Chapter 19

4K 150 6
                                    

ALTAIR

Kagaya ng utos sa amin ng heneral, pinauwi na namin ang mga army sa aming campus galing sa Royal Army Campus.

Sakto namang umuwi na rin ang mga army na galing sa siyudad. Maayos naman silang lahat kaya napanatag na rin ako.

Sa kasalukuyan ay kasama ko si Ryoran patungo sa cafeteria.

"Nang makarating na kami sa siyudad, nandoon na ang ibang army. Medyo natagalan bago pa nga namin totally nataboy yung mga air force," aniya habang naglalakad kami. "Hays. Para silang mga lamok lalo na yung mga lumilipad-lipad."

Natawa ako sa sinabi niya.

Nirereport niya sa akin ngayon ang mga nangyari sa kanila sa siyudad. Natigilan lang siya sa nirereport niya nang makasalubong namin si Agatha.

"Oh! Andito na pala kayo. Papunta na sana ako sa office mo, Altair," nakangiting sabi ni Agatha sa amin.

"Hm? Bakit?"

"Aayain kang kumain. Tayong tatlo ni Ryoran. Nakakamiss lang kasi na magkakasabay tayo."

Napangiti ako. "Ah. Sige. Tayo na sa loob."

Dumeritso na kami sa loob ng cafeteria para kumain na.

Ilang minuto muna ang lumipas bago ko mapansin na ang tahimik ni Ryoran. Kami lang ni Agatha ang nagkakausap. Although minsan nagsasalita naman si Ryoran pero parang iba talaga awra niya.

Mahina kong siniko si Ryoran na nasa tabi ko lang para makuha atensiyon niya.

Nang lumingon siya sa akin, saka ako nagsalita. "Ayos ka lang?"

"H-Ha? Uhm... Hindi eh," sagot niya at parang walang ganang sumubo ng kaniyang ulam.

"Ay oo nga. Napansin ko na parang ang tamlay mo ngayon. Bakit?" Tanong ni Agatha sa kaniya.

"Parang nahihilo ako."

"Ha? Bakit? Uh, ano pa nararamdaman mo?" Alala kong tanong sa kaniya.

"Hmm. Hindi ko talaga sure. Hindi lang talaga maganda pakiramdam ko ngayon."

"Kanina mo pa ba yan nararamdaman? Bakit di mo sinasabi?" Tanong naman ni Agatha.

"Kani-kanila lang. Binale wala ko lang muna kasi akala ko gutom lang tapos baka mawala pagkumain na ako. Kaso... Parang lumalala eh."

"Gusto mo tumawag tayo ng medication army?" —ako.

Umiling siya. "Wag na. Makakaabala pa tayo sa kanila. Ipapahinga ko lang to."

"Aish. Ano ba kasi nangyayari sayo? Tsaka oo nga, mas mabuti kung tumawag na lang tayo ng medication army. Para tapos." —Agatha.

"Wag na." —Ryoran.

"Wag mo ngang pinapag-aalala si Altair. Commander natin yan tapos di mo siya papakinggan." —Agatha.

Napatingin si Ryoran kay Agatha ng ilang sandali tapos bumalik sa pagsubo ng pagkain niya.

"Ryoran," tawag ko sa kaniya.

"Wag kayong mag-alala. Magpapahinga lang ako." Saka siya tumingin sa akin at ngumiti.

Pero something is off. Di naman ganito si Ryoran. Or baka nga talagang hindi maganda pakiramdam nito.

"Sure?" —ako.

Tumango siya. "Pagkatapos nating kumain, magpapahinga ako."

Wala na kaming nagawa ni Agatha. Tinapos na namin ang pagkain namin para makapagpahinga na itong si Ryoran.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now