Chapter 10

18.3K 457 1.3K
                                    

Chapter 10 

“Gusto mo ‘ko?” gulat kong tanong.

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Dwyne at hinarap siya. Naka-white shirt na siya at black shorts. Medyo basa pa ang buhok niya dahil katatapos niya lang maligo. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

Sinabi niya ba na gusto niya ako? Dapat ko ba iyong paniwalaan? Paano kung hindi naman talaga para sa akin iyon? Na naiisip niya lang si Selena?

Malaki ba ang pagkakahawig naming dalawa ni Selena para lang magustuhan niya rin ako? Hindi ko na alam. Basta isa lang ang gusto kong gawin, ang lumayo sa kanya.

“Hindi pa ba halata?” he mumbled.

“Pero ang bilis,” hindi ko makapaniwalang sabi. “Nagustuhan mo na agad ako?”

“I know it's hard to believe,” aniya at sinapo ang mukha. “But I'm telling the truth…”

Ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi niya. Hindi ko magawang umimik. Habang si Dwyne ay nagpauli-uli na sa harap ko. Para bang hindi niya alam ang gagawin. Habang ako ay mas piniling iiwas ang tingin sa kanya.

“Kung iniisip mo na rebound lang kita,” usal niya at huminto sa harap ko. “Nagkakamali ka…”

“Wala naman akong—” he cut me off.

“You’re not a rebound, Yehirah,” seryoso niyang sambit. “Nasaktan na ‘ko, sa tingin mo ba magagawa ko rin na manakit ng damdamin ng iba?”

Lumapit sa akin si Dwyne at hinawakan ang pisngi ko. Nagwawala na ang puso ko. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya. Pero nakikita ko sa mukha niya na hindi siya nagbibiro.

“Kung iniisip mo rin na pinagti-trip-an lang kita,” aniya pa. “Hindi ko ‘yon magagawa sa ‘yo. Hindi ko kayang paglaruan ang feelings ng taong nagmamahal sa anak ko…”

Hindi ko pa rin magawang umimik. Hindi ko akalain na pupunta kami sa puntong ito. Na aamin siya sa akin na gusto niya ako. Hindi ito ang unang beses na nagkagusto sa akin ang amo ko.

Iyon nga ang dahil kung bakit umalis ako trabaho ko. Bilang waitress dahil lang sa amo ko na nagpapapansin sa akin. Mayroon na itong asawa. Kahit na hiwalay na sila, wala akong balak na pumatol sa kanya.

Habang si Dwyne ay may anak na. Tanggap ko naman si Hillary. Pero ang inaalala ko ay sa oras na bumalik si Selena. Baka mawalan ako ng puwang sa buhay nila.

“Nagsinungaling ako sa ‘yo,” I bit my lower lip.

“What?”

“May boyfriend na ‘ko, Dwyne,” pag-amin ko. “Malayo lang siya sa ‘kin pero kami pa rin.”

Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Baka isipin niya pa na nagsisinungaling lang ako. Kahit totoo naman ang sinabi ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Ipinangako rin sa boyfriend ko na siya lang ang lalaking mamahalin ko. Hinding-hindi ko siya bibiguin.

Kaya ko nasabi kay Dwyne na wala akong boyfriend dahil iniisip ko na baka mawalan ako ng trabaho. Baka single ang nanny na hinahanap niya para sa anak niya. Naging maingat lang ako. Iyon din ang dahilan kung bakit wala akong balak na magpaligaw sa iba.

“T-talaga?” his voice trembled. “Wala na ‘kong chance sa ‘yo?”

I looked away. “I'm sorry…”

“Don't apologize,” he mumbled. “Dahil hindi ko pinagsisisihan na nagustuhan kita…”

Muli ko siyang nilingon. “Seryoso ka talaga na gusto mo ‘ko?”

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon