CHAPTER 10 : A thief?

2.8K 108 0
                                    

CHAPTER 10.

Nagulat si Eli nang may humablot sa potion na hawak niya. Bigla itong tumakbo. Magn*nakaw ata. Naiinis pa naman si Eli sa mga taong hindi nag papa alam.

Hinabol ni Eli ito, andami pang nababangga ng lalaki. Si Eli pa tuloy ang nag so sorry.

"Stop!" sigaw ni Eli ngunit hindi namansin ang lalaki nag patuloy lang sa pagtakbo.

Pinapahirapan pa ata ako neto e. Inis siyang tumakbo nang mabilis, malapit na niyang maabutan ito. Lumiko pa ang lalaki ngunit sa pag liko nito wala nang ibang matatakbuhan.

Naabutan na ni Eli ang lalaki. Hingal na tumigil si Eli at hinabol ang kaniyang hininga.
Ganon din ang ginawa ng lalaki.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?" Tanong ni Eli.

"Hinabol mo ako e." Sagot naman ng lalaki.

"Tumakbo ka kasi!" kunot noong sagot pa ni Eli.

"Eh kasi nga hinabol mo ako!" Saad din ng lalaki.

"Shhh!" kinamot ni Eli ang kilay niya tanda na napipikon na siya.

"Bakit mo pala kinuha ang potion na iyan?" kunot noong tanong ni Eli at hinawakan pa ang bewang niya.

"Kailangan ko lang para sa mama ko, she's suffering from an unknown disease." malungkot na saad ng lalaki.

"Uh.. sorry to hear that pero." malungkot na sagot ni Eli.

"Don't worry isasauli ko na. I don't have any money yet kasi pinag bawalan pa ako ng hari- I mean ni ama." Tinikom ng lalaki ang bibig niya na parang may nasabing sekreto.

"Ah... iyang potion na iyan kasi ay.. umm.. minor injuries lang ang nagagamot. " malungkot na saad ni Eli.

"Hmm.." halos nawalan ng enerhiya ang lalaki dahil bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Pero- I can experiment para sayo.." may pag aalinlangan na saad ni Eli.

"Talaga?! hulog ka ng langit." nakangiting saad ng lalaki.

Napakapit lang sa batok si Eli. Tinitigan ni Eli ang lalaki. May itsura din Ito. Naiinggit na naman siya. Pula ang kulay ng buhok ng lalaki. Ang mata naman ay orange.

"Uh... Bakit? may dumi ba sa mukha ko?" nahihiyang saad ng lalaki dahil napansin niya na naka titig sa kaniya si Eli.

Nahiya tuloy sya na nang hablot siya, mabait naman pala si Eli. Idagdag mo pa ang ganda nitong walang kapantay.

Umiling lang si Eli at nag paalam sa lalaki.

"W-wait! What's your name?" Saad ng lalaki.

"Eleonora." sagot nito nang hindi tumitingin sa likuran.

"Thadeo!" Sigaw ng lalaki, pangalan niya ang isinigaw niya.

Sa kabilang banda dalawang puso, dalawang mata at dalawang kamao ang naka titig kay Eli at sa lalaki.

"Sakin ka lang Eleonora!" Galit na saad ng isang lalaki sa sarili nya.

"Eli, umalis lang ako saglit may kaagaw na agad ako. Hmm... Anong gagawin ko? I'm mad.. I'm mad at him." How dare he! Hmm. calm down.." Kinakalma ng lalaki ang sarili niya.

Nag ka titigan ang dalawang lalaki. Sinamaan nila ng tingin ang isat isa.

Samantalang si Thadeo naman ay nagkaka roon ng ibang pakiramdam na hindi nya sigurado para kay Eleonora.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now