Chapter 26

3.6K 101 0
                                    

THIRD PERSON

"Naiinggit? Teka, kaya naging ganoon ang mga nasabi mo tungkol kay Commander Idol nung nasa siyudad tayo? Kaya mo nasabi ang mga ganoong bagay?" Biglang tanong ni Ryoran kay Agatha na wala nang magawa kundi ang manahimik at huminto sa pagpumiglas.

Napakunot ang noo ni Commander Esdeath sa narinig. "Ano? May nangyari ulit sa pagitan ni Agatha at ni Commander Altair? Sa siyudad?"

Mabilis na tumango si Ryoran. "May mga sinabi siyang hindi maganda. I mean, ang maldita niya tapos ang tabang ng mga sinasabi tungkol kay Commander Idol."

Parang nag-igting ang panga ni Commander Esdeath at napangiwi. "Ibig sabihin, talagang may problema itong si Agatha kay Commander Altair," pabulong niyang sabi.

Tumikhim si Commander Esdeath at saka nagsalita ng malakas, "Alam ba ninyo na noong nagkaroon ng gulo sa maliit na bayan, itong si Red Army Agatha ay hinayaan ang kaniyang commander na nangangailangan ng tulong? Galing siya sa isang gusali noon, second floor at tinanong ko siya kung clear ba sa gusali na iyon, kung may kalaban o nangangailangan ng tulong. Ang sagot niya, wala. Clear na raw. Nang pumasok at umakyat ako sa pangalawangg palapag, nakita ko ang walang malay na si Commander Altair at ang isang bata. Hinayaan at hindi tinulungan ng Agatha na ito si Commander Altair!" Nagngingit-ngit na itinuturo niya si Agatha.

Napasinghap ang karamihan sa narinig. Nagkaroon ng bulong-bulongan.

"Tinanong ko siya pero nag-deny siya! Ganiyan ba dapat ang isang army? Diba dapat nagtutulungan? Paano kung may nangyari pang masama sa commander ng red army? Paano kung hindi ko dinouble check ang gusali?" Pagpapatuloy ni Commander Esdeath.

"Iyan pala ang sinasabi ni commander sa akin na issue nila noon," komento ni Lieutenant Joaquin sa pagkakabigla.

"Anak ng tokwa, Agatha. Kaibigan ka namin, ni Commander Idol tapos hinayaan mo siya?" Nanginginig na saad ni Ryoran.

Napangiti ng mapait si Agatha. Hanggang sa unti-unti siyang tumawa na parang nasisiraan ng bait.

"Ayan. Ganiyan. Puro si Altair," aniya at unti-unting napawi ang kaniyang ngiti. "Pagod na pagod na ako."

"Pagod nang maging ano?" Biglang sulpot ni Eunice na kitang-kita na ang galit sa kaniyang mukha.

"Pagod na akong manatili palagi sa likod ni Altair. Para akong anino. Na-exist pero hindi napapansin. Nandiyan lang para sumunod sa kaniya," mahinahong sagot ni Agatha. "Lahat nasa kaniya. Atensiyon at posisyon. Ang posisyon na dapat ako ang nanalo. Ako dapat iyon. Ako dapat noon pa. Ako dapat naging representative."

"Ah inggitera ka," may patango-tango na sabi ni Eunice. "Sabi noon ni Ryoran, mahilig ka lang daw mapag-isa. Inisip ko noon na introvert type ka lang. Ngayon, narealize ko na hindi ka ganoon. Sadyang wala ka lang talagang kaibigan. Wala sigurong nakikipagkaibigan sayo dahil sa ganiyang pag-uugali mo! Kaya mong manakit sa mga ituturing kang kaibigan."

Napangisi si Agatha. "Hindi mo ako maiintindihan."

"Talagang hindi ka namin maintindihan," madiin na sagot ni Ryoran.

Lumapit na ang ibang army kay Agatha para i-detain at maparusahan sa kaniyang ginawa. Ngunit pagkalapit na pagkalapit ng mga army ay nagpumiglas ulit siya. Umigting ang kaniyang galit. Hanggang sa sunod na lang nalaman ng lahat ang pagsigaw niya kasabay ng pagkawala ng bugso ng apoy mula sa kaniya.

Kung ang normal na apoy lang iyon, nakahanda na ang mga dadampot sa kaniya. Ngunit nagulat ang lahat nang makitang may bahid na ng itim ang kaniyang apoy. Napaatras ang ilang army na malapit sa kaniya.

"Black magic!" sigaw ng isang army.

"Agatha, nagpakain ka na sa kadiliman!"

"Nagpabulag ka na sa kasamaan na nararamdaman mo."

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon