Chapter 21

15K 358 631
                                    

Chapter 21

“May problema ba?”

Marahang hinahaplos ni Dwyne ang buhok ko. Mukhang napapansin niya na malalim ang iniisip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ako. Hindi ko naisip na posibleng mangyari iyon. 

Ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Sinabi naman ni Eva na tutulungan niya ako. Kahit siya ay nag-aalala rin sa akin, pati sa batang ipinagbubuntis ko. Umiyak kasi ako sa harapan niya nang makumpirma kong nagdadalang-tao ako.

Magiging mabuti ba akong ina? Magagawa ko pa ba iyon? Kung malaki na ang kasalanan ko.

“Paano kung…” I bit my lower lip.

“Ano?”

Hindi inalis ni Dwyne ang titig niya sa akin. Pagkatulog ni Hillary ay pinuntahan ko agad siya. Ngayon ay magkatabi kami sa kama niya. Nilalambing niya lang naman ako. Bumabawi siya sa pagiging busy niya.

“Wala,” ani ko at hinawakan ang pisngi niya. “Matulog ka na…”

“May tinatago ka ba sa ‘kin?”

I shook my head. “Ano naman ang itatago ko sa ‘yo?”

“Lahat…”

Kumunot ang noo ko. Habang si Dwyne ay tumuwid na ng higa at tumitig sa kisame. Nanatili akong nakatagilid. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Para bang malalim ang iniisip niya.

Hindi ko masabi sa kanya na buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang tumutulak sa akin para ilihim ang tungkol sa bagay na iyon. Mahal niya naman ako, pero ang sarili ko mismo ang hindi pa handa para sabihin ang totoo.

“Lahat ng nalalaman mo,” he mumbled.

I blinked twice. “Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa ‘yo?”

Hindi ko siya maintindihan. Para bang may tinatago rin siya sa akin. Hinintay ko na muli siyang umimik pero hindi niya ginawa. Sa halip ay niyakap niya ako habang marahang pinapatakan ng halik ang noo ko.

“Wala na ‘kong pakialam sa lahat, Yehirah,” he said softly. “Basta huwag mo lang kaming iiwan ni Hillary…”

Humigpit ang yakap niya sa akin. Hanggang sa pagtulog ni Dwyne ay nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi ko inalis ang titig sa kanya. Sa lalaking nagpapasaya sa akin ngayon.

“Paano kung sabihin ko na…” I mumbled. “Mahal din kita, Dwyne?”

Habang tumatagal, unti-unti ko na siyang tinatanggap sa puso ko. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko. Lalo na sa nararamdaman ko para kay Dwyne.

Totoong mahal ko na siya. Mahal ko ang ama ni Hillary. Mahal na mahal ko na si Dwyne.

Hanggang sa lumipas pa ang mga araw na lumalala ang cravings ko. Lalo na sa pagiging sensitibo ko sa amoy ng nasa paligid ko. Minsan ay nagluluto si Dwyne at hindi gusto ng ilong ko. Isang beses ay nahuli na niya akong nagsusuka. Hindi naman siya nagtanong kung ano ang dahilan.

Nag-aalala lang siya para sa akin. Idagdag pa ang pagiging mahilohin ko. Madalas din akong tulog. Dumarating si Dwyne na natutulog ako, habang si Hillary ay naglalaro. Mabuti na lang ay hindi niya ako pinagsasabihan dahil napapabayaan ko na si Hillary.

Hindi ko talaga mapigilan. Lalo na't buntis ako. Kapag nakikita ko pa lang ang kama, antok na agad ang nararamdaman ko. Hindi pa naman halata na nagdadalang-tao ako. Nakakapagsuot pa nga ako ng sando.

“Ano? Hindi mo talaga sasabihin kay Dwyne na buntis ka?” 

Napayuko ako. “Sasabihin ko naman sa kanya, pero hindi pa ‘ko handa.”

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now