Chapter 24

3.6K 126 2
                                    

ALTAIR

Tuloy-tuloy lang ang naging kasiyahan namin sa EAMC.

Nag-excuse muna ako sa red army para pumunta muna sandali sa banyo. Nang matapos ako ay hindi muna ano dumeritso sa pagbalik sa table ng red army. Nandito lang muna ako sa bungad ng hall. Pinagmasdan ko lang muna ang lahat na patuloy lang sa katuwaan.

Napatingala ako sa langit at ngayon ko lang napagtanto na papalubog na pala ang araw. Hindi na namin namalayan pa ang oras.

May ilan-ilan namang nandirito sa hall na napapadaan.

Napangiti sa akin ang tatlong army nang mapadaan sila sa gawi ko. Nginitian ko naman sila pabalik. Medyo napasunod pa ang tingin ko sa kanila ng ilang sandali nang papalayo na sila sa akin hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Lucian. Papalit siya sa akin.

Ang dali na lang niyang makilala dahil sa suot niyang uniform.

Napakamot ako sa leeg ko at napaiwas ng tingin sa kaniya nang marealize ko na nakatingin siya sa akin habang naglalakad.

Shemay. Bakit siya ganiyan? Parang ano naman eh.

Nagsimulang lumakas ang kabog ng puso ko habang papalapit siya sa akin.

'Aalis? Aalis ba ako? Iiwas? Kunwari di ko siya nakita?'

Gusto ko sana umiwas pero parang ayaw ng mga paa ko kaya nanatili lang ako sa aking kinatatayuan hanggang sa makalapit siya. Palingon-lingon na lang ako sa ibang deriksyon.

"Ay. L-Lucian..." Kunwari ngayon ko lang siya napansin.

Marahan siyang nag-salute sa akin. Napa-salute na lang din ako.

Pagkatapos ay nakatitig na lang siya sa akin.

May sasabihin ba siya? May problema ba? Dukutin ko kaya mata nito---joke. Bakit ba kasi titig ng titig sa akin?

"Uhm... Welcome back nga pala sa inyo," basag ko sa nagbui-build up na katahimikan sa pagitan namin.

"Salamat." Ngumiti siya... ng slight lang. Pero tila napangiti naman ako nang makita ko siyang ngumiti. "Kumusta ka?"

"Uh. Ayos lang," simple kong sagot.

Marahan siyang tumango. "Bakit ka nga pala nandito? Nasaan na ang red army?" Napalingon pa siya sa plaza na tila hinahanap ang table kung nasaan ang karamihang red army.

"Ay. Nag-excuse lang ako sandali sa kanila kanina. Nag-CR lang. Tapos gusto ko munang pagmasdan ang buong plaza ngayon. Nakakatuwa lang kasi makita ang Elemental Army na ganito. Minsan lang kasi mangyari."

Ngumiti lang siya.

Naningkit ang mga mata ko ng ilang sandali sa kaniya. May napansin lang ako. Parang iba na awra niya ngayon. Hindi na kagaya noong nasa EGA pa lang kami. Although nararamdaman ko pa yung feeling na parang awkward at intimidating kapag malapit ako sa kaniya kagaya nung sa EGA pa namin, masasabi ko na na-lessen na ito ngayon. Parang nakakaramdam na ako ng pagkakalma kahit papaano sa kaniya ngayon.

Hmm. Ano kayang training pinagagawa sa kaniya ni Commander Hideo? O baka naga-adjust na ang sarili ko ngayon dahil for sure mula ngayon makikita ko na talaga siya?

"Salamat sa pagtanggap niyo ulit sa amin. Sa royal army," aniya.

Napangiti ako. "Orihinal na parte ng Elemental Army ang royal army. At walang dahilan para hindi tanggapin ulit ang royal army. Kita mo naman kanina kung paano rin naman talaga gustong-gusto ng mga army na makabalik kayo ng tuluyan. Sabay-sabay silang bumigkas na tanggapin kayo ulit. Masaya kami na bumalik kayo."

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now