Chapter 32

3.8K 113 5
                                    

ALTAIR

Nanatili muna kam ni Ryoran sa EAMC ng dalawa pang araw hanggang sa ma-discharge na si Eunice sa medical ward. Saktong may mga papauwi ring crystal army sa kanilang campus para dalhin ang ilang papers na kailangan ni Commander Esdeath kaya pinasabay na namin siya para hindi siya mag-isang umuwi sa kanilang campus.

Nang makaalis na si Eunice, inayos ko muna ang opisina ko rito sa EAMC. Mine-maintain ko ang opisina para hindi magmukhang inabandona rito kahit na mostly sa campus namin ako mas namamalagi.

Pagkatapos ay saka na kami umalis ni Ryoran para umuwi naman sa campus namin. Dalawa lang kami. Hindi namin pinapatakbo masyado ang mga kabayo namin dahil gusto ko rin na magnilay-nilay kahit papaano habang nasa labas ako ng mga campuses. Gusto kong ma-disconnect sandali sa premises ng mga campuses para mag-refresh ang isip ko kahit papaano lalo na sa nangyari.

Para hindi masyadong nakakabingi ang katahimikan ng kagubatan na tinatahawak namin pauwi, minsan ay nagkwe-kwento si Ryroran. Nang mapagod na siya sa kakasalita na halos nage-echo sa paligid ang boses niya, naging tahimik siya.

Dahil na rin sa tahimik na kaming dalawa, marami ang naglaro sa isip ko. Naalala ko ang lahat mula nung pumasok ako sa EGA na walang alam kung anong klaseng paaralan ako itrinansfer ni papa noon. Like hindi man lang ako binigyan ng ideya. Shemay talaga. Ang weird talaga minsan ni papa. Pero namimiss ko na siya.

'Pa, commander na ako,' sabi ko sa isip ko.

Wait... What if hindi namatay si papa noon? Siya pa rin ba ang lieutenant ngayon? Lieutenant ko siya?

Napangiti ako sa naisip ko. Ano ba naman itong pinag-iisip ko.

Napabuntonghinga na lang ako.

Dahang-dahang nawala ang ngiti ko nang tila may maramdaman ako sa paligid. Nilingon ko si Ryoran na nasa may likuran ko nakasunod sakay sa kabayo niya. Humikab pa siya.

"Ay sorry, Commander Idol," aniya. "Medyo nagugutom na rin ako tapos inaantok. Hehe."

Tipid lang ako na ngumiti sa kaniya at saka itinuon ko ulit ang mga tingin ko sa harapan. Pinakiramdaman ko ang paligid namin habang patuloy lang ang mga kabayo namin sa paglalakad.

Parang may ibang presensiya malapit sa amin.

Halos maningkit ang mga mata ko para pakinggan ang paligid. Maliban sa ilang huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ng puno dahil sa hangin, may kakaiba akong kutob sa mga naririnig kong kaluskos. Hanggang sa may tila naririnig akong parang mga yabag at nasasaging mga dahon.

Sobrang faint at mukhang malayo sa amin. Pasimple akong lumingon sa paligid. Wala akong makita nung una pero nang lumingon ako sa may kanan namin parang may naaninag ako na kakaiba sa isang puno na medyo may kalayuan sa amin. Tila may gumalaw roon.

Mas lalong lumakas ang kotub ko. Ang malas ko naman ngayon.

Hindi pwedeng balewalain. Hindi maganda kung magtatagal kami ni Ryoran dito.

Pinahinto ko ang kabayo ko kaya napahinto rin si Ryoran. Napahikab siya ulit.

"Inaantok ka?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"At nagugutom," sagot niya.

"Hmm. Sige. Mawawala antok at maski gutom mo rito."

Napakunot siya ng noo. "Huh?"

Ngumisi ako sa kaniya. "Makinig ka: pagkabilang ko ng tatlo, patakbuhin natin ng mabilis ang mga kabayo natin pabalik ng campus."

"Ha? Ah... Habulan? Paunahan tayo? Bakit? Tapos ka na magnilay-nilay?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin habang kinukusot ang mga mata niya.

Elemental ArmyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora