CHAPTER 13

2.5K 89 0
                                    

"Wow, ang ganda mo po" Puri ni Violet habang nakatulala kay Eli.

Sobrang ganda ni Eli ngayon, kung maganda na siya na simple lang ngayon ay dumoble pa. Mukha niya palang ay may panlaban na.

"Ha? Kahit pogi na lang." umupo si Eli na panlalaki, laking gulat naman ni Violet sa inasta niya.

Tarantang inayos ni Violet ang upo ni Eli. "nako Prinsesa! hindi po ganiyan ang tamang kilos ng isang prinsesa!" sermon ni Violet na nakapamewang pa.

Kumamot naman sa ulo si Eli. Sobrang hirap para sa kaniya na gayahin ang totoong Eleonora.

"My princess..."

Nilingon ni Eli ang nagsalita sa may pintuan. Nakita ni Eli ang isang lalaki na nakahawak sa may batok na tila nahihiya.

Sobrang gwapo nito sa suot niya. He was wearing a tuxedo na halos kapareho ng suot ni Eli. Parang couple ba.

"Yes?" nakangiting patanong na saad ni Eli.

"Um.. pwede bang maging partner mo ako ngayon Eli?" kinakabahan na tanong niya.

"Sure." tipid na sagot ni Eli but still masaya si Lucius dahil sya ang nakaunang maka kuha kay Eli kahit maging partner lang.

"Let's go then." hinawakan ni Lucius ang kamay ni Eli. Sumakay sila sa karwahe. Inalalayan pa nga ni Lucius si Eli.

"Bakit ganiyan ang mukha mo? may problema ba?" tanong ni Lucius dahil napansin niya na nakatulala si Eli.

"Na curious lang ako, ano kayang mangyayari mamaya? what kind of plan kaya ang ginawa ni Lily?" sagot naman niya.

"Hmm.. Kahit ano man iyan, nandito lang ako." sagot ni Lucius kaya napatingin sa kaniya.

Ngumiti lang si Eli pero iniisip niya na one day iiwan din siya ni Lucius dahil yun ang dapat mangyari. Ma iinlove si Lucius kay Lily at mamamt*y si Eli sa kamay mismo ni Lucius. Iyon ang naka tadhana sa istorya.

Hindi nila namalayan nila na biglang may nadaanang bato ang sinasakyan nila. Muntik matumba si Eli pero nasalo siya ni Lucius.

Napatitig si Lucius sa mata ni Eli para siyang hinihigop nito. Ganun din si Eli hindi sya maka alis kahit gusto nya dahil ang korni na.

Tanging puso nilang dalawa ang maingay sa loob ng karwaheng iyon. Mga pusong naguguluhan sa kanilang nararamdaman.

Palapit na ng palapit ang mukha nila konti na lang at lalapat na ang labi ni Lucius. Gusto niyang pigilan ang sarili niya ngunit sobra ang emosyon ngayon ni Lucius. Gusto niya angkinin si Eli. Gusto niyang sa kaniya lang si Eli.

Lalapat na sana ang labi nila ngunit may mga itim na lalaki ang nagpatigil sa karwahe na sinasakyan nila.

"Dito ka lang."  saad ni Lucius.

"No, baka mapano ka." sagot naman ni Eli.

"Shh." pinatahimik ni Lucius si Eli sa pamamagitan ng hintuturo niya.

Lumabas bigla si Lucius. Kinakabahan naman si Eli. Akala niya mahina pa si Lucius dahil ganon ito kumilos.

"AHHHHHH!"

" URKKKKK"

"ACKKK."

Sari saring sigaw ang narinig ni Eli tila nahihirapan.Lalabas na sana siya nang biglang pumasok sa karwahe ng duguan si Lucius.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now