Chapter 18

3.8K 146 6
                                    

ALTAIR

Hindi naman ako ganoong sobrang kinakabahan pero hindi ako mapanatag. Minsan ay tila natatauhan na lang ako na pabalik-balik ako ng lakad sa opisina ko. Nag-aalala ako para sa grupo nila Lieutenant Joaquin, sa ibang grupo ng army, at lalo na sa mga taong wala namang alam tungkol sa amin.

Ano na naman kaya ang iniisip ng air force at pinupunterya ang mga normal na tao?

***

Agad akong bumaba at lumabas ng building para salubungin sa plaza ang mga kababalik pa lang na red army. Saktong pumapasok pa lang sila sa gate.

Cheneck ko sila kung ayos lang.

"Dumeritso na muna kami sa EAMC pagkagaling sa siyudad. Doon na rin kami cheneck ng medication army at ginamot lahat ng mga nangangailangan," report sa akin ng isa sa mga captain na sumama.

"Kompleto lahat?" Tanong ko.

Umiling siya. "May ilang red army ang nandoon pa rin sa siyudad para tumulong na maayos doon. Nandoon naman ang isang captain bilang in charge."

"Sa mga normal na tao? Ano ang update? Ano ang nangyari sa lugar?"

"Medyo malaki ang pinsala sa lugar. Habang may ilang malubhang nasaktan. Pero huwag kayong magaalala, nandoon pa rin ang ibang army group para i-handle ang lahat ng mga nangyari at mga pinsala."

Napatango ako.

Inilibot ko ang paningin ko para makita lahat ng mga red army na kararating pa lang.

"Si lieutenant?" Tanong ko sa katabi kong captain.

"Nasa EAMC pa para mag-report kay general."

***

Hinintay ko lang na dumating si Lieutenant Joaquin sa campus namin na kinabukasan pa bumalik. Saktong pagkabalik niya, ipinapatawag na kaming mga commander sa EAMC para sa isang pagpupulong.

***

"Report sa naganap na gulo sa siyudad at sa kasalukuyang status," sambit ng heneral para sa unang agenda ng aming pagpupulong ngayon.

Tumayo si Commander Ayanami ng gold army mula sa kaniyang kinauupuan para simulan ang report.

"May mga army pa rin ang kasalukuyang nasa siyudad. May kalakihan din ang ginawang pinsala ng air force pero walang dapat ipagalala dahil kayang-kaya pa rin itong maayos natin."

Oo nga. Hindi pa bumabalik ang mga red army na sinasabi ng isa kong captain na nagpaiwan sa siyudad para tumulong. Kasama sa kanila sila Ryoran at Agatha.

Tumango ang heneral.

Sumunod na tumayo si Commander Claire nang bumalik sa pagupo si Commander Ayanami.

"Kasalukuyang may patuloy na ginagamot ang medication army na mga tao. Kumpara sa naunang pagsalakay ng air force sa isang maliit na bayan noon, mas marami ang casualties ngayon."

Sunod-sunod ang mga report at ilang tanong ng heneral sa mga commander na kasama sa siyudad.

Base sa mga reports nila, controllable naman lahat.

"Pangalawang agenda: ang pagbubukas muli ng Elemental Gunji-teki Academy," ani heneral.

"Woah! Ang EGA. Nakakamiss," komento ni Commander Chelsea ng pellucid army.

Tumayo si Commander Zian. "Ang pag-atake ng air force ay pinaghihinalaan namin na konektado sa agendang ito."

"Paano?" Tanong ni Commander Nathan.

"Isa sa mga gusali na pinaka nagtamo ng pinsala ay isang paaralan. High school. At napag-alaman namin na marami ang mga anak ng army sa paaralang ito at maaaring e-enroll na sa nalalapit na enrollment ng EGA," sagot ni Commander Zian.

Napapitik ng daliri si Commander Nathan. "Oh. Kuha ko na. Maaaring ang dahilan ng pagsalakay ng air force sa siyudad ay dahil gusto nilang pigilan ang new potential batch ng elemental army."

"Hmm. Mukhang gusto pa rin nilang pigilan ang pagdagdag ng army. Dati ay nasa EGA na kami nang planohin nilang ubusin kaming future army at nabigo sila. Ngayon naman ay ang mismong mga upcoming enrollees pa lang ang pinupunterya. Mas vulnerable nga ang mga ito," komento ni Lucas.

"Nalaman ba lahat kung ilan at kung sino-sino ang mga batang iyon? Kumusta naman sila?" Concerned na tanong ng heneral.

"Walang dapat ipagalala, general. Ginagawa na ng lahat ng medication army para magamot lahat ng mga injured sa siyudad kasama na ang mga bata. Mostly minor injuries lang naman ang natamo ng lahat ng tao."

Nang matapos na si Commander Zian, saka siya bumalik sa pagkakaupo.

Nagtaas ng kamay si Commander Klein ng purple army. "Since magbubukas na ulit ang EGA at tatanggap ng new enrollees, anong gagawin namin? Or may gagawin ba kami para sa EGA?"

"Sa ngayon, wala," sagot ng heneral. "Nandiyan ang mga personnel ng academy para i-handle ang mga kailangan sa EGA."

***

"Susunod na agenda: status sa Royal Army Campus," anunsiyo ng heneral nang matapos kami sa mga naunang agenda.

Sa pagkakataong ito, ang unang tumayo ay si Commander Roy ng blue army.

"Totally okay na ang lahat sa Royal Army Campus. Kinumpirma na rin ni Commander Hideo ng royal army na pwedeng-pwede na nating i-pull out ang mga army natin."

"Mula sa gate hanggang sa kanilang building, ayos na?" Tanong ng heneral.

Tumango si Commander Roy. "Yes, general. Complete na ang lahat. Ala-brand new na lahat sa kanila. Maski ang mga royal army ay totally okay na. Naka-recover na lahat."

Marahang tumango ang heneral. "Kung ganoon, pabalikin na ninyo ang mga army ninyo na nasa campus nila. Oras na para umuwi na sila."

*****

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now