Chapter 30

19.6K 430 912
                                    

Chapter 30

“No…” ani ko at umiling-iling. “Hindi ‘to totoo…”

Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang pregnancy test. Hindi ko maalis ang tingin sa dalawang guhit na resulta. Unti-unti na rin na pumapatak ang mga luha ko.

“Buntis ako…” I mumbled.

Magdadalawang-buwan nang nasa hospital si Renzel. Hindi pa rin siya nagigising. Sa bawat araw ay lutang ang isip ko. Para akong lantay-gulay sa tuwing pumapasok sa school. Wala na akong gana pa sa lahat. 

Pinababayaan ko na ang sarili ko. Kahit pa ang pag-aaral ko. Pumapasok ako sa school pero hindi naman ako nakikinig. Mababa na ang nakukuha kong scores sa bawat exam. Alam kong mali ang ginagawa ko. Sinisira ko na ang buhay ko.

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay Renzel. Kung hindi ko lang siya hinayaang umalis noong gabing iyon, kasama ko pa sana siya. Ngayon ay wala siyang malay sa hospital. Wala man lang akong magawa.

Natatakot ako na baka hindi na siya magising pa. Lalo na't nasa ganito akong kalagayan. Nang mga nakaraan na araw ay napapansin ko na madalas na ang paghihilo ko. Naghahanap din ako ng pagkain.

Minsan ay nagiging sensitibo ang ilong ko sa mga naaamoy ko. Iyon pala ay buntis na ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi kami naging maingat ni Renzel. Wala siyang ginamit na proteksyon noong gabing iyon.

Hindi ko sinabi kay Mama ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ayaw ko na silang pag-alalahanin pa. Problema ko ito, kaya kailangan kong harapin ito. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko, sa anak namin ni Renzel.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-a-apply ng trabaho. Hanggang sa may tumanggap na sa akin. Bilang isang waitress sa malaking restaurant dito sa Pampanga. Malayo nga lang sa lugar namin. Isang-oras ang biyahe papunta roon.

“Magpapaalam po sana ako,” sabi ko kina Mama at Papa.

“Ano ‘yon, anak?” tanong ni Mama. “May problema ba?”

I shook my head. “Titigil na po ako sa pag-aaral…”

Natigilan sina Mama at Papa. Wala silang alam na napababayaan ko na ang pag-aaral ko. Minsan ay hindi ako pumapasok. Mas inuuna kong pumunta sa Maynila, para bisitahin si Renzel. Kahit hindi ko naman siya magagawang kausapin.

“Bakit, anak?” tanong ni Papa. “Kahit na ganito ang kalagayan ko, magtatrabaho pa rin ako para lang mapagtapos ko kayong magkakapatid ng pag-aaral…”

Hinawakan ko ang kamay ni Papa. “Okay lang po, desisyon ko po ‘to. Magtatrabaho na lang po ako para makatulong sa inyo.”

“Yera naman!” pagmamaktol ni Mama. “Ano ba'ng ginagawa mo sa buhay mo? Hindi mo kailangang magtrabaho!”

“Buo na po ang desisyon ko,” ani ko. “Aalis po ako para magtrabaho. Kaya ko naman po ang sarili ko…”

Nilambing ko pa sina Mama at Papa. Ayaw talaga nila akong payagan. Pero sa huli ay wala na rin silang nagawa. Hinayaan na nila akong umalis. Ayaw ko lang naman na pati sila ay mamroblema sa akin, lalo na sa kinahinatnan ko.

Tinulungan ako ni Mama na mag-ayos ng mga gamit ko. Nag-biyahe lang ako papunta sa lugar kung saan ako magtatrabaho. Medyo malapit-lapit ang apartment sa restaurant kung saan ako natanggap.

Kaya kong lakarin para makatipid ako. Aaminin kong natatakot akong mag-isa. Pero pipilitin kong maging matatag. Hindi para sa sarili ko, para sa anak namin ng lalaking mahal ko.

“Anak, kakayanin ko naman ‘to, ‘di ba?” Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. “Pangako, hinding-hindi ka pababayaan ni Mommy…”

Hindi pa ako nakakapagpa-checkup. Gagawin ko na lang iyon kapag natanggap ko na ang unang sahod ko. Sisimulan ko na rin mag-ipon. Kailangan ko pa na magbigay ng pera sa pamilya ko.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Where stories live. Discover now