Chapter 35

18.1K 349 1.2K
                                    

#LastChapter ٩(✿☯‿☯✿)۶

Chapter 35

“Ang gwapo naman ng apo namin,” nakangiting sabi ni Mama. “Manang-mana talaga sa Mommy at Daddy niya…”

Nakangiti ako habang pinagmamasdan sina Mama at Papa. Buhat-buhat ni Mama si Felix, habang katabi nila si Papa at hinahawak-hawak ang kamay ng anak ko. Pamulat-mulat si Felix na tinitingnan ang mga tao sa paligid niya.

Nararamdaman niya siguro na panatag siya sa mga taong naghahawak sa kanya. Ang dating dala-dala ko lang ng siyam na buwan ay kasama na namin ngayon. Naging madali ang lahat dahil kasama ko si Dwyne. Magkasama naming inaalagaan ang mga anak namin.

“Gusto mo nang sundan si baby?” biglang tanong ni Dwyne kaya siniko ko siya.

“Hindi pa,” I glared at him. “Kaka-one month old pa lang ni Felix! Hindi ko pa kayang magbuntis.”

“Joke lang, baby,” he chuckled. “Focus muna tayo sa dalawang anak natin…”

“Tama,” pagsang-ayon ko. “Sila munang dalawa. Mas kailangan pa nila ang atensyon natin. Hindi naman tayo nagmamadali…”

Nasa labas si Hillary at nakikipaglaro kay Syerra. Nakabantay naman sa kanila sina Miyah at Lyon. Ngayon lang kami uli nakabisita sa kanila. Naging abala kami ni Dwyne sa pag-aalaga sa mga anak namin.

Kapag ako ang nag-aalaga kay Felix, si Dwyne naman ang nag-iintindi kay Hillary. Kapag natutulog si baby ay nakikipaglaro naman ako sa panganay namin. Hindi naman siya nagtatampo dahil pantay ang atensyon namin sa kanilang magkapatid.

Isa iyon sa sinisigurado namin ni Dwyne. Hindi pwedeng maiwan na lang bigla sa ere si Hillary dahil dumating na ang kapatid niya. Bata pa rin si Hillary. Palagi nga siyang nagpapa-baby sa amin ng Daddy niya.

“May date na ba ang kasal?” tanong ni Mama. “Para mapaghandaan na namin…”

Napangiti kami ni Dwyne. “Opo, Mama, malapit na po kaming ikasal ni Dwyne. Dalawang buwan na lang…”

“Wala na rin po kayong aalalahanin pa, kami naman po ang bahala sa susuotin n’yo,” ani Dwyne.

Nahanda na namin ang lahat. Mula sa susuotin ng mga abay, sa venue, sa invitations, at sa mga ninong at ninang namin sa kasal. Lalong-lalo na ang simbahan. Sa Manila Cathedral kami ikakasal ni Dwyne. 

Si Hillary ang flower girl namin. Habang ang ring bearer naman ay anak ng pinsan ni Dwyne. Hindi pa pwede si Felix na hindi pa naman naglalakad. Hindi pa nga rin siya dumadapa. 

Nang umiyak na si Felix ay kinuha ko na siya kina Mama. Nag-breastfeeding ako. Sinasanay ko rin siya minsan na uminom ng gatas sa baby bottle. Para hindi ako mahirapan kung sakaling aalis ako. Alam naman ni Dwyne ang gagawin niya.

Mas marami pa siyang alam kaysa sa akin. Nasanay na talaga siya nang dahil kay Hillary. Alam na alam din niya kung paano patatahanin si Felix kapag hindi naman ito nagugutom.

“Pasyal tayo?” salubong ni Dwyne pagkapasok ng kuwarto ko.

“Saan?” I raised a brow.

Umupo si Dwyne sa gilid ng kama. Napangiti siya nang makitang natutulog na ang anak namin. Patuloy pa rin siya sa pag-inom sa akin kaya hindi ko siya mailapag sa kama. Baka umiyak siya kapag ginawa ko iyon.

“Sa plaza,” he said softly. “Kung saan ako naligaw at nakilala kita…”

Napangiti ako. “Isasama rin natin ang mga anak natin…”

Bumukas ang pinto. Hinatid ni Lyon si Hillary na inaantok na. Humiga si Dwyne at tinabihan si Hillary. Nang mahimbing na ang tulog ni Felix ay inilapag ko na siya sa kama. Pinagigitnaan namin ang mga anak namin.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now