Chapter 16

19.3K 447 1.2K
                                    

Chapter 16

Warning: R-18

“Wait!” Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang mapansin na hahalikan uli ako ni Dwyne.

“Hmm…” 

Makikita sa mukha ni Dwyne ang pagkabitin. Nasa ibabaw ko na siya. Hindi ko akalain na mapupunta kami sa sitwasyong ito. Ang plano ko lang ay ibigay sa kanya ang batong pinabibigay ni Hillary. 

Ngayon ay nasa kama na kaming dalawa! Nagustuhan ko ang halik at isang pagkakamali iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko at gumanti sa halik niya. Matagal na rin noong nagawa ko iyon sa boyfriend ko.

May experience na ako sa ganoong bagay. Hindi na bago sa akin, pero kinakabahan pa rin ako. Lalo na't si Dwyne ang kasama ko. Baka hindi niya ako matanggap kapag nalaman niya ang totoo.

“Akala ko ba ay tatlong kiss lang? Lumampas na nga, eh!”

Dwyne pouted. “Isa na lang…”

I shook my head. “No!”

“One more kiss, please,” he begged.

Dalawa na ang mga kamay na tinakip ko sa bibig ko. Umiling-iling pa ako na para bang sinasabi na ayaw kong gawin ang sinasabi niya. Tatlong kiss lang naman dapat, lumampas na nga nang hindi ko namamalayan. Panay pa ang tugon ko sa kanya.

Bumuntonghininga si Dwyne at lumayo na sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama, para bang nagtatampo. Habang sinandal ko naman ang likuran ko sa headboard. Humahalimuyak ang amoy ng pabango niya sa buong paligid. Para bang ang sarap tumambay dito.

Wala pa rin siyang suot na pang-itaas. Hindi ko magawang alisin ang tingin kay Dwyne. Mukhang nabitin talaga siya. Ako rin naman pero nagising ako sa katotohanan. Na hindi pwede ang ginagawa namin.

“Hindi ba ‘ko masarap humalik?” nagtatampo niyang tanong.

“No,” I bit my lower lip. “Nagustuhan ko nga…”

Gulat niya akong nilingon. Natakpan ko uli ang bibig ko. Hindi ko akalain na masasabi ko iyon. Parang wala ako sa sarili. Bumabalik sa isip ko ang nangyaring halik sa pagitan naming dalawa. Alam kong naguguluhan na rin siya sa ikinikilos ko. 

“Why?” nagtataka niyang tanong. “Bakit ayaw mo na?”

“Mali pa rin, Dwyne,” pag-amin ko. “Hindi magandang gawin natin ‘to.”

“I don't care,” aniya.

Lumapit na siya sa akin. Inalis niya ang pagkakatakip ko sa bibig ko at hinawakan ang kamay ko. Marahan niyang hinagkan iyon. Hindi ko inalis ang tingin kay Dwyne na ngayon at nakatitig na rin sa akin.

“I love you, Yehirah,” he said softly. “Kaya kong higitan ang pagmamahal na pinaramdam sa ‘yo ng lalaking ‘yon…”

Aaminin kong natatakot ako. Sa tuwing kasama ko si Dwyne, iba ang nararamdaman ko. Para bang ang gaan-gaan ng loob ko. Lalo na ngayon, nakikita ko sa mga mata niya na seryoso talaga siya sa akin. Gusto kong paniwalaan iyon. Nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko.

“Dwyne,” I mumbled.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siya nang dampian ko iyon ng halik. Pumikit ako habang patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Napatigil lang ako nang hawakan ni Dwyne ang pisngi ko. Nagmulat na ako. Bumibigat na ang paghinga naming dalawa. Handa ako sa mangyayari ngayong gabi.

“Kiss me,” I whispered. 

“Really?”

Tumitig ako sa mga mata niya at tumango. “Gusto ko, Dwyne…” I bit my lower lip.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon