Chapter 5

19.4K 484 1.2K
                                    

Chapter 5

Nang magising ako ay hinanda ko na agad ang susuotin ni Hillary. Mahimbing pa rin ang tulog ng bata. Nagising siya kagabi at nakipaglaro pa kay Hyera. Habang si Dwyne naman, tumulong sa pinsan niya sa paghahanda sa birthday party ni Hyera.

Ngayon na ang birthday ni Hyera. Dito lang din gaganapin ang celebration. Nasa ibang bansa ang ama ni Hyera kaya hindi nila ito makakasama. Siguradong mahirap iyon para sa bata lalo na’t isang beses lang sa isang taon nangyayari ang bagay na ito.

Narinig kong bumukas ang pinto. Natanaw ko si Dwyne na agad na pumasok para tingnan si Hillary. Hindi pa rin talaga nagigising ang bata. Pinuyat niya pa ako dahil ayaw niya talagang matulog kagabi. 

“Pinuyat ka ba ni Hillary?” tanong ni Dwyne at nilingon ako.

Tumango ako. “Hindi agad siya matulog. Gusto niya pang makipaglaro kay Hyena, pero tulog na naman ang bata. Kaya ako ang nakipaglaro kay Hillary.”

Hindi na kami nabalikan pa ni Dwyne kagabi. Mukhang napasarap ang kuwentuhan niya sa mga kamag-anak niya. Dumating din kasi ang iba pa nilang pinsan. Minsan lang naman sila magkita kaya hindi na niya sinayang ang pagkakataong iyon.

“Mag-breakfast ka muna…”

I swallowed hard. “Nakakahiya, wala akong kakilala sa kanila.”

Humalakhak si Dwyne. “Sasamahan kita. Hindi pa rin naman ako nag-aalmusal.”

Nilingon ko si Hillary. “Paano ang anak mo? Walang magbabantay sa kanya.”

“Papupuntahin ko rito ang pinsan kong si Zia, siya muna ang magbabantay kay Hillary.”

Hindi na ako nagtanong pa. Lumabas na kami ni Dwyne ng kuwarto. Sakto namang nakasalubong namin ang pinsang tinutukoy niya. Maikli ang buhok ni Zia, at sobrang puti pa. Para siyang Koreana.

“Ikaw muna ang magbantay sa anak ko,” sabi ni Dwyne sa babae.

“Tamang-tama, pupuntahan ko talaga si Hillary. Ako muna ang bahala sa kanya.”

Dumako ang tingin sa akin ni Zia. Napansin kong pinapasadahan niya ako ng tingin. Napalunok na lang ako sa paraan ng titig niya sa akin. Para bang hinuhusgahan na niya ako sa isip niya.

“Totoo bang nanny lang ni Hillary ang magandang babae na kasama mo?”

Tumikhim si Dwyne. “Pumasok ka na sa loob, baka magising na si Hillary.”

Ipinagtulakan na ni Dwyne si Zia papasok ng silid kung nasaan si Hillary. Wala nang nagawa ang babae. Napansin kong dumako ang tingin sa akin ni Dwyne. Napakamot na lang siya sa batok.

“Sorry sa pinsan ko,” aniya. “Hindi kasi talaga halata na nanny ka ng anak ko.”

“Bakit? Dahil ba hindi ako nakasuot ng uniform?”

Nakasuot ako ng bestida. Nagpalit ako ng suot kagabi. Ngayon ay dilaw na ang kulay. Mahaba naman ang suot ko. Sobrang fitted nga lang kaya nakikita ang hugis ng katawan ko.

Hindi ko na sana poproblemahin pa ang mga susuotin ko kung bibigyan ako ni Dwyne ng uniform ko bilang nanny. Hindi naman ako mahihiyang suotin iyon dahil ganoon ang trabaho ko.

“Maganda ka, Yehirah,” he said softly. “Kahit ako, ‘yon ang nakikita ko sa ‘yo sa tuwing tititigan kita.”

Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi ni Dwyne ang bagay na iyon. Hindi man lang siya kumurap habang nakatitig sa akin.

“Pinsan!” boses ng isang lalaki.

Nakahinga ako nang maluwag nang may tumawag kay Dwyne. Hindi na lang ako umimik pa at sumunod na sa kanya. Sumabay kami na mag-almusal sa mga pinsan niya. Tahimik lang ako sa tabi ni Dwyne.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now