindi ito gumana.

Ang iba naman ay halos manigas na at hindi na makagalaw sa takot.
Walang marinig si Eli, dahan dahan siyang lumapit at mabilis na nilag*tan sila ng hininga.

" That was a little fun.." nakangising saad ni Eli..

" My princess.." Malungkot na tawag ni Lucius ngunit hindi ito pinansin ni Eli at tinignan sila ng madilim.

Tumigil ng isang segundo ang oras. Papalapit na ang patalim sa likuran ni Eli nang biglang hinila ni Lucius si Eli, mukhang tatama na ang patalim kay Lucius ngunit sinalo ito ni Violet.

Kinagat ni Eli ang labi niya, dumudugo ito. Nagulat siya at bumalik na siya sa katinuan.

Ngumiti si Violet habang naguunahan ang kaniyang luha na tumulo.

" I... I deserve to d*e... Hindi mo kayang mawala si Prince Lucio... patawad prinsesa, patawad..." huling saad ni Violet at nilagutan na ito ng hininga.

Nanghihina na lumapit sa kaniya si Eli. Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ni Violet.

" Why... No..." Eli casted a spell para pagalingin si Violet.

" No!!! No!!! why isn't it working?!" parang nababaliw na sigaw ni Eli. Lucius was staring at her, hindi niya alam ang gagawin niya kundi ang damayan lang si Eli.

Unfortunately, ang kapangyarihan ni Eli ay magpagaling at hindi ang bumuhay ng pat*y na.

" Pagbabayaran niyong lahat ito." huling saad ni Eli bago niya punasan ang luha niya. Nag teleport sila ni Lucius papunta sa lugar ng reyna.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now