Chapter 26

15.7K 418 633
                                    

Chapter 26

“Ma, aalis po ako ngayon…” paalam ko. “Pasabi na rin po kay Papa kapag umuwi na siya.”

Humigpit ang hawak ko sa tela ng bestida na suot ko. Nanatili ang tingin sa akin ni Mama. Alam kong nagtataka na siya kung bakit palagi na lang akong umaalis. Hindi na ako matali pa rito sa bahay.

Sabado ngayon at walang pasok. Tinapos ko na kahapon pa ang activities na pinapagawa sa amin ng professor para malaya ang oras ko. Birthday ngayon ni Renzel. Nagpatuloy pa ang pagkikita namin at nililigawan niya pa rin ako.

Ngayong araw ko siya balak na sagutin. Hindi ko pa rin nasasabi kay Renzel na mahal ko na siya. Alam kong mabilis pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Lalo na sa kasiyahang pinaparamdam niya sa akin. Halos siya na nga ang laman palagi ng isip ko.

Marami na kaming napuntahang lugar. Sinisigurado niya talaga na maihahatid niya ako pauwi ng bahay. Hindi pa rin siya nakikilala nina Mama at Papa. Kaya kapag ihahatid niya ako ay sa lugar kung saan malayo-layo sa bahay namin niya ako inihihinto.

Nasa trabaho ngayon si Papa. Nag-aayos siya ng tubo ng tubig sa kabilang barangay. Dapat ay pahinga siya pero tinanggap niya pa rin iyon para lang kumita ng pera.

“Saan ka pupunta, anak?” tanong ni Mama. “Mukhang gustong magpatulong sa ‘yo ng mga kapatid mo sa mga homework nila.”

I bit my lower lip. “Birthday po ngayon ng kaibigan ko. Magtatampo po siya kapag hindi ako nakapunta. Bukas ko na lang po sila tutulungan sa homework nila.”

Nagsisinungaling na naman ako. Natatakot akong sabihin sa kanila ang totoo. Kapag nalaman nilang lalaki ang nakakasama ko, baka hindi na nila ako paalisin pa. Mabait naman sina Mama at Papa, ayaw ko lang silang pag-alalahanin.

Palagi nilang sinasabi na huwag akong magtitiwala sa ibang tao. Na mabilis kong nagawa kay Renzel. Mabait naman si Renzel pero hindi ko siyang magawang ipakilala kina Mama at Papa. Hindi pa ako handa at naiintindihan naman niya.

Hindi ko pa rin naman nakikilala ang parents niya. Basta ang alam ko lang ay hindi siya malapit sa mga ito. Kaya nga palaging umaalis si Renzel sa bahay nila.

“Ganoon ba?” ani Mama. “Mag-iingat ka, ha?”

“Opo, Ma,” tugon ko at niyakap siya. “Palagi po akong mag-iingat.”

“Masaya ako dahil nagkaroon ka na ng kaibigan na makakasama mo…”

Sa totoo lang, wala akong kaibigan. Hindi kasi ako palaimik. Ang tingin din sa akin ng mga kaklase ko ay masungit akong tao kaya walang nagtangka na kumaibigan sa akin. Hindi rin naman ako naghahanap. Mas gusto ko ngang mag-isa.

Si Eva na pinsan ko ang nag-iisang kaibigan ko. Alam niya ang nangyayari sa amin ni Renzel. Pinangaralan niya pa nga ako pero sa huli ay sinuportahan niya rin ako. Basta huwag daw akong lalapit sa kanya na umiiyak nang dahil kay Renzel. Na imposible naman na mangyayari.

Nakangiti akong naglalakad papunta sa plaza. Dala-dala ko ang isang paper bag. Wala akong pera para makabili ng bagay na ireregalo kay Renzel. Kaya nag-effort na lang ako na gumawa ng album kung saan nakalagay ang mga litrato namin habang nasa iba't ibang lugar. Nilagyan ko rin ng mga message iyon para kay Renzel. 

Habang sa pinaka-last page ay nakasulat na sinasagot ko na siya. Na maging boyfriend ko. Pinagpayutan ko pa na gawin iyon. Nilagyan ko rin kasi ng designs para hindi matamlay tingan. Sana lang ay magustuhan niya.

“Renzel!” Kumaway ako nang makita siya.

Ngumiti si Renzel at agad na lumapit sa akin. Bigla niya akong sinalubong ng yakap. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Nasanay na ako na palagi niya itong ginagawa sa tuwing nagkikita kami.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now