Chapter 28

16.7K 399 579
                                    

Chapter 28

"Ate Yera, may lalaki po sa labas!" hiyaw ni Miyah mula sa ibaba. "Hinahanap ka po!"

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Miyah. Humarap agad ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Magdamag akong umiyak kagabi. Pugto pa nga ang mga mata ko. Mabuti na lang ay hinayaan ako nina Mama.

Nahuli pa nila akong umiiyak kagabi. Matapos ang tagpo namin ni Dwyne ay iniwan ko siya sa plaza. Hindi niya ako sinundan. Wala akong ideya kung umuwi ba siya.

At ngayon ay mukhang balak niya akong kulitin! Kung kailan hindi ko siya kayang harapin. Nalaman na talaga niya ang totoo na siya ang lalaking mahal ko, noong una pa lang.

Kahit hanggang ngayon. Nawala man ang alaala ni Dwyne, nanatili pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. Mas lalong lumala pa nga dahil napakabuti niyang ama para kay Hillary.

"Ate Yera?" Kumatok na si Miyah sa pinto ko.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Iniwas ko agad ang tingin kay Miyah. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Mukhang natatandaan niya na kung sino ang lalaking nasa labas. Ang taong kasama ko sa litrato na nakita niya.

Hindi niya rin kasi nakita ng personal noon si Dwyne. Hindi ko talaga pinakilala sa kanila ang lalaki. Tanging si Eva lang ang nakakaaalam ng totoo. Siya rin nga ang tumulong sa akin para lang makapagtrabaho ako kay Dwyne bilang isang nanny ni Hillary.

"Okay ka lang po ba?"

Tumango ako at hinaplos ang buhok niya. "Oo naman..."

"Paaalisin ko na lang po ba ang lalaki?" muli niyang tanong. "Mukhang hindi mo siya kayang harapin."

Hindi ko talaga kayang harapin si Dwyne. Pero kung palagi akong magtatago, walang mangyayari. Mas malaki ang kasalanan ko sa kanya. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Ako ang dahilan kung bakit nasaktan ang lalaking mahal ko.

Pinilit ko na huwag makipag-relasyon sa kanya, lalo na't hindi pa bumabalik ang alaala niya. Pero hindi ko talaga kaya. Mas lalo ko pa siyang minahal. Bilang Dwyne na pangalawang pangalan niya. Nasanay na ako na iyon ang tawag sa kanya.

"Haharapin ko siya," ani ko at ngumiti. "Huwag kang mag-alala, Miyah... Okay lang si Ate..."

Bumaba na ako para puntahan si Dwyne. Pagkalabas ko ay natanaw ko siyang kausap si Papa. Hindi siya kilala ni Papa, dahil itinago ko talaga ang relasyon namin noon. Malamang na magugulat sila sa oras na malaman na ang boyfriend ko noon ay ang naging amo ko, at ang ama ng ipinagbubuntis ko.

"Nandito na pala ang anak ko," ani Papa nang makita ako.

Dumako ang tingin sa akin ni Dwyne. Bago pa siya makaimik ay hinila ko na siya palayo kay Papa. Wala rito si Mama, kasama niya sina Lyon at Syerra. Nagpunta sila sa bahay ng kamag-anak namin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" bungad ko sa kanya.

Napakamot siya sa batok. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Bakit?" I asked. "Hindi ba't dapat ay galit ka sa 'kin? Ang laki ng kasalanan ko sa 'yo! Itinago ko ang katotohanan tungkol sa naging relasyon natin noon..."

Nag-iwas ako ng tingin. "K-kasalanan ko rin kung bakit ka naaksidente-"

Bigla niya akong niyakap. Wala akong lakas para itulak siya. Hinayaan kong yakapin niya ako. Hanggang sa maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Para bang pinapagaan niya ang loob ko.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, Yehirah," he mumbled. "Hindi kita susukuan..."

I shook my head. "H-hindi mo 'ko naiintindihan, Dwyne. H-hindi pa buo ang alaala mo kaya mo nasasabi 'yan..."

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon