Chapter 33

17.2K 361 1.1K
                                    

Chapter 33

“I’m sorry,” usal ko at napayuko na lang. “H-hindi ko sinasadya…”

Luluhod na sana ako pero pinigilan ako ni Dwyne. Sinalubong niya ako ng yakap. Nararamdaman ko pa rin panginginig ko. Lalo na nang maalala ang napanood ko. Wala na talaga akong mukhang maihaharap pa kay Dwyne.

“Hush,” pagpapakalma niya sa akin. “Okay lang, hindi ko naman gaanong nagagamit ang laptop. Kakaunti rin ang laman niyon dahil hindi ‘yon ang ginagamit ko sa work…”

“Pero…” I bit my lower lip. “N-nasira ko ang laptop mo, hindi mo na tuloy magagamit ‘yon…”

Sa sobrang pagkataranta ko sa pagsulpot niya, bigla kong natabig ang laptop. Nahulog iyon sa sahig at nasira ang screen. Mukhang hindi na talaga magagamit iyon. Halata pa naman na mamahalin!

“Bibili na lang po ako ng bagong laptop,” panlalambing niya. “Iniiwan ko talaga ‘yon dito para may magamit ka…”

Humiwalay na si Dwyne sa yakap at kinuha ang laptop mula sa sahig. Sinubukan niyang buksan iyon pero ayaw na talaga. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa flash drive. Bago ko pa makuha iyon, naunahan na niya ako.

“Hindi pamilyar sa ‘kin ‘to,” aniya at pinagmasdan ang flash drive. “Sa ‘yo ba ‘to, baby?”

I gulped. “Y-yes…”

“Really?” gulat niyang tanong. “Nandito ba ang mga baby pictures ni Hillary?”

Mas lalo akong natigilan. Nakikita ko sa mukha ni Dwyne ang saya. Habang gusto ko nang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo! Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa posibleng maging reaksyon niya.

“Wala,” I looked away. “Pero may ibang pictures pa ‘ko ni Hillary na hindi mo pa nakikita…”

Kinuha ko sa kamay niya ang flash drive. Hindi na nagtanong pa si Dwyne. Mabilis kong itinago sa maleta ko ang bagay na iyon. Nakasunod sa akin si Dwyne dahil excited talaga siyang makita ang mga litrato ni Hillary noong baby pa ang anak namin.

“Oo nga pala!” Nahampas ko ang noo ko. “Naiwan ko sa bahay namin ang mga litrato ni Hillary…”

Sumimangot si Dwyne. “Sa Pampanga?”

I nodded. “Itinago ko ‘yon para hindi nila makita…”

Umupo sa gilid ng kama si Dwyne. Wala pa rin siyang suot na pang-itaas. Tanging grey shorts lang. Natatanaw ko ang abs niya! Hindi pa rin ako makapaniwala na mapupunta sa akin ang isang tulad niya.

“Hindi pa rin nila alam ang tungkol sa apo nila?” tanong niya pa. “Kay Hillary…”

“I’m sorry…” halos pabulong kong sambit. “Ni hindi alam ng mga magulang ko na buntis ako noong lumayo ako sa kanila…”

“Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa ‘yon…”

Gulat ko siyang nilingon. “Bakit?”

“Kilalang-kilala kita, Yehirah,” sambit niya. “Mas pipiliin mong mag-isang magdusa kaysa ang pag-alalahanin pa ang iba…”

Lumapit ako kay Dwyne at umupo sa kandungan niya. Niyakap niya naman ako. Hindi ko alam pero kahit papaano ay kumalma ako. Siya lang talaga ang nakakagawa ng bagay na iyon.

“Paano kung,” napahinto ako saglit. “Nakagawa ako ng malaking kasalanan sa ‘yo, matatanggap mo pa rin ba ako?”

Naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko. “Kahit na ano pa ‘yan, Yehirah, kahit na malaki pa ang kasalanan mo. Kahit na sobrang masasaktan ako. Tatanggapin pa rin kita…”

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now