Chapter 22

3.6K 121 0
                                    

ALTAIR

Kinabukasan, maaga kaming nagtipon sa plaza.

"Handa na ba ang lahat na sasama?" Pasigaw na tanong ni lieutenant sa mga red army na nandirito sa plaza.

"Yes, sir!" Masigla namang sagot ng karamihan.

Sumakay na ako sa likod ng kabayo ko at sumunod si lieutenant na sumakay sa kaniyang kabayo naman. Sumunod din ang mga red army na sasama sa amin.

"Sa mga maiiiwan dito, magbri-bring home na lang kami ng pagkain para sa inyo!" Biglang sigaw ni Ryoran na ikinatawa ng marami.

"Sige na. Tara na. Dapat tayo ang mauna sa EAMC kesa sa royal army," paalala ko.

Tumango si lieutenant at ang isang captain na kasama namin. Saka kami nagsimulang umalis.

May dalawang captain naman ang maiiwan sa campus kasama ng ilang red army.

***

Pagkarating namin sa EAMC, nadatnan namin ang ibang army group na nandito na.

Pero ang pinaka agaw pansin sa lahat ay ang isang improvised stage na medyo malapit sa building ngunit nakaharap ito sa gate.

"Ayo, Eunice pangit!"

Napalingon ako kung nasaan si Ryoran. Nakita ko na palapit sa kaniya si Eunice. Hinampas agad ni Eunice sa braso si Ryoran nang makalapit na siya. Naasar ata dahil sa lakas ng boses ni Ryoran.

"Ayo, Ryoran mahangin at pangit," sinadya naman na lakasan ni Eunice ang boses niya habang ginagaya si Ryoran kanina.

Imbes na maasar, natawa pa si Ryoran. Siguro natawa siya dahil ginaya siya ni Eunice.

"Ampangit mo talaga," natatawang sabi ni Ryoran.

"Tss. Ikaw mahangin na, pangit na, siraulo pa."

Lumapit na ako sa kanila habang nagsisimula na silang mag-asaran.

Tumikhim ako kaya agad na napunta sa akin ang atensiyon nilang dalawa.

"Altair!" Agad na yinakap ako ni Eunice. "OMG! I miss you so much na talaga."

"Kung makayakap ka kay Commander Idol parang 5 years na hindi mo siya nakita ah."

Kumalas muna sa pagkakayakap sa akin si Eunice saka hinarap niya si Ryoran.

"Eh ganun talaga pag-best friend mo. Mamimiss mo siya palagi. Kung sa bagay, wala ka naman palang best friend." Sabay nag-crossed arms siya.

"Woy. Meron kaya." Napalingon muna sa akin si Ryoran saka itinuloy ang pagsasalita niya. "Si Commander Lodi din."

Biglang ipinulupot ni Eunice ang mga kamay niya sa kanang braso ko. "Luh. Best friend ko to eh. Commander mo siya."

"Best friend din kami."

"Hindi ko pa naririnig na sinabi ni Altair na best friend ka niya."

Muling napatingin sa akin si Ryoran. "Luh, Commander Idol, best friend mo rin naman ako diba? Diba? Diba?"

Palapit ng palapit sa akin si Ryoran kaya si Eunice naman ay hinila naman ako paatras at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ako nakasagot dahil bigla akong natatawa sa kanila.

"Hindi! Ako best friend niya," ani Eunice.

"Ako rin!" —Ryoran.

"Luh. Nang-aagaw ng best friend."

Hanggang sa bigla na lang hinablot ni Ryoran ang kabila kong braso at ginaya ang hitsura ni Eunice na kapit na kapit sa kanan kong braso. "Pwede namang i-share eh."

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon