CHAPTER 4: Lily the White Lotus

3.6K 137 1
                                    

"Gising na po, Prinsesa Eleonora."

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Sinalubong ako ng hindi pamilyar na babae.

"A- ahh.. ako nga po pala ang bago nyong utusan." Nanginginig na pagpapakilala niya.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at napansin ko na tumutulo ang pawis nya..

Nagulat ako nang bigla itong lumuhod. "pasensya po kamahalan!" umiiyak niyang saad.

Dali dali naman akong bumangon at pinatayo sya. "Ano ba? Tawagin mo na lang akong Eli." nakangiti kong sabi.

"p- pero..."

"Walang pero pero, ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Violet po." sagot naman niya. Nagtaka ako sa pangalan niya pero isinawalang bahala ko na lang.

Sinuklayan nya ako at inihanda ng liguan. Nagulat pa nga ako ng makita ko ang liguan nila, mukha syang bath tub tapos may mga petal. Mas gusto ko pa maligo sa timba at tabo e.

Matapos ko maligo e nag hanap ako ng damit. Hays.. puro maganda yung mga damit masyadong magara at pambabae. Masakit masyado sa mata ko.

"Meron ka bang damit dyan Violet?" tanong ko sa kaniya.

"P - po?"

"Gusto ko kasi e yung simple, gusto mo sayo na lang lahat ng ito?" Aya ko sa kaniya.

"Nako, Hindi na po. Hindi po tama na mag suot nang ganyan ka gandang damit ang mga alipin at baka po pag isipan ako ng masama." Umiiling na saad nya.

"Sabagay, kung gayon e hanapan mo na lang ako ng simpleng damit." Agad naman niyang sinunod at binigay sakin ang puting dress na simple lang tignan.

Natulala ako bigla ng maalala ko ang librong binasa ko sa nakaraang buhay ko. Parang pamilyar sa nang yayari sakin. Tama! Si Eleonora ang kontrabida sa novel na iyon! Pero si Lily ang tunay na kontrabida! Mam*m*tay sa dulo si Eli kasi pinagplanuhan ni Lily lahat para mawala lang si Eli at makuha nya lahat ng meron siya..

Kung gayon e katapusan ko na rin pala.
No, It's too early to give up.
I still have a card si Lucius! Ang Villain Character sa story na ito. I have to meet him!

"Let's divorce." Nakangiting saad ni Eli habang inaabot ang kontrata.

" No! Unless may isabi ka na reason." nag titimping sagot ni Theodore.

"Reason ha, I don't love you anymore." Kalmadong sagot ni Eli, habang hinihintay ang pag pirma ni Theo.

"Haha, you're funny Eleonora. After ilang taon ng paghahabol mo sakin ineexpect mo na paniwalaan ko iyan?" Madilim ang mga mata ni Theodore.

"Na realize ko lang ngayon na hindi ko pala dapat ipag pilitan ang sarili ko sayo. Kasi alam kong mahal mo si Lily... That's why I'm letting you go-" pumiyok pa si Eli habang sinasabi iyan, malungkot ang mga mata at halatang nasasaktan.

No It was the original Leonora, siguro sa kaniya galing ang emosyon na nararamdaman ni Eli ngayon. Wala naman siyang pake sa lalaking to, napaka yabang.

"Bibitawan mo na lang ako?" Paos na sagot ni Theodore.

Ang kapal naman pala ng mukha ng lalaking to, isang isa na lang matitikman neto lakas ng kamay ko. Sa isip ni Eli.

Naputol ang usapan nila nang biglang pumasok si Lily. Nakangiti ito na yumakap kay Theodore.

"Theo, I miss you." saad ni Lily.

Nasusuka na si Eli sa itsura nilang dalawa kaya umalis na sya. Nakangisi si Lily samantalang si Theo naman ay may bigat sa pakiramdam.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin