SEASON 2: CHAPTER 6

638 20 2
                                    

Nagising bigla si Eli, napasulyap siya sa lalaking nasa tabi niya. Hinawi pa niya ang buhok nito para makita ng ayos ang gwapong mukha ni Lucius.

" you're gorgeous Lucius." bulong ni Eli. Bigla niyang naalala sobrang lapit na ng ending.

Sinampal niya ang sarili niyang pisngi para gisingin ang sarili niya. Kinagat niya ang ibaba ng labi niya at kinumutan si Lucius.

This is the day. The war will begin, and the ending is near. Mapait na ngumiti si Eli.

Malalaman na niya ang katotohanan kasabay non ang pagkawala ng lahat.





" How's the preparation?" tanong ni Eli kay Thadeo.

" Sinigurado ko na hindi pa alam ang presensya ng inay ko. May tea party mamaya ang hari, dun ko balak na i- bunyag ang lahat." sagot naman nito.

" Good. See you later." tipid na saad ni Eli at tumalikod kasabay naman non ang pagpigil ni Thadeo.

" I think I like you Eleo."

Pumikit si Eli. Pinipigilan ang kaniyang bibig na maglabas ng masakit na salita. Bumuntong hininga na lang siya.

" I think nalilito ka lang, do you really like me or you like me because you need me?"

"N-no. Hindi ganon, hindi ka mawala sa isip ko... I think I like you.. This is the first time na naramdaman ko to." dagdag pa ni Thadeo, pumipiyok na ito.

" That's it, first time mo at nalilito ka. Nalilito ka sa nararamadaman mo dahil sa ginagawa ko sayo. Don't assume masasaktan ka lang. I already like someone else." sagot naman ni Eli at dahan dahang naglakad.

" SO WHAT? I CAN BE YOUR CONCUBINE! I CAN BE SOMEONE BY YOUR SIDE. Even if... It's not me that you love.. Sh-t." hinawakan ni Thadeo ang dibdib niya. It hurts. Perhaps mali ang timing ng confession niya. Nakita niya na lamang na naglalakad na papalayo si Eli.


" What now?" bumuntong hininga si Eli. May pumigil na naman sa braso niya. Nilingon niya ito, ang bumungad sa kaniya ay ang lalaking parang wala ng buhay. Mas malala pa ito sa itsura ni Lucius nung nakaraan.

" Eleonora... " Nag crack ang boses nito habang nag susumamong tinignan si Eli.

Pilit na inalis ni Eli ang braso niya.

" P- pansinin mo naman ako.. I missed you so bad that it hurts.  I- I'm sorry for everything please." Lumuhod si Theodore.

Nanlaki ang mata ni Eli kasabay ng pagbigat ng dibdib niya. Wala siyang nararamdaman para sa kaniya. Ayaw niyang makasakit na naman. Wala siyang karapatan, she's just an outsider dito sa mundo.

Bumuhos ang luha ni Theodore nang mapansin na hindi nagsasalita si Eli. " Please. Another chance, I'm begging you..." paulit ulit na nag crack ang boses ni Eli.

" I don't have time for this Theodore."

" Please.."

Tumalikod na si Eli. Kasabay non ang pag hikbi ng malakas ni Theodore. " Wala na ba talagang chance Eleonora?  I can't... Masakit..."

Nilingon ni Eli ulit si Theodore. Naaawa siya, alam niyang Theodore was blinded by Lily.  Alam niyang mahal talaga ni Theodore si Eli pero pinapairal nito ang pride niya.

Hinawakan ni Eli ang mukha ni Theodore at pinunasan ang luha nito.

"I'm sorry but I already like someone else and... I'm not the woman you're looking for. Mawawala din agad ako." ngumiti si Eli at nagsimulang maglakad papaalis.

Nanikip ang dibdib ni Theodore. Nagsisisi siya. Sa sobrang pagsisisi niya halos sinasakal na siya ng guilt. But... He want her. He want her so much. This is the first time na gusto niyang makuha si Eli. Napabuntong hininga siya. Hanggang ngayon ang selfish niya parin.

Pero... What to do? He was hopelessly inlove.

I was reincarnated as a Kontrabida in another worldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora