Chapter 17

18.6K 389 1.1K
                                    

Chapter 17

“Mahal mo ‘ko, Yehirah?” 

Nilabanan ko ang titig ni Dwyne. Nakikita ko sa mukha niya na umaasa siya na totoo ang sinabi ko. Hindi ko akalain na gising pa siya noong oras na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba nasabi iyon.

“Tama,” tugon ko.

“Mahal mo talaga ‘ko?” gulat niyang tanong.

“Tama ka, Dwyne, sinabi ko ‘yon,” ani ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Dahil naiisip ko na ikaw ang—”

“Na ako ang boyfriend mo?” His voice broke.

I looked away. “Sorry…”

“Okay lang,” usal niya. “Kahit na hindi para sa ‘kin ang sinabi mo, iisipin ko pa rin na ako ang mahal mo.”

Natigilan ako. “Dwyne…”

“I’m willing to be your rebound, Yehirah,” seryoso niyang sambit. “Wala akong pakialam kung isipin mo na ako ang boyfriend mo.”

“Hindi ka ba masasaktan?” I bit my lower lip. “Alam mo na wala kang pag-asa sa ‘kin.”

“Sinaktan mo na nga ako noong sinabi mo na may boyfriend ka na,” aniya at mahinang tumawa. “Handa pa ‘kong masaktan basta makasama lang kita.”

Lumapit pa siya sa akin at ipinaglapat ang noon namin sa isa't isa. Inaasahan ko na susukuan na niya ako. Lalo na’t ibang lalaki naman ang nasa isip ko habang kasama ko siya. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero hindi ko mapigilan.

“Ngayon pa, Yehirah,” bulong niya. “Sobrang hulog na hulog na ‘ko sa ‘yo. Sa tingin mo ba, ititigil ko pa ‘to?”

“Hindi ko alam, Dwyne,” tugon ko at pumikit. “Nalilito na ‘ko…”

“What do you mean?”

Kumapit ako sa tela ng polo niya. Naririnig pa rin namin ang boses ni Hillary. Parang musika ang bawat pagtawa niya. Hindi nakakasawang pakinggan. Lalo na noong unang beses ko na narinig ang pag-iyak niya.

Kahit na hindi ko minsan maintindihan ang sinasabi ni Hillary, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang kwento niya. Napanatag na talaga ang loob niya sa akin. Ganoon din ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Dwyne. 

Natatakot ako na baka hindi ko na magawang umalis pa sa mga bisig niya. Kahit na mali.

“Ayoko, Dwyne,” usal ko at tuluyang yumakap na sa kanya. “Ayokong itigil mo ang nararamdaman mo para sa ‘kin.”

Alam kong hindi niya ako maiintindihan. Wala rin akong balak na ipaintindi sa kanya. Sana huwag na siyang magtanong pa. Dahil hindi ko kaya, at kailanman ay hindi ako magiging handa. Basta isa lang ang totoo, na may lalaki akong hinihintay na bumalik sa akin.

“Hindi ko kayang itigil,” tugon niya at niyakap ako pabalik. “Kahit na ang sungit mo sa ‘kin minsan, patuloy pa rin kitang mamahalin, Yehirah…”

Napahiwalay kami sa yakap nang biglang sumingit si Hillary. Napangiti kami ni Dwyne sa ginawa ng bata. Nakasimangot na siya na mukhang nagtatampo na hindi namin siya sinasali sa lambingan namin. Binuhat ni Dwyne si Hillary at pinaulanan ng halik ang mukha ng bata.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanilang mag-ama. Tumatawa na si Hillary dahil sa ginagawa ng Daddy niya. Hindi ko na tuloy mapigilan na mapangiti. Ang sarap pa lang maging parte ng pamilya nila. Hinding-hindi ko ito malilimutan.

Naglakad-lakad pa kami sa dalampasigan. Sinusulit na namin ang araw dahil aalis na kami bukas. Baka mapaaga ang pag-alis namin dahil malayo ang biyahe papunta sa Manila.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now