Chapter 6

19K 457 1.2K
                                    

Chapter 6

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Dwyne. “May masakit ba sa ‘yo?”

Hahawakan niya sana ang noo ko pero mabilis akong umatras. Napansin kong natigilan siya sa ginawa ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin at pilit na pinakalma ang sarili ko.

“Wala lang ‘to,” tugon ko. “Iinom na lang ako ng gamot.”

Ipinagpatuloy ko na ang pagma-mop ng sahig. Mukhang napansin niya na hindi maganda ang kalagayan ko. Pagkagising ko kanina ay mabigat na ang pakiramdam ko. Nakararamdam ako ng hilo.

Kailangan ko lang uminom ng gamot. Mawawala rito ito mayamaya lang. Nagkasinat siguro ako nang dahil sa panliligo ko sa pool. Hindi ko agad inintindi ang sarili ko. Hinayaan kong matuyuan ako.

Balik na sa trabaho si Dwyne. Ipinaghanda ko siya kanina pa ng pagkain na dadalhin niya. Minsan ay hindi siya kumakain sa umaga, kaya dinadala niya na lang sa trabaho ang pagkain na niluluto ko. 

Isang linggo na lang, birthday na ni Hillary. Napaghandaan na naman lahat ni Dwyne. Mula sa venue, catering, foods, at invitations. Mayroon na rin na susuotin si Hillary. Hihintayin na lang talaga ang araw ng kaarawan niya.

“Namumutla ka,” muling sabi ni Dwyne. “Huwag ka munang kumilos.”

Inagaw niya ang hawak kong mop para patigilin ako sa ginagawa ko. Hanggang sa marinig naming umiyak si Hillary. Naalarma ako at nagtatakbo papunta sa kuwarto niya.

Ito ang masama kapag iniiwan siya kapag natutulog siya. Sa oras na magising siya at makitang wala ako sa tabi niya, bigla na lang siyang iiyak. Iniisip niya na iniwan ko na siya. Ganoon din siya kay Dwyne.

“Hush,” pagpapakalma ko. “I’m here…”

Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko. Napansin kong pinapanood kami ni Dwyne. Hanggang sa lumapit siya sa amin at kinuha sa mga bisig ko ang anak niya.

Tumigil na sa pag-iyak si Hillary. Kapag talaga si Dwyne ang nagbubuhat sa anak niya, ang bilis niya itong napatatahan. Kapag ako, kailangan munang amu-amuhin si Hillary.

“Ako na ang mag-aalaga sa anak ko.”

Natigilan ako. “Huh? May work ka, ‘di ba?”

“Hindi ako papasok sa trabaho,” he replied. “Kaya magpahinga ka na lang ngayong araw.”

I shook my head. “No, trabaho ko na alagaan si Hillary…”

“You're not feeling well,” matigas niyang sambit na para bang sinasabi na sundin ko na lang siya.

“Paano mo maaalagaan si Hillary kung masama ang pakiramdam mo?”

Natigilan ako sa sinabi ni Dwyne. Gustuhin ko man na alagaan si Hillary, hindi ko pa rin mapigilan na mag-alala na baka mahawa siya sa akin. Mas okay na ako lang ang nakararamdam nito, huwag na sana pa ang bata.

Mahirap makita kung pati si Hillary ay magkakasakit din. Kaya kailangan ko munang ilayo ang sarili ko sa kanya. Hindi na ako magmamatigas pa kay Dwyne.

“Sorry,” I mumbled. “Sinabi mo pa naman na alagaan ko rin ang sarili ko, pero hindi ko ginawa.”

“Nangyari ‘yan dahil mas inuuna mong intindihin ang anak ko,” malumanay niyang sabi. “Kasalanan ko rin dahil iniasa ko sa ‘yo ang lahat.”

“Trabaho ko ‘yon,” ani ko at nilingon ko si Hillary. “Masaya ako na inaalagaan ko ang anak mo.”

Hindi totoo ang sinabi ni Dwyne. Hindi niya inaasa sa akin ang lahat. Kapag kasama namin siya, halos siya na ang nag-aalaga kay Hillary. Naisip niya lang siguro iyon dahil nangyari ito sa akin. Ako naman ang may kasalanan dahil hindi ko inalagaan ang sarili ko.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now