Chapter 7

19.3K 491 1.3K
                                    

Chapter 7

“Wala ka bang work ngayon?” tanong ko kay Dwyne nang mapansing hindi pa siya gumagayak.

“Meron,” he replied. “Pero pwede ko namang ituloy dito ang ginagawa ko. Na-meet ko na rin kahapon ang client…”

Nagkatitigan kami ni Dwyne. Ako rin ang unang umiwas. Hanggang sa marinig namin ang boses ni Hillary. Pinuntahan agad ni Dwyne ang anak niya na babagong gising.

“Good morning, baby,” nakangiting bati ni Dwyne kay Hillary.

Hinayaan ko na lang silang dalawa. Nagtungo ako sa kusina at nagsimulang magluto. Adobong baboy ang niluto ko. Kahapon ay nakapag-gulay na kami kaya karne naman ang niluto ko ngayon.

Dalawang-linggo na ang nakalipas noong mag-first birthday si Hillary. Tuwang-tuwa siya sa mga regalong natanggap niya. Halos mapuno ng mga laruan ang kuwarto niya. Ang iba naman ay itinabi na lang namin dahil hindi niya naman magagamit pa.

Matapos kong magluto ay pinuntahan ko na sila. Nakakalong si Hillary sa Daddy niya. Nang makita ako ng bata ay agad siyang napangiti. Suot-suot niya pa rin ang bracelet na iniregalo ko sa kanya.

“Mommy!” 

Lumapit ako sa kanila at binuhat ko si Hillary. Hindi na siya nahihirapan sa pagtawag sa akin ng Mommy. Hindi katulad noon na hirap na hirap siya. Minsan ay hindi pa rin namin maintindihan ang sinasabi niya.

“Lalabas tayo,” biglang sabi ni Dwyne.

Nagtataka ko siyang nilingon. “Saan tayo pupunta?”

“Mamimili ng groceries,” aniya. “Baka wala na tayong makain.”

Napansin ko rin kanina na paubos na ang pagkain namin. Wala na ngang prutas pa na makakain si Hillary. Hindi naman ako makalabas dahil walang magbabantay sa bata.

Ibinababa ko na si Hillary at hinayaang maglaro. Nagtungo ako sa kusina at hinanda na ang kakainin namin. Sumunod sa akin si Dwyne na tinulungan ako.

“Hindi ka ba uuwi sa family mo?”

Nilingon ko siya. “Huh? Ba’t ako uuwi?”

“Malapit na ang holy week,” he replied. “Siguradong marami ang uuwi sa pamilya nila.”

Ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon. Malapit na nga ang holy week. Inaasahan din siguro nina Mama na uuwi ako. Nakapagpadala na uli ako sa kanila. Nagugulat nga sila dahil malaki-laki ang binibigay kong pera.

Hindi ko rin alam kung bakit malaking magpasahod si Dwyne. Nanny lang naman ako. Hindi na lang ako nagtatanong pa dahil malaking tulong din iyon sa pamilya ko.

“Paano si Hillary?” tanong ko dahil isa iyon sa inaalala ko. “Makakaya mo ba siyang alagaan ng mag-isa?”

“Of course,” tugon niya at ngumiti. “Mag-isa ko nga lang siya inalagaan noong baby pa siya.”

Saglit akong natigilan. “Wala man lang tumulong sa ‘yo?”

He shook his head. “I raised my child alone…”

Tumitig siya sa akin. “Ngayong nandito ka na, ikaw na ang kasama ko sa pag-aalaga sa anak ko.”

Nag-iwas ako ng tingin at sinimulan nang sumadok ng kanin. Matapos naming maihanda ang pagkain ay pinuntahan na niya si Hillary. Pinalamig ko muna ang kakainin ng bata para hindi siya mahirapang kainin iyon.

Nagustuhan nila ang niluto ko. Humingi pa nga si Hillary ng kanin. Bihira lang niyang maubos ang kinakain niya. Mabilis siyang mabusog dahil mas matakaw siya sa gatas.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon