Chapter 11

16.9K 434 1.1K
                                    

Chapter 11

“Mamimiss kita, Hillary…” humihikbing sabi ni Hyera.

Kahit si Hillary ay umiiyak na rin. Ayaw niyang bumitaw kay Hyera. Ngayong araw na sila aalis dahil maghahanda pa sila sa pagpunta sa Canada. Matagal-tagal din nagkasama ang dalawa kaya sobrang lapit na nila sa isa't isa.

Gustuhin man namin na mag-stay pa rito si Hyera pero hindi na pwede. Hindi na siya makahihiling pa sa Mommy niya na tumigil muna rito lalo na't aalis sila ng bansa. Makakasama naman ni Hyera ang Daddy niya.

“Let's go na, Hyera,” pagtawag ni Ate Myza sa anak.

“Ayaw pong bumitaw sa ‘kin ni Hillary…”

Lumapit na si Dwyne kay Hillary para lang amuhin ang anak. Yakap-yakap pa rin ng bata si Hyera. Alam niyang aalis na ang kaibigan niya kaya ganito siya ngayon. Maninibago talaga siya dahil wala na ang palaging kalaro niya.

“Want mo ba na mag-play tayo?” panlalambing ni Dwyne sa anak. “Si Daddy naman ang makikipaglaro sa ‘yo…”

Umiling-iling si Hillary. “No!”

“Mamamasyal tayo,” ani pa ni Dwyne. “Bibili rin tayo ng maraming toys…”

Ayaw pa rin talagang bumitaw ni Hillary kay Hyera. Hindi na namin alam ang gagawin. Kanina pa siyang ganito. Kapag sapilitan naman namin siyang nilayo kay Hyera, bigla siyang iiyak nang malakas. 

“Kung gumagawa ka na, Dwyne, ng kapatid ni Hillary para may kalaro ang bata…” ani Ate Myza.

Biglang naubo si Dwyne sa sinabi ng pinsan. Mukhang kailangan na talaga ng kapatid ni Hillary. Lalo na't gusto niya ng kalaro. Matutuwa rin siya kapag naging Ate na siya. 

“Madaling gumawa ng bata,” aniya at nilingon ako. “Pero wala naman akong girlfriend…”

Napaiwas ako ng tingin. Bakit siya nakatitig sa akin? Napapansin ko nga na lumalayo na siya. Nagkakausap pa naman kaming dalawa ni Dwyne pero kadalasan ay tungkol kay Hillary. Iyon na lang ang topic naming dalawa.

“Oh, ba’t parang may pinariringgan ka?” sabi ni Ate Myza saka humalakhak.

“Wala, ah!” tanggi ni Dwyne. 

Mas lalong tumawa si Ate Myza. Ipinagpatuloy ni Dwyne na amuhin ang anak niya. Kahit si Hyera ay pilit na rin inilalayo sa kanya ang bata. Ang balak ng mag-ina ay aalis sila kapag natutulog si Hillary pero ang hindi namin inaasahan ay nagising siya.

“Hillary,” tawag ko sa bata at nilapitan siya.

Hindi ko pinansin si Dwyne na nakatitig sa akin. Sobrang lapit niya sa akin. Hindi man lang siya nahiya na nakatingin sa amin ang pinsan niya. Pinapakita niya talaga na gusto niya ako!

“Bitiwan mo na ang Ate Hyera mo,” malambing kong sabi kay Hillary. “Hayaan mo, tayong dalawa ang maglalaro…”

Hindi pa rin bumibitaw si Hillary kay Hyera. “Love mo ‘ko, ‘di ba?” I asked her.

“Yes po,” si Dwyne ang sumagot kaya nilingon ko siya. “I mean, mahal ka ng anak ko…”

Narinig kong tumawa si Ate Myza. Hindi na lang namin siya pinansin. Habang si Dwyne ay napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Napatikhim na lang ako.

“I lab you, Mommy,” biglang sabi ni Hillary at niyakap ako.

Binuhat ko siya at pilit na pinakalma. Humihikbi pa rin siya sa kaiiyak kanina. Nagmadali na ang mag-ina para umalis. Mahirap na't baka humabol na naman sa kanila si Hillary.

Nakikita ko sa mukha ni Hyera na ayaw niya pang iwanan ang kaibigan niya. Nangako naman si Ate Myza na pupunta uli sila rito pagbalik nila. Baka abutin sila ng isang buwan sa Canada. Medyo matatagalan bago sila makabalik ng Pilipinas.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon