CHAPTER 35.

1.9K 63 5
                                    

" No.. Stop! AHHHHHHHHHHHH!"

May kung anong nararamdaman si Eli, parang... may mainit sa loob ng katawan niya.. Parang may kung anong nagtatalo...

"I miss you Princess..." malumanay na sabi ni Lucius habang dahan dahan na nilalapitan si Eleonora. Hindi sumasagot ang katawan ni Eleonora. Wala itong naririnig at pinag patuloy ang pag cast ng spell sa direksiyon nila Lucius.

"Calm down Eli... Ang prinsesa na kilala ko ay hindi gugustuhin na saktan ang mga inosenteng tao..." dagdag pa ni Lucius habang hinahawakan ang pisngi ni Eli.

Unti unting tumulo ang luha ni Eli.

Ngumiti si Lucius habang ang dalawang lalaki ay malungkot na tinitignan silang dalawa.

" D!E." nagulat sila ng sabihin iyon ni Eli. Nilingon nila ang mga matutulis na bagay na lumilipad papunta sa katawan ng mga nakaitim.

Aatakehin sana nila si Lucius ng makita agad ni Eli ang balak nila.

"AHHHHH-" they cried in pain habang ang matutulis na bagay na iyon ay paulit ulit na tumatagos sa kanilang katawan.

Tumakas ang iba ngunit itinaas ni Eli ang kamay niya at nagpadala ng mga arrow na may apoy. Tinamaan nito ang tatlong nakaitim. Maya- maya nag cast uli ng spell si Eli..

"W- what's happening?!!!" Nanghina ang iba pang mga kasamahan ni Lily. Halos mamilipit sila sa sakit. Pakiramdam nila ay nasusunog ang loob ng katawan nila.

"N-no... Stop ..." Nanginginig na si Lily. Hindi makapaniwala sa nangyayari. She used Lily. Ang sabi ng babaeng iyon ay susundin niya lang ang utos nito ay bibigyan siya nito ng magandang buhay pero bakit ngayon.. pinapanood na niya ang buhay niya na mawawala sa kamay mismo ni Eleonora.

" I- I just want to be noticed by people..." nag crack ang boses niya. Tumulo ang luha niya na kanina niya pa pinipigilan.

"W-why?? Bakit laging ikaw Eleonora ang pinipili nila?" bulong ni Lily na sapat para marinig ni Eleonora.

"W- what do you mean?" nagulat si Eli nang marinig iyon kay Lily.

"HAHAHAHA! IT'S ALWAYS YOU! Palagi na lang akong kinukumpara ng magulang ko sayo! Ikaw lang palagi ang pinapansin ng iba!" sigaw ni Lily habang matalim na nakatingin kay Eli na ngayon ay lumulunok.

Sumakit bigla ang ulo ni Eleonora. May nag flash bigla sa utak niya.

Pamilyar...

" Eleonora.. May iku kuwento ako sayo.. Meron akong nagugustuhan..." aniya habang sinusubuan ng sa tingin niya ay tinapay.

"Sino? Ikaw ha." tinutukso tukso ni Eleonora ang babae.

"Kasi.... Malabo din na mapansin niya ako." malungkot na saad ng babae habang ngumunguya.

"Hmm?"

"Si Prince Theodore." sagot ng babae na ikinalaglag ng balikat niya.

"May problema ba?.." Nakangiti si Lily, mukha pa siyang anghel at inosente.

"W-wala.. Tara?" tumayo si Eleonora at ganon din ang ginawa ni Lily. Hinawakan ni lily ang kamay ni Eleonora at lumundag lundag siya. Excited ito dahil pupunta sila sa paborito nilang lugar.

END OF FLASHBACK..

Wait... Mag kaibigan kami ni Lily? Tila naguguluhan niyang saad sa sarili niya. Wala akong nabasa na ganito sa Novel. Wait... Possible kaya na ang part na hindi ko pa natapos basahin ay nagsisimula na ngayon?

Maya- maya ay meron na namang nag flash sa paningin niya. Kitang kita niya si Lily na umiiyak habang sinisigawan ng magulang nito.

"WALA KANG KWENTA! IPAPADALA KA NAMIN BILANG MAID PARA MAGKA SILBI KA NAMAN SA BUHAY NAMIN!" sigaw ng nanay niya at sinab*nutan si Lily. Kinaladkad niya ito kung saan.

----

" GANIYAN LANG ANG AVERAGE MO? Mas magaling pa yung mga pinsan mo sa iyo. Tuwang tuwa ka na niyan? Kalokohan."

Tanaw niya ang pamilyar na babae sa kalayuan. Nakatulala ito sa papel na itinapon ng matandang babae na sa tingin niya ay magulang ng babae.

"Ma.. Malaking bagay na yan para sakin.. Ma With high honor ako. Ma halos mam*tay na ako kaka aral para marinig ko yung salita sayo na matagal ko ng gustong marinig.. Na sana proud ka naman sakin.." Pumiyok ba ang babae tanda na nagsisimula ng tumulo ang luha niya."

"W-wala! Puro ka kumpara. Puro ka galit. Puro ka sama ng loob sakin kahit wala naman akong ginagawa. Puro ako ng ako! Ma.. Mahal mo ba talaga ako?"

PAKKK.

Nagulat siya ng sampalin siya ng mama niya.

"Wala kang karapatan na sagutin ako." matalim na sagot ng matanda.

"Sana hindi mo na lang ako pinanganak kung ganito lang din naman mararanasan ko.."

Sumikip ang dibdib ni Eleonora habang tinitignan ang dalawa. Wait... Nang makita niya ang mukha ng babae ay dun niya na naalala.

Ako iyan sa dati kong buhay ah?

Bumalik siya sa katinuan ng magsalita si Lily. Nagsalita ito ng makita na tumutulo na ang luha ni Eli. Mukhang ang dating Eleonora ang kumo kontrol sa katawan niya ngayon.

" Ha... bakit ka umiiyak?" bulong ni Lily na sapat para marinig ni Eleonora.

"I'm sorry... hindi ko alam na ganiyan ang tingin mo sakin.. I'm not that perfect.. Pero bakit ginawa mo yon? Bakit mo ako pinahirapan? Sabihin mo lang sakin ibibigay ko sayo.. bakit kailangan mong kunin lahat sakin ng sapilitan?"

" Nang mga oras na kailangan kita.. Wala ka... Busy ka kakahabol kay Theodore. Abala ka para mahalin ka niya pabalik nakalimutan mo na ako.. Nang mga oras na gusto ko magsabi sayo, maglabas ng sama ng loob wala ka.. palagi mong dinadahilan na may importante kang gagawin. Importante? Ang habulin si Prince Theodore?" Sagot ni Lily

"Ni hindi mo nga sinabi sakin na asawa mo na pala siya, kung kelan minahal ko na siya. Kung kelan lumalim nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay pinag laruan moko." Dagdag pa ni Lily.

"Lily.." Tanging lumabas sa bibig ng totoong Eleonora.

" I'm sorry..." Ani ni Eleonora.

Ngumiti lang si Lily. " that's the only word I want to hear from you.. Sorry.."

Bumuhos ang luha ni Eleonora. " why... It's too late... Wala na ako Lily.."

"A-anong ibig mong sabihin?"

" I committed su"c"de. Hindi na ako ang nag mamayari ng katawan ko.Nag summon ako ng tao sa ibang mundo na maaaring pumalit sa katawan ko." umiiyak na saad ni Eleonora habang hinahawakan ang pisngi ni Lily.

"W-why?! Dahil sakin? I-im sorry.." umiiyak si Lily, mabigat ang pakiramdam at hindi siya maka paniwala sa malaking kalokohan na ginawa niya.

"Pinapatawad na kita... Aalis na ako Lily.. Alam ko na ang katotohanan maaari na akong umalis sa mundong ito.." bulong ni Eleonora.

"No! Sasama ako sayo! Diba mag ta travel pa tayo.. Sa magagandang lugar? Maglalaro pa tayoo." Lily

"No. Madami ka pang magagawa sa mundong it-"

"Wala! Wala na akong kakampi dito! Wala na akong pwedeng gawin. Let's meet Eleo."

Nanlaki ang mata niya ng tawagin siya na Eleo. Ito yung tawag sa kaniya ni Lily noong close pa sila.

Mas lalong nagulat siya ng s*ks*kin nito ang sarili niya.

" I- love you Eleo." Bulong nito at masayang pumikit.

"Ano bang ginawa mo?! I love you too Lily bunny..." Sagot ni Eleonora at niyakap si Lily.

"I- ikaw na may ari sa katawan ni Eleo, save your kingdom. You're powerful. Don't trust anyone-" Saad nito at pumikit.. "a-and sorry.. please wag mo na akong pagalingin..."

Ang kaluluwa ni Lily at Eleonora ay masayang lumipad sa kalangitan.

"Thankyou!" sabay na saad nilang dalawa kay Eli.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now