CHAPTER 6 : Lucius her servant

3.3K 141 1
                                    

CHAPTER 6

Pagka pasok ni Eleonora sa loob ay nilapitan agad siya ng may ari ng lugar na iyon at tinanong.

"Ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?" Tanong nito.

Nilibot ni Eli ang mata niya hinahanap si Lucius.
Kailangan niyang makipag kasundo dito! Ito lamang ang escape plan nya, kung maging kakampi niya ito ay advantage na niya.

Ang kaso balang araw e naka tadhana rin si Lucius na mag ka gusto kay Lily. Pero bago iyon kailangan muna ni Eli iligtas so Lucius. Bahala na kung anong sunod na mangya-

"AHHHHHHH!"

Nakuha ang atensyon ni Eli ng isang sigaw at tunog ng latigo.

Naagaw ng pansin niya ang isang lalaki na kulay black ang buhok at ang mga mata nito ay kulay pula ngunit parang walang buhay.

Nilapitan niya ito dahil naaawa siya.

"Tama na nga iyan! Sobra naman kayo!" Asik ni Eli habang pumunta sa gitna ng bantay at ng alipin.

"Nagnak*w kasi iyan ng pagkain." Singhal naman ng bantay.

"Atsaka sino ka ba? Alipin lang naman iyan bakit ka nangingialam?" dagdag pa nito.

Kumunot ang noo ni Eli at inis na pinag dikit ang kilay niya.

"BIBILHIN KO SYA!" sigaw ni Eli na ikinagulat ng lahat lalo na ng lalaking alipin.

Para sa kanila ay baliw si Eli sapagkat bibili sya ng walang halagang alipin at dahil sakim sila, ibinenta nila ang alipin ng napaka laking halaga ngunit isinawalang bahala na lang ito ni Eli.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Eli sa lalaki at tinignan ang mukha nito.

May itsura din ang lalaki, nakakatakot pa at sobrang hot para kay Eli.

Hays, bakit ba andaming gwapo dito. Nakaka inggit naman.

Galit na tumingin ito kay Eli, para sa lalaki e alam na niya na may kailangan sa kaniya ang babae dahil iniligtas siya. Hindi na bago para sa kaniya ito.

Binili sya para utusan at pahirapan, natatawa na lamang siya na nagagalit.

Mga tao nga naman pakitang tao.

Naputol ang pag mumuni nya ng hawakan bigla ni Eli ang ulo niya. Head pat kumbaga. Biglang tumigil ang puso nya at nag init ang mukha niya.

Idagdag mo pa ng biglang tanggalin ni Eli ang cloak niya.

Ang ganda niya, no! Sobra pa sa sobra.

Nag niningning ang mga mata ng lalaki.

"Malaya ka na, binili kita pero malaya ka kung anong gusto mong gawin." Saad naman ni Eli.

That was the time na naramdaman ng lalaki ang tinatawag na kasiyahan. Feeling niya e nasa ulap siya.

Akmang paalis na si Eli para hanapin si Lucius nang biglang hinawakan ng lalaki ang damit niya.

Nag paawa ito at nag pa cute. Kinain na niya ang pride niya at handa itong magka roon ng isa pang side basta makasama lamang si Eli!

" Please, don't leave me." tumutulo ang luha na paki usap ng lalaki. Ang totoo niyan e nag aacting lang siya pero totoo na nasasaktan siya sa isipin na hindi na niya makikita si Eli.

First time niya lang makatagpo ng ganitong klaseng babae sa loob ng ilang taong pag hihirap niya at hindi na niya hahayaan na makawala pa ito.

Naawa naman si Eli at pinunasan ang luha ng lalaki. Soft hearted na babae si Eli kaya madali lamang syang lumambot ngunit kapag naiinis naman siya e sobra rin.

Namula ang lalaki at sobrang saya nito na ma spoil siya ni Eli.

"Gusto mo ba na tumira sa mansiyon namin?" Saad ni Eli.

"T- talaga? Maraming salamat.. I will protect you always bilang pasalamat ko." saad ng lalaki at hinalikan ang kamay ni Eli.

Medyo nagulat si Eli ngunit hindi naman siya nandiri.

"Ano bang pangalan mo?" Nakangiting tanong ni Eli.

"Lucius." sagot niya.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now