Chapter 40

4.2K 120 13
                                    

THIRD PERSON

Sumabog at lumikha ng makapal usok sa gawi ni Commander Miku nang mabilis na nagpakawala ng isang atake si Narako.

"Ang dami mong satsat," madiin na komento ni Narako habang halos pulang-pula na kaniyang mukha dahil sa napalitang lungkot ng galit.

Nang unti-unting nawawala na ang usok, dito na nakita ni Narako na may humarang sa kaniyang atake kanina patungo kay Commander Miku. Unti-unti ring natibag ang sumangga sa atake niya kanina at tumambad sa kaniya ang nakaligtas na commander na nasa likod sa heneral ng elemental army. Iniligtas ng heneral ang kaniyang commander.

Medyo ikinamangha ni Narako ang mabilis na pagkilos ng heneral. Ni hindi nga niya naramdaman ang pagkilos at paglapit ng heneral para maprotektahan niya ang commander mula sa inatake niya. Ngunit hindi niya ipinahalata ang sandaling pagkamangha.

Hindi na siya nagsalita at muling nagpalabas ng enerhiya mula sa kaniyang holographic cannon patungo sa heneral at kay Commander Miku.

Agad na sinangga iyon ng heneral kaya muling naglikha ng pagsabog. Ngunit agad na sinundan ni Commander Miku ang pagsabog ng sumigaw siya. Umalingawngaw ang kaniyang boses na naging matinis. Napahawak si Narako sa kaniyang ulo at bahagyang napaatras ng ilang hakbang dahil sa pagkabigla.

"Para sa papa ko na pinatay ninyo!" Sigaw ni Commander Miku at muling ibinuhos sa kaniyang boses ang puot at galit.

Sa pagkakataong ito, mas malakas ang ginawa ni Commander Miku. Maliban sa masakit sa ulo, may kung anong enerhiya rin ito na tila tumulak bigla kay Narako paatras. May ilang air force din na malapit sa kaniya ang tumilapon at natumba.

Gumawa ng ilang hand gestures si Narako at lumabas ang ilang bagong hologram sa kaniyang mga palad. Itinutok niya ang mga iyon sa gawi ni Commander Miku at sa isang iglap lang ay isang enerhiya ang inilabas ng holograms patungo sa commander.

Sa muling pagkakataon ay sinangga iyon ng heneral gamit ang pagmanipula ng mga lupa at bato para gawing tila pader. Pagkatapos na masangga ng heneral ang atake ay siya naman ang umatake gamit sa pagmanipula ng natitirang lupa at bato sa ginawa niyang ala-pader kanina.

Matagumpay na nasangga iyon ni Narako. Ngunit may naramdaman siya sa kaniyang may likuran na tila papalapit sa kaniya. Agad siyang humarap dito at isang katana ang sumalubong sa kaniya. Pabagsak ito patungo sa kaniya na tila mula sa itaas. Nakaatras siya ngunit nahuli siya ng ilang sandali dahil nahagip pa rin ng dulo ng katana ang kaniyang balikat.

Napahawak siya agad sa kaniyang balikat na agad na may dugong lumabas rito. Ngunit hindi niya iyon ininda.

Nang tingnan niya ang umatake sa kaniya, isa rin itong commander. Commander ng opaque army. Si Commander Lucius. Halos namumula na ang mga mata nito habang may luhang tumutulo mula rito.

"Hayop kayo," nanginginig na sambit ni Lucius.

Marahan na itinaas ni Lucius ang kaniyang katana at itinutok kay Narako.

Hindi na ulit nakapagsalita si Lucius habang matalim lang na nakatitig kay Narako. Tila may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung ano ang uunahin na salita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin matapos marinig kanina ang mga sinabi ni Narako. Ngayon ay kompirmado niya na talagang ang Air Force ang pumatay sa kaniyang ina noon.

Napangisi si Narako.

"Commander ng opaque army? Diba mahina kayo kapag maliwanag dahil sa dilim nakadepende ang kakayahan ninyo?" Tanong ni Narako kay Lucius na tila gusto niyang asarin ito.

"Eh ano naman ngayon kung nandito kaming iba ang kapangyarihan na handang tumulong naman sa kanila?" Boses ng heneral mula sa likod ni Narako.

Nang lingunin ni Narako ang nagsalita, isang malakas na suntok ang sumalubong sa kaniya. Agad siyang bumawi para makalaban dahil naging sunod-sunod na ang atake ng kaniyang tatlong kinakalabang army: ang heneral, Lucius, at Commander Miku.

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon