Chapter 42

27 1 0
                                    

THIRD PERSON

Marahang natawa si Narako. Ang ngiti niya ay tila nakakakilabot.

Nang humarap si Lucian, bigla siyang namutla.

"Lucius," sambit niya at agad na napatingin kay Narako.

Agad niyang itinaas ang kaniyang katana at sumugod kay Narako. Ngunit hindi pa man siya ganoong nakakalapit ay biglang pinihit ni Narako ang nakabaon niyang sandata sa tiyan ni Lucius.

"Wag!" Sigaw niya.

Naubo na lang si Lucius ng dugo sa ginawa ni Narako.

Gamit ang mga titig ay ginamit ni Lucian ang kaniyang kapangyarihan para gawing bato ang braso ni Narako. Naramdaman ito ni Narako kaya nagpalabas siya ng mga holograms. Hindi pa man niya natatapos ang gusto niyang pang counterattack kay Lucian ay muli nang nakabangon si Jerson at nakasugod sa commander ng royal army.

Isang kadena ang biglang nakapulupot sa may baywang si Lucian at agad na hinigit ni Jerson ang kadena papunta sa kaniya. Napalayo si Lucian kina Narako. At hindi siya agad makabalik papalapit dahil hindi na siya tinigilan pa ni Jerson na atakihin.

Tila nakahinga ng malalim si Narako at muling ibinalik kay Lucius ang atensiyon. Ngayon ay tumutulo na mula sa bibig ni Lucius ang sarili nitong dugo. Nanginginig na rin ito at tila hindi na makakalaban pa.

Hihigitin na sana ni Narako ang kaniyang kakaibang espada nang biglang pigilan iyon ni Lucius. Hinawakan nito ang mismong holographic blade na dahilan ng pagkasugat ng kaniyang kamay.

Napakagat na lang si Lucius sa kaniyang ibabang labi nang maramdaman niya sa kaniyang mga kamay ang tila nakakapaso na init nito. Pero tiniis niya iyon. Pinigilan pa rin niyang mahigit iyon mula sa kaniyang katawan.

"Anong ginagawa mo? Gusto mo nang magpakamatay?" Nakangising tanong ni Narako. "Wag kang mag-alala dahil ibibigay ko naman iyan sayo."

Parang nanlalabo na ang paningin ni Lucius dahil sa sakit na nadarama, lumalalim ang pandinig, at patuloy na humihina ngunit nagawa pa rin niyang ngumisi rin pabalik kay Narako.

Lumalalim man ang pandinig ay naririnig niya ang sigaw ni Lucas na alam niyang hindi nakakalapit agad dahil pinuputakte na siya ng ibang air force. Rinig niya na tuloy-tuloy na isinisigaw nito ang pangalan niya.

Nanghihina na siya ngunit nagawa pa rin niyang makapagsalita.

"Tapusin... Pakiusap..."

Napakunot ang noo ni Narako. "Gusto mo mamatay na ngayon? Hmm. Sige."

Mas hinigpitan ni Lucius ang paghawak sa sanadata ni Narako na nakabaon sa kaniyang tiyan at sumigaw ng buong lakas, "Tapusin niyo na siya!"

Dahil sa naguguluhan si Narako sa inaasal ni Lucius, hindi niya naramdaman na may papalapit na pala sa kaniyang likuran.

Isang saksak ang naramdaman ni Narako sa kaniyang likod na ikinabigla niya. Agad na hinigit ang kung anong klaseng patalim ang isinaksak sa kaniya at muling naramdaman ang pagbaon ng talim sa kaniyang likuran. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay sa may bandang kaliwang itaas ng kaniyang likuran ito naramdaman. At tila ramdam niya na umabot sa kaniyang dibdib ang pagsaksak.

Nanlaki ang mga mata ni Narako.

Nang muling higitin mula sa kaniyang likod ang patalim, tila unti-unti siyang nahihirapang huminga. Bumitaw siya sa kaniyang sandata at napahawak sa kaliwang dibdib. Sumisikip ang kaniyang paghinga.

Unti-unti siyang napaluhod. Napagtanto niyang hindi basta-basta ang natamaan sa kaniyang katawan.

Dito na rin tumambad kung sino ang may gawa. Si Altair. Nakatayo siya sa likuran ni Narako.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now