Chapter 45

30 2 0
                                    

THIRD PERSON

Lumipas ilang mga araw. Napabagsak man ang lider ng air force, walang bakas ng pagdiriwang na umuwi ang mga army sa kani-kanilang campus.

Umalis sila sa kanilang campus noon na marami ngunit nang umuwi ay kitang-kita ang pagkakabawas ng kanilang bilang. Pagkabalik sa kanilang mga campus, hindi mapigilan ng mga naiwan na maiyak at yakapin ang mga sugatang army na sumabak sa laban. Naiiyak silang lahat dahil sa pinaghalo-halong nararamdaman. Natutuwa sila na may bumalik pa, natalo ang lider ng mga kalaban, ngunit nakakalungkot na marami naman ang nasawi at nabawasan ang mga umuwi. Ang kaba at takot rin na bumabalot sa lahat ng mga naiwan sa mga campuses ay tila tinik na nabunot dahil sa wakas ay tapos na at walang may umatake sa kanila na makakaragdag sa pagkabawas ng mga elemental army.

Nitalang isang commander ang nasawi, si Lucius Imperial ng opaque army. At may tatlong commander ang naging kritikal ang kalagayan. Ito ang mga commander ng chant army na si Miku, commander ng gold army na si Ayanami, at ang commander ng purple army na si Klein. Pansamantala silang tatlo na nasa EAMC hanggang sa magising at maka-recover ng tuluyan.

Nagkaroon ang buong elemental army ng seremonya para sa mga namayapang army at maski ang mga kalaban na rin. Sa lahat ng nasawi.

Ang mga nadakip naman na mga air force na buhay pa ay kanilang ginawan ng paraan kung paano sila ihahandle.

Dahil marami rin ang bilang ng medication army na nasawi sa laban, mas inuna ng mga natitirang nasabing army ang mga nasa kritikal na kalagayan. Ang mga injured pero kaya naman ay inabisohang magpagaling sa traditional at normal na paraan na walang tulong muna ng medication army. Top priority ng medication army ang mga nasa kritikal.

"Si Commander Klein pa lang ang nagising kanina. Sila Commander Miku at Commander Ayanami, hindi pa nagigising hanggang ngayon," report ni Commander Claire sa kanilang pagpupulong ngayon sa kanilang meeting hall.

Hindi sila kompletong mga commander. Labing-isa lang sila ngayon.

Napabuntonghinga si Commander Owen ng lucent army. May suot siyang eye patch sa kaniyang kaliwang mata.

"Hintayin lang natin na magising sila," aniya.

"Uh... Heneral," tawag ni Commander Roy na may bendang nakapalibot sa kaniyang ulo—sa may noo at naka-semento ang kanang paa. "Ano po pala mangyayari ngayon sa opaque army na... nasawi si Commander Lucius." Halos pabulong na lang ang boses niya sa huling mga kataga.

Sandaling natahimik ang lahat. May ilan na sandaling napalingon sa magkambal na Imperial na sila Lucas at Lucian. Lahat sila ay naipaabot na sa magkambal at sa buong opaque army ang kanilang pakikiramay sa pagkawala ni Lucius.

Yumuko lang si Lucas habang si Lucian ay nakaayos lang ng upo.

"Susundin pa rin ang pagkakasunod-sunod ng mga naglaban noon na maging representative. Kung sino ang sumusunod kay Commander Lucius noon sa pagkapanalo, siya ang papalit," deriktang sagot ng heneral. "Ngunit sa ngayon, hayaan muna natin na matapos ng buong opaque army sa pagluluksa ang kanilang namayapang commander."

Tumango ang lahat at naging tahimik sandali.

"Napabagsak nga natin ang lider ng kalaban pero ang lungkot talaga ng ambience ngayon sa buong elemental army," basag sa katahimikan ni Commander Nathan na itinatabingi ng kunti ang kaniyang ulo dahil sa paminsanang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang bandang tenga. Dahil iyon sa isang may kapangyarihan sa boses ang nakalaban niyang air force. Isang malakas na sigaw ang natanggap niya doon nang puluputan siya sa leeg ng mga braso nito. Pakiramdam niya noong una ay bingi na siya.

"Dahil sa una pa lang, nakailang ulit ko nang sinabi kay Narako na hindi tayo nakikipag-kompitensiya sa kanila. Pangalawa, marami ang mga nasugatan, nasa kritikal, mga nasawi, at mga nawalan," sagot ng heneral.

Muling naging tahimik ang lahat.

Nang matapos ang kanilang pagpupulong, agad na nagkaniya-kaniya na ng pupuntahan ang mga commander.

***

Isinara na ni Altair ang pintuan ng kaniyang opisina nang matapos niyang tingnan ang ilang papel na nasa loob. Tahimik lang siyang naglakad sa hallway para na sana bumaba at lumabas ng building.

Saktong nakasalubong niya ang isa sa mga Imperial. Base sa suot nitong uniporme ay si Lucian ito.

"Altair," sambit ni Lucian.

Ngumiti lang si Altair.

Napatingin saglit si Lucian sa pinanggalingang deriksyon ni Altair. "Aalis ka na?"

Tumango si Altair. "Cheneck ko lang ang office ko rito sa EAMC tsaka uuwi na ako sa campus namin."

Marahang napatango si Lucian. Saka niya inabot ang unipormeng suot ni Altair. Inayos niya ito.

Hindi gumalaw si Altair at nahihiya pa siya. Alam niyang halatang hindi ganoong size niya ang suot niyang bagong coat. Nasira ang uniporme niya talaga sa laban. May natitira pa naman siyang spare na coat na uniporme niya kaso ito na iyon. Medyo malaki sa kaniya kaya minsan niya na lang itong ginagamit. Ngayong nasira na ang isa niyang coat na mostly niyang ginagamit ay wala na siyang ibang choice kundi gamitin na ito.

Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lucian habang inaayos ang uniporme ni Altair. Dahil dito ay sandaling napatitig si Altair sa mukha ng lalaki na may ilang galos na natamo sa naging labanan.

"I think this coat is a little big for you," biglang komento ni Lucian nang matapos na niyang maayos ang uniporme ni Altair.

Napakurap si Altair. "Uhm... Oo. Nasira kasi yung madalas kong gamitin na saktong-sakto lang sa akin. Magpapagawa na lang ako ng bago."

Umatras ng kaunti si Lucian at saka sandaling pinagmasdan si Altair. "Cute."

Napaiwas ng tingin si Altair at pakiramdam niya ay namumula ang kaniyang pisngi. Patago ay pasimple niyang kinurot ang sarili.

"Sige na. Pupunta pa ako sa opisina ko rito. At ikaw, magpahinga ka pagkauwi mo sa campus niyo," ani Lucian.

Tumango si Altair bilang tugon.

At saka sila dumeritso na sa paglalakad sa magkaibang deriksyon. Deri-deritso na sa paglalakad si Altair at ayaw nang lumingon pa kay Lucian dahil sa nakakaramdam siya ng pagka-awkward. Habang si Lucian ay sandaling napalingon kay Altair na papalayo na. Saka siya dumeritso na ng tuluyan papunta sa kaniyang opisina.

*****

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now