Chapter 20

17.2K 384 605
                                    

Chapter 20

Bawat araw na lang ay nakararamdam ako ng pagkahilo. Kung minsan ay naghahanap ako ng pagkain na wala sa fridge. Nahihiya naman akong humingi kay Dwyne. Wala pa rin siyang ideya tungkol sa nangyayari sa akin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-pregnancy test. Hindi ako makaalis ng condo dahil walang magbabantay kay Hillary. Naging busy na kasi uli si Dwyne sa trabaho niya. Malaking proyekto na ang ginagawa niya. Hindi niya pwedeng isantabi iyon.

Ngayon ay may sinat si Hillary. Pa-tatlong araw na ngayon na masama ang pakiramdam niya. Pumunta na naman kami kay Dr. Legaspi para ipa-checkup ang bata. Magiging maayos naman daw si Hillary, basta huwag naming kalilimutan na painomin ng gamot ang bata.

“Pagaling ka na, baby,” ani ko at marahang hinaplos ang buhok niya. “Nag-aalala na kami ng Daddy mo sa ‘yo…”

Mahimbing na natutulog si Hillary. Umalis si Dwyne na natutulog pa rin ang anak niya. Ayaw niya sanang umalis, pero kailangan niyang pumasok sa trabaho. Isang malaking building ang gagawin niya. Si Dwyne ang kinuhang Architect dahil marami na talaga ang bumibilib sa kakayahan niya.

Hindi ako umalis sa tabi ni Hillary. Hinihintay kong dumating si Eva. Nagpaalam naman ako kay Dwyne kung pwede kong papuntahin ang pinsan ko sa condo. Pumayag siya para daw malibang ako.

Ilang saglit lang ay narinig kong tumunog ang doorbell. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad si Eva, may dala-dala siyang mga pagkain. Pinapasok ko agad siya sa loob.

Nililibot niya ang tingin sa paligid. Ngayon lang siya nakapasok dito. Gusto ko sana na magkita kami sa labas pero may sinat si Hillary. Hindi ko siya pwedeng isama. Pumayag naman si Dwyne na ilabas ko si Hillary. Malaki na talaga ang tiwala niya sa akin.

“Mabuti na lang, wala akong trabaho ngayon,” aniya at umupo sa couch. “May problema ba?”

Umupo ako sa tabi niya. Wala akong ibang mapagsasabihan kundi ang pinsan ko. Kahit na noon pa man, siya na ang nakakaalam sa mga nangyayari sa buhay ko. Mabuti nga ay okay na siya.

Hindi na siya kinukulit pa ng manloloko niyang ex. Inabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Hindi na ako magtataka kung tumanda siyang dalaga. Maraming beses na siyang naloko kaya takot na uli siyang magmahal.

“Feel ko,” ani ko at marahang hinaplos ang tiyan ko. “Buntis ako…”

Napalabi siya. “Ano? Buntis ka talaga?!”

“Hindi pa sigurado,” halos pabulong kong sambit. “Pero nakararanas na ‘ko ng symptoms ng pagbubuntis…”

Umipod siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakikita ko sa mukha ni Eva ang pag-aalala. Tama ako na siya agad ang sinabihan ko. Alam kong hindi niya ako huhusgahan.

“Si Dwyne ang ama?” gulat niyang tanong. “Ang amo mo?”

Mabagal akong tumango. “May nangyayari na sa amin ni Dwyne…”

“Yera naman!” singhal niya. “Nababaliw ka na ba?!”

Napayuko na lang ako. “Hindi ko mapigilan…”

Bigla na lang akong niyakap ni Eva. Alam kong nagulat din siya sa nalaman niya. Kung sinabi ko rin ito sa iba, baka pag-isipan na nila ako ng masama. Lalo na't pumatol ako sa ama ng batang inaalagaan ko.

“Alam mo, ang sarap mong sampalin,” aniya at saka humalakhak. “Pero naiintindihan naman kita…”

Humiwalay na si Eva at hinawakan ang magkabila kong balikat. Nakikita ko pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Natatakot siya na baka masaktan lang ako. Na bagay na matagal ko nang naramdaman.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz