Chapter 19

17.3K 386 718
                                    

Chapter 19

Warning: R-18

I woke up in the middle of the night. 

Nilingon ko si Hillary na nasa baba na ng unan niya. Napailing ako at marahang inayos ang pagkakahiga niya. Nakakalat pa rin sa kama ang mga laruan na ginamit niya. Hindi na kasya si Hillary sa crib kaya sa tabi ko na siya natutulog.

Marahan akong bumangon mula sa kama. Mahihirapan na akong makatulog kaya tatambay na lang muna ako sa living room. Medyo maaga nang makatulog kami ni Hillary kaya nagising ako nang ganitong oras.

Pagpunta ko sa living room ay nagulat ako nang makita ko si Dwyne. Nakaupo siya sa tiles, habang nakaub-ob sa lamesa na mukhang natutulog na. Napansin ko rin ang nakakalat sa sahig na mga nakabilog na papel.

Marahan akong lumapit sa kanya. Nakita ko ang isang sketchpad. Hindi ko maalis ang tingin doon. Lalo na sa babaeng iginuhit niya. Nakatalikod ito kaya hindi ko makilala kung sino. Mukhang iyon ang pinagkakaabalahan niya mula kanina pa.

Kukuhanin ko sana ang sketchpad nang biglang hawakan ni Dwyne ang kamay ko. Tumunghay na siya habang natigilan naman ako. Hindi ko akalain na gising pa siya. Akala ko ay mahimbing na ang tulog niya.

“What are you doing here?” tanong niya at binitiwan na ako.

I looked away. “Bigla akong nagising. Hindi na ako makatulog kaya balak kong tumambay rito sa living room…”

Dumako ang tingin ni Dwyne sa sketchpad. Kinuha niya iyon at inilipat sa sunod na pahina. Kung saan malinis na at walang guhit. Mukhang sinadya niyang ilipat para lang hindi ko makita ang iginuhit niya.

Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Isang babae talaga ang iginuhit niya. Nakatalikod ito na tanging ang mahabang buhok lang ang makikita. Nakasuot din ng bestida. Para bang may pinagbasehan si Dwyne nang iginuhit niya.

“Babalik na lang ako sa room,” ani ko at akmang aalis na nang hawakan ni Dwyne ang kamay ko.

“Dito ka muna…”

Nilingon ko siya. “Bakit? Hindi ka pa ba matutulog?”

“Hindi ako makatulog,” he sighed. “Kaya samahan mo muna ‘ko…”

Umupo na si Dwyne sa couch. Wala na akong nagawa at tumabi na sa kanya. Malayo sana ang agwat naming dalawa pero umipod siya papalapit sa akin. Hinawakan niya pa ang kamay ko at marahang pinisil.

“May problema ba?” tanong ko dahil napapansin kong may kakaiba sa kanya.

Umiling si Dwyne. “May dapat ba ‘kong problemahin?”

“Hindi ko alam,” ani ko. “Pero kung may gusto kang sabihin sa ‘kin, sabihin mo na…”

Nagkatitigan kaming dalawa. Hanggang sa hawakan ni Dwyne ang kanang pisngi ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Para bang pilit niyang binabasa kung ano ang nasa isip ko.

Habang ako, pinilit kong makipagtitigan sa kanya. Naalala ko ang babaeng iginuhit niya. Gusto kong tanungin kung sino iyon. Pero natatakot ako sa posible niyang isagot. Imposible na si Hillary iyon, dahil isang dalaga ang nakita ko.

“Bakit mahal na mahal kita, Yehirah?” halos pabulong niyang sambit. “Bakit mo pinaparamdam sa ‘kin ‘to?”

“Hindi ko alam, Dwyne,” bulong ko. “Gusto ko rin malaman ang sagot mo…”

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Pero inalis ko rin iyon dahil hindi ako nakatiis na dampian siya ng halik. Saglit siyang natigilan sa ginawa ko. Lalayo na sana ako pero hinawakan ni Dwyne ang batok ko, kasabay nang paghalik niya sa akin na mabilis kong tinugunan.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now