Chapter 4

20.7K 491 1.2K
                                    

Chapter 4

Dwyne:

Nagluto na ako, painitin mo na lang.

Hindi ko maalis ang tingin sa screen ng phone ko. Message niya agad ang bumungad sa akin. Hindi ko na naabutan pa si Dwyne dahil maaga siyang umalis para magtrabaho.

Napasarap ang tulog namin ni Hillary. Hindi pa nga rin nagigising ang bata. Sana lang ay hindi niya hanapin ang Daddy niya sa oras na magising siya. Mahihirapan na naman akong amuhin siya.

Dahil tulog pa si Hillary, inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng buong unit. Hindi naman makalat ang paligid. Ang nagpapakalat lang ay ang mga laruan ni Hillary. Madalas siyang maglaro sa living room. Kapag nainis siya, bigla niya na lang binabato sa kung saan ang nilalaro niya.

Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pag-iyak ni Hillary. Nagising kasi siya na wala ako sa tabi niya. Iniisip ng bata na mag-isa lang siya. Tumahan lang siya nang makita na ako.

Dinala ko siya sa kitchen. Hinanda ko na ang kakainin namin. Nagluto si Dwyne ng pinakbet na gulay. Sinamahan niya rin ng karneng baboy. Healthy na kainin ni Hillary 

“Umalis na si Daddy,” sabi ko kay Hillary. “Pero ipinagluto niya tayo…”

Ngumuso lang si Hillary. Para bang naiintindihan niya ang sinabi ko. Hindi na niya hinanap pa ang Daddy niya. Kung sakali, mahihirapan na naman akong patahanin siya.

Hindi ako nahirapan na pakainin si Hillary dahil paborito niyang kumain ng gulay. Masarap din magluto si Dwyne. Sa katunayan nga, mas magaling pa siya sa akin. 

“Masarap ba, baby?” tanong ko kay Hillary at pinunasan ang bibig niya.

“Rap!” Hillary giggled.

Napangiti ako at sinimulan na ring kumain. Hindi ko na pinainit pa ang gulay dahil mainit-init pa naman. Nang magising siguro ako ay kaaalis lang ni Dwyne para pumasok sa trabaho.

Matapos naming kumain ni Hillary ay hinayaan ko muna siyang maglaro sa living room. Habang hinugasan ko naman ang kinainan namin. Pagkatapos ay niliguan ko si Hillary. Nagtagal pa kami sa bathroom dahil ayaw niyang umalis.

Tuwang-tuwa talaga siya sa tuwing naliligo. May bathtub kasi, at kapag naliligo siya ay nilalaro niya ang bubbles. Kahit na nag-e-enjoy siya, hindi ko siya hinahayaan na maligong mag-isa. Mahirap na’t baka malunod siya.

“Baby, huwag malikot…”

Kanina pa siyang galaw nang galaw habang sinusuklayan ko. Nasa ibabaw kami ng kama. Nabihisan ko na siya. Pinagsuot ko siya ng pajama at blouse. Kung sakaling madapa na naman siya, hindi siya gaanong masasaktan.

Habang sinusuklayan ko pa rin si Hillary ay biglang tumunog ang doorbell. Imposibleng si Dwyne iyon dahil pumasok na siya sa work. Malayo-layo ang site na pinupuntahan niya.

Binuhat ko si Hillary at dinala sa living room. Binigyan ko rin siya ng mga laruan para doon mapunta ang atensyon niya. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng doorbell.

“Dito ka lang, baby, ha?” ani ko kay Hillary. “Titingnan ko lang kung sino ang nasa labas.”

Nagtungo na ako papunta sa pinto. Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita kung sino ang nasa labas. May dala-dala pa siyang paper bag.

“Good morning, Yera!” masayang bati ni Zed.

I raised a brow. “Ano'ng ginagawa mo rito?”

“Uhm,” aniya at nag-iwas ng tingin.

Napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Hanggang sa ma-realize ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Napayakap ako sa sarili ko, habang tumikhim naman siya.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now