Chapter 24

15.3K 358 604
                                    

Chapter 24

Trigger Warning: Violence and Sensitive Language.

“May hindi ba ‘ko nalalaman?” nag-aalalang tanong ni Dwyne. “Kapag nasa trabaho ako, hindi ka nagpaparamdam sa ‘kin. Kahit na nagmemessage naman ako sa ‘yo. Hindi mo nga rin sinasagot ang tawag ko.”

Pinilit kong makipaglaban ng titig kay Dwyne. Nasa room kami ng anak niya. Pinagigitnaan namin si Hillary pero nasa mababa siyang parte kaya malaya akong nayayakap ni Dwyne. Iyon lang naman ang kailangan ko, ang yakap ng lalaking mahal ko.

Hindi ko pa rin nasasabi kay Dwyne ang ginagawa sa akin ni Selena. Alam kong mali ang maglihim sa kanya pero ayaw ko na siyang pag-alalahanin pa. Kapag nalaman ni Dwyne ang totoo, baka hindi siya pumasok sa trabaho para lang mabantayan ako.

Sa katunayan nga ay pwede kong isumbong sa pulis si Selena. Pero hindi madaling makakuha ng hustisya ang taong mahihirap. Lalo na kung pera ang pag-uusapan. Siguradong magbabayad ng malaking halaga si Selena para lang hindi siya makulong. 

Hindi sinabi ni Selena kay Dwyne ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi rin naman nakahahalata ang lalaki. Palaging malaking T-shirt ang suot ko. Kung makikita man ang tiyan ko ay parang busog lang ako. Hindi gaanong sobrang laki ang baby bump ko.

Alam ko na ayaw din ni Selena na malaman ni Dwyne na buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Basta isa lang ang masisiguro ko. Hindi ko pababayaan ang batang dinadala ko. Hindi ko gagawin ang inutos niya. 

“Sorry,” I mumbled. “Abala lang ako sa pag-aalaga kay Hillary…”

“Si Selena?” tanong niya. “Maayos lang ba ang pakikitungo niya sa ‘yo?”

I looked away. “Maldita minsan, pero hindi naman niya ako sinasaktan…”

“I want her to leave,” gigil niyang sabi. “Pero palagi niyang ibinabato sa ‘kin na ina siya ni Hillary kaya nararapat lang daw na nasa tabi siya ng bata. I know na hindi ko na mababago pa ang katotohanan…”

Marahang hinaplos ni Dwyne ang buhok ko. “I'm sorry, baby, ikaw tuloy ang nahihirapan sa sitwasyon namin…”

Pinilit kong ngumiti. “Kung nasaan ang mag-ama ko, dapat nandoon din ako…”

Lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa noo. “Hindi magbabago, Yehirah, ikaw lang ang babaeng mahal ko…”

Payapa akong natulog habang yakap-yakap ni Dwyne. Sa tuwing gabi ko lang nararanasan ito. Pagkagising ko sa umaga ay kaba agad ang nararamdaman ko. Lalo na sa oras na lumabas si Dwyne ng condo. Doon na magsisimula ang pagpapahirap sa akin ni Selena.

Wala talaga siyang awa. Buntis ako pero patuloy pa rin siya sa pag-utos sa akin. Araw-araw na lang akong naglalaba. Kung hindi ink ang mantsa sa damit niya, lipstick at makeup ang inilalagay niya. Para lang mahirapan ako sa paglalaba.

Pagkagising ko ay wala na si Dwyne sa tabi namin ni Hillary. Nagluluto siya kaya tumulong ako. Habang si Selena ay hindi pa rin lumalabas sa room ni Dwyne. Ganoon palagi ang gawain niya, lalabas lang siya kapag umalis na ang lalaki.

Sinabayan kong kumain si Dwyne. Hindi nawala ang landian namin sa isa't isa. Hindi na rin namin nagagawa ang bagay na iyon. Lalo na't sa room kami ni Hillary natutulog. Limitado lang ang galaw namin dahil kasama namin si Hillary.

“Dywne…” I called him.

Habang busy siya sa pagbubutones ng polo niya ay niyakap ko siya mula sa likuran. Pinasok ko pa siya sa banyo dahil dito na rin siya nagbibihis. Hindi na kasi siya pumapasok sa room niya dahil nandoon si Selena. Kaya ang ginawa ko ay naglipat ako ng mga masusuot niya sa room ni Hillary.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora