Chapter 9

18K 521 1.2K
                                    

Chapter 9

“I’m sorry,” tanging iyon na lang ang nasabi ko. “Nakatulog kaming tatlo, pagkagising ko ay wala na sa tabi ko ang dalawa. Nandito lang pala at pinapakialaman ang album mo…”

Lumapit sa akin si Dwyne at tinulungan ako sa pagbabalik ng mga litrato sa album. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita kong babae pero mas pinili ko na lang na manahimik. Wala ako sa lugar para alamin ang tungkol sa buhay niya.

Hindi ko inaasahan na maaga siyang uuwi. Hindi naman siya nagsabi. Baka dito na lang niya ituloy ang ginagawa niya sa trabaho. Matutuwa si Hillary dahil makakasama niya ang Daddy niya.

“Galit ka ba sa ‘kin?” I asked him. 

Nilingon niya ako. “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?”

“Hindi ko sila napigilang pumunta sa room mo. Napakialaman tuloy ng mga bata ang gamit mo.”

“No,” he said, shaking his head. “I’m not mad at you.”

Dumako ang tingin ni Dwyne sa hawak kong litrato. Kung saan makikita ang isang babae. Ilang saglit lang ay kinuha niya ang bagay na iyon mula sa kamay ko.

“Don’t mind her,” aniya.

“Huh?”

“The girl in the picture.”

I looked away. “Hindi naman ako curious kung sino ‘yon.”

Tatayo na sana ako nang hawakan ni Dwyne ang braso ko. Nagtataka ko siyang nilingon. Hanggang ngayon ay hawak-hawak niya pa rin ang litrato ng babae. Baka iniisip ni Dwyne na curious ako kung sino iyon.

May parte sa akin na gusto ko talagang malaman kung sino si Selena sa buhay niya. Maraming beses na niyang nabanggit ang pangalan ng babae. Kahit pa ng mga pinsan niya. Mukhang mahalaga sa buhay ni Dwyne si Selena.

“Gusto mo ba siyang makilala?”

Saglit akong natigilan sa tanong niya. “Sino?”

“Selena…” he mumbled. “She's Hillary's mother…”

Ibinalik na niya ang litrato sa album. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Nababakas sa mukha niya ang lungkot. Mukhang may kinalaman kay Selena. Baka namimiss na niya ang babae.

“Bakit hindi n'yo siya kasama ngayon?” 

He looked straight into my eyes. “She left me…”

Hindi ko maalis ang titig sa kanya. Para akong napapaso. Hindi na rin ako mapakali pa. Kaya hindi rin nagtagal ay umiwas na ako ng tingin. Mahina siyang tumikhim.

“Kami ni Hillary,” his voice broke. “Kaya mag-isa kong pinalaki ang anak namin.”

Nang maibalik na niya ang mga litrato sa album ay tumayo na siya. Habang naglakad ako palabas sa lugar na iyon. Naramdaman kong naninikip ang dibdib ko. Lalo na sa mga salitang binitiwan ni Dwyne.

Selena, sobrang swerte mo… Minahal ka ng isang tulad ni Dwyne.

Kinabukasan ay hindi pa rin bumabalik si Ate Myza. Hindi naman siya hinahanap ni Hyera. Mukhang ayaw niya pa ngang umalis. Lalo na’t palagi silang magkalaro ni Hillary. Mahihirapan na kaming paghiwalayin silang dalawa.

Walang trabaho ngayon si Dwyne. Makakasama namin siya. Hindi na niya nabanggit pa sa akin si Selena. Wala rin naman akong balak na alamin ang tungkol sa babae. 

Kung ano ang past nila ni Selena, sa kanila na lang iyon. Hindi ako pakialamera para malaman ang lahat ng tungkol sa amo ko. Si Hillary lang naman ang pakay ko kaya ako pumunta sa Maynila. Para sa trabaho ko.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now