Chapter 27

17.6K 380 563
                                    

Chapter 27

Tumagal ang relasyon namin ni Renzel. Isang taon na lang ay gagraduate na siya ng college. Mas lalo pa siyang naging busy. Marami siyang ginagawang plates kaya nahihirapan na siyang puntahan ako. Naiintindihan ko naman iyon. Mas gusto ko nga na unahin niya ang pag-aaral niya kaysa sa akin.

Habang ako ay naging busy na rin. Marami na kaming ginagawa sa lahat ng subjects. Sobrang bilis ng mga araw. Dalawang taon na lang ay makakatapos na ako ng pag-aaral. Matutulugan ko na rin sina Mama at Papa.

Hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya na may boyfriend na ako. Hindi ko alam kung nahahalata na nila dahil sa palagi kong pag-alis sa bahay. Hindi naman sila nagtatanong sa akin.

“Yera, anak!” boses ni Mama.

Nagmadali akong lapitan siya. Buhat-buhat niya si Syerra na kasalukuyang inaabot ang buhok niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bunso naming kapatid.

Biglaan ang pagdating ni Syerra. Hindi inaasahan ni Mama na mabubuntis pa siya. Hindi naman nila pinagsisisihan ni Papa. Sa katunayan ay apat talaga ang pangarap nilang anak. At natupad na nga.

“Bantayan mo muna si Syerra, pupunta lang ako sa kapitbahay para magbayad ng utang natin.”

Binuhat ko si Syerra. “Sige po, Ma, ako na po ang bahala kay Syerra…”

Nang maakalis si Mama ay pumunta ako sa kuwarto ko. Ka-video call ko kasi si Renzel nang tumawag si Mama. Hindi niya pa rin pinapatay ang tawag. Abala siya sa paggawa ng plates. Nakasuot pa nga siya ng salamin.

“I'm back!” sabi ko para maagaw ang atensyon niya.

Tumingin na sa akin si Renzel. Napangiti siya nang makitang buhat ko si Syerra. Kumaway pa nga si Renzel sa bata. Habang humagikgik naman si Syerra sa ginawa ng boyfriend ko.

“I want a baby na,” ani Renzel at ngumuso. “Gawa na tayo?”

I glared at him. “Bawal pa!”

He chuckled. “Joke lang.”

Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap kay Renzel. Kahit na busy siya sa paggawa ng plates, nilalaanan niya pa rin ako ng oras. Magkikita naman kami sa susunod na linggo. Balak naming pumunta sa Benguet.

Hindi ko na mabilang pa kung gaano na karaming lugar ang napuntahan namin. Pinararanas sa akin ni Renzel ang masasayang alaala. Na kailanman ay hindi ko malilimutan.

Hanggang sa muli kaming nagkita ni Renzel. Binigyan niya uli ako ng bouquet ng sunflower. Mahihirapan na naman akong ipasok iyon sa bahay. Hindi pwedeng makita nina Mama at Papa. Kaya ang ginagawa ko ay iniiwan ko muna sa labas. Kapag tulog na sila saka ko ipapasok.

“Renzel,” suway ko. “Kanina ka pa halik nang halik sa ‘kin!”

Tinakpan ko na ang bibig ko. Maraming beses niyang akong dinampian ng halik. Nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan niya. Mabuti na lang tinted ang bintana kaya walang nakakakita sa amin.

“Sobrang namiss kita, baby,” he pouted. “Sorry kung ngayon lang kita napuntahan…”

“Okay lang,” ani ko at hinawakan ang pisngi niya. “Naiintindihan ko naman na busy ka. Hindi ko rin magugustuhan kung pababayaan mo ang pag-aaral mo…”

Bigla niya akong niyakap. Napangiti na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko ang isang tulad niya. Wala na akong mahihiling pa. Sobra-sobra na ang pinaparamdam niya sa akin na kasiyahan.

“I love you,” he said softly. 

Napangiti ako. “Mahal din kita, Renzel…”

Muli niya akong dinampian ng halik. Pagkatapos ay nagmaneho na siya. Hinahalik-halikan niya pa ang kamay ko habang nagmamaneho. Papunta na kami ngayon sa Benguet. Mahaba-haba rin ang biyahe.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon