CHAPTER 30

1.8K 62 0
                                    

" I-inutusan po ako ni Saint Lily na akuin ang lahat." natatakot na sagot ng maid.

" D!MN YOU!" napatakip si Lily sa bibig niya dahil sa nasabi niya. Nakalimutan niya na ang imahe niya pala dapat ay tahimik at mabait.

"I'm afraid wala na po tayong oras kamahalan, maari po ba na magamot muna natin ang mga tao? "

Napalingon silang lahat kay Eli ng magsalita siya.

"Tama ka. Let's go, kailangan pa ba natin si Saint L.I.L.Y?" May diin na tanong ng hari.

" Meron na po akong nagawang lunas. " seryosong saad ni Eli na ikinagulat ni Lily at ikinatuwa ng Hari.

" Good to hear, let's go." tipid na sabi ng Hari at naunang maglakad.

Lumapit si Theodore kay Lily. " Let's talk later, don't you dare escape." nakakatakot na pagbabanta ni Theodore kay Lily.

Hinati ang mga kawal ng hari, bawat kawal ay may dalang mga potion. Ipamimigay sa bawat tahanan. Samantalang magkasama naman si Eli at Theodore. Ang Hari naman ay nakaupo sa isang karwahe.

" Here, ipainom mo sa kaniya. Trust me, gagaling siya." ngumiti si Eli sa bata, dahil tila walang tiwala ito sa kaniya.

" Huwag kang mag alala, proven and tested ito!" kinindatan ni Eli ang bata, kahit hindi naiintindihan ang sinasabi ni Eli ay natawa siya.

"She's funny, maybe we can trust her!" saad naman ng ate ng bata. Pinainom nila ang potion sa kanilang bunsong kapatid.

Wala pang ilang Segundo ay nakagalaw ang kapatid nila.

"A- ate..." wika nito, nagyakapan naman sila.

"Hindi na ba masakit?" tanong ng nakakatandang kapatid.

"Hindi na ate, m-maraming salamat ginang!"

Lumingon sila kay Eli at yumuko. Sabay sabay silang nagsalita. "MARAMING SALAMAT PO, Pano po namin maibabalik ang kabutihan nyo?"

Lumapit sa kanila si Eli at bumulong. " Itigil nyo na ang pagnanak*w. "
Napasinghap naman sila ngunit agad na nakahinga ng maluwag.

"Here." Inabot ni Eli ang isang supot na ginto.

"Ibenta nyo, sapat na iyan para sa ikabubuhay nyo. Huwag kayong mag alala, bibigyan ko kayo ng tahanan. Ibalik nyo sa iba ang biyayang natanggap nyo ngayon. Doing that is enough." ani Eli at nagsimula ng maglakad papalayo.

Tinanaw siya ng mga bata na may bahid ng pagasa sa kanilang mga mata.

"Bakit ginawa mo iyon?" Hindi mapigilan na magtanong ni Theodore. Hindi ganon ang dating Eli sa pagkaka alam niya. Nagtago kanina si Theodore, hindi alam ni Eli na nanonood pala si Theo.

"Alin?" Tipid na sagot ni Eli.

"Nothing." napangiti si Theodore, Eli is kind. There's no doubt about it. Feeling ni Theo ay lumulutang ang puso niya.

Napanganga si Eli ng makita na ngumiti si Theodore.

"Hoy, bakit ka ngumiti? I share mo naman gusto ko din matawa." curious na sabi ni Eli.
Nagulat si Theo sa sinabi ni Eli, this time ginagamit na niya ang informal words. Meaning, kumportable na ito sa kaniya.

I'm glad.

"Me? No. Hindi ako ngumiti." tanggi ni Theodore at binilisan maglakad.

"You look good, try mo kaya ngumiti palagi para magmukha kang mabait?" walang ano anong sabi ni Eli habang inuunahan maglakad si Theo.

"Nonsense." namula ang tenga ni Theodore habang pinipilit kumalma. Masyadong masakit sa puso ang nararamdaman niya. Sakit na masarap sa pakiramdam. Napasinghap siya dahil bumilis ang tibok ng puso niya, hindi siya mapakali. Tila tumigil ang mundo niya ng marinig na pinuri siya ni Eli.

First time na niya makarinig ng compliment galing kay Eli.

Arghh, ano ba itong nararamdaman ko Eleonora?

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now