SEASON 2 : CHAPTER 4

807 26 1
                                    

" Kailangan ko pumunta sa forbidden forest. I need to gather the recipes." bulong ni Eli sa sarili niya.

"My princess?"

Hindi nya nilingon ang boses na iyon dahil alam nya naman kung sino.

Rinig niya ang buntong hininga ni Lucius.

" May ginawa ba akong mali? "

This time hinarap ni Eli si Lucius dahil sa tono ng boses nito.

" I'm sorry Lucius but can we talk later?" sagot ni Eli. "Im busy." dagdag pa niya.

" Haa... Alright.." bagsak ang balikat ni Lucius na pinapanood si Eli na umalis.

" P- PWEDE BA AKONG SUMAMA?" sigaw ni Lucius nagbabaka sakaling maririnig pa ni Eli ngunit hindi na ito lumingon pa.



Nilibot ng paningin ni Eli ang Forbidden Forest. Kapag nalaman ito ng hari ay baka parusahan siya dahil pinagbabawal na puntahan ang gubat na ito.

Naglakad lakad si Eli. Habang tumatagal e bumibigat ang paghinga niya. Sobrang lawak ng gubat kaya naglagay sya ng pananda para alam niya kung saan siya babalik.

Kumunot ang noo niya ng mapansin ang pananda na nilagay niya.

" Kanina pa ako naglalakad nandito pa rin ako?" kunot noo niyang saad. Inis niyang sinipa ang bato. Sumunod naman dito ang paningin niya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang bulaklak na hinahanap niya.

Finally! Kailangan ko pa ng iba.

Bloody hell!!!!

Nahagip ng paningin niya ang mga halaman na magkakasama. Lahat ito ay rare plants!

Bakit ginawang forbidden ito if maraming mga rare plants dito? Lahat ng halaman dito ay pang gamot!

"Excuse me, pahingi po." saad ni Eli sa mga halaman.
Pinitas na ni Eli ang mga kailangan niya at inilagay sa dala niyang bag.

Nang tumayo siya nagulantang siya ng may grupo ng nakaitim, tila may hinahanap sila. They smell trouble kaya nagtago si Eli sa puno.

" Sure ba kayo na nandito si Princess Eleonora?"

Napasinghap si Eli ng marinig niya na pinag uusapan siya. May dala- dala pa silang tali at espada.

Nandito ba sila para pat*yin ako? Why? Sinong nag utos?!

" Oo, nakita ko siya na papunta dito!"

" Mag hiwa- hiwalay tayo!"

" ANO PANG GINAGAWA NYO? KILOS NA! MAGAGALIT ANG REYNA."

So it was the Queen huh.

"Shi—" nagulat si Eli ng may maapakan siya na nakalikha ng tunog. Napasinghap siya ng lumingon ang grupong iyon sa direksiyon niya.

Nag dalawang isip pa siya kung anong gagawin. Wala siyang choice kundi ang mag cast ng spell.

I need to fight—

" Nandiyan ka lang pala."

Tumigil sandali ang pag tibok ng puso ni Eli nang may humawak sa balikat niya.

Wala na siyang time para mag cast ng spell.

"Arghh!"

Hinila ng lalaki ang buhok niya, pakiramdam niya e matatanggal yung buhok niya sa lakas.

Pinilit ni Eli mag cast ng spell sa isip niya.

Sht sht sht!!!

Hindi gumagana ang spell sa Forest na iyon! Nakalimutan ni Eli na magdala ng kahit anong weapon. She's doomed!


I was reincarnated as a Kontrabida in another worldWhere stories live. Discover now