Chapter One

15.2K 233 14
                                    

"Bumabaha na naman ba ng tweet?"

Napatingin si Rhian sa may-ari ng boses. Si Kat. Naka-make up na ito at mukhang ready na para sa eksena nila. As usual, sexy na naman ang damit ng katrabaho niya.

Well, sexy rin naman siya manamit kaya nga inaabangan din ng ibang fans niya ang susuotin niya bawat eksena. Kahit na lesbian ang papel niya sa bago niyang soap, she still looks hot.

Napatango siya sa kausap. "Oo. Nagtatanong din sila kung matutuloy ba talaga yung mall tour natin sa isang venue."

"Eh hindi pa na-confirm yun ah." wika ni Kat.

Napakibit-balikat siya. Hindi niya pa rin alam. Wala pa siyang balita tungkol sa mall tour nila sa susunod na Linggo. As much as she wanted to inform the fans, hindi rin siya makapagbitiw ng salita. Ayaw niya naman paasahin ang mga ito at ma-hopia na naman sabi nga nila.

Simula nang gawin niya ang kasalukuyang soap opera tungkol sa kwento ng mga lesbian, kung ano-anong term na ang natutunan niya mula sa mga fans tulad ng hopia at pinya. Kaya masipag talaga siyang magbasa ng tweet kahit na napakarami ng mga ito. Nakakatuwa at nakakaaliw kasi.

Ms. Rhian, pansinin mo naman ako please! Napangiti siya ng mabasa ang isang tweet.

Mabilis siyang nagtype sa smartphone niya.

**Making pansin** then she typed her followers name.

"Rhian matanong nga kita." wika ni Wila habang patuloy siya sa pagbabasa ng mga messages sa Twitter. "Masyado kang aliw sa mga fans mo ha? Mukhang kinikilig ka pa kapag tinutukso ka kay Glaiza."

"Ha?" she suddenly looked up to Katrina.

"I mean ok lang talaga na magkalove team kayo ni Glaiza?"

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Bakit? Love team naman talaga kami ni Glai diba?"

"Kamusta naman si boyfriend? Hindi ba sya affected?" prangkang tanong ni Kat. Wala talaga. Wala talagang preno ang bibig nito.

"Hindi." matipid niyang sagot. Nahahalata na ba talaga siya? Nakikita na ba talaga sa mga kilos niya na masaya siya na tinutukso siya kay Glaiza? Naiisip kaya ng mga tao sa paligid niya na gusto niya ang kalove team niya ngayon? Nahahalata na ba talaga? Nakaramdam siya ng kaba.

Binitiwan niya agad ang phone. Baka nahahalata siya sa Twitter o kaya sa Instagram.

"Bait ng boyfriend mo ha?" komento ng kausap niya. Napalingon ito sa gilid niya.

"O ayan na pala si Glai eh."

Sumikdo ang dibdib niya ng marinig ang pangalan ng kalove team. Pinigilan niya ang sariling hindi lumingon. Dapat hindi siya magpahalata. Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang pink na blazer. Bahala na kung malukot iyon basta mapigilan niya ang sarili na huwang lumingon at tingnan si Glaiza.

It's been a month? No, more than one month na siyang ganun. Tuwing darating si Glai sa set, iba ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung panic ba yun o excitement pero hindi niya rin madescribe kung ano talaga ang pakiramdam. Ngunit kapag nasa ibang location naman ito nagtetaping at hindi niya kasama, hindi niya naman din mapigilan na malungkot at mamiss ang dalaga. Alam niya na sa soap ay isa siyang lesbian. Pero sa totoong buhay?

She bit her lip. Yes. She is a lesbian in real life. Pero iilan lang talaga ang nakakaalam. Hindi niya rin naman tinatago. In fact, maybe when the time comes na tatanungin siya, aamin naman siya pero hindi muna sa ngayon dahil tinutulungan niya ang boyfriend na bumango sa parents nito. Her boyfriend is gay at kaya nga sila nagkakilala dahil pareho ang mundong ginagalawan nila wala nga lang talagang hint ang parents ng boyfriend niya na isa siyang lesbian dahil madalas siyang malink sa mga showbiz guys noon. Well publicity lahat iyon. Kailangan talaga iyon sa showbiz. Kaya ang alam ng mga magulang ng car racer niyang boyfriend, she is one of the hottest straight girls in show business.

Unsent Letters (Jathea) Book 1 complete (Book 2 ongoing)Where stories live. Discover now