Chapter 6

4.2K 149 13
                                    

ALTAIR

Iminulat ko ang mga mata ko. Tumambad agad sa akin ang kisame ng silid. Gamit ang mga mata ko, tiningnan ko ang paligid ko. Nasa kwarto ko ako rito sa EAMC.

Marahan akong pumikit muli nang may naalala ako. Agad akong napaupo at hinawakan ko ang mga tenga ko.

"Oh. Gising ka na pala."

Napalingon ako sa pintuan.

"Commander Claire," sambit ko.

Napangiti siya nang mapansin niyang nakahawak pa rin ako sa mga tenga ko.

Lumapit siya sa akin. "May naririnig ka na? Ayos na pandinig mo?"

Tumango ako. Nakakarinig na ako ng maayos.

Napabuntonghinga ako. "Akala ko mabibingi na ako dahil sa lalaking air force na yun. Teka..." Napalingon ako sa kaniya. "Yung batang lalaki? Yung mga bata? Yu---"

"Ayos na sila," putol niya sa sunod-sunod na mga tanong ko. "Yung batang lalaki na hawak mo nang matagpuan ka nila, medyo nahirapan ako nang kunti sa kaniya dahil talagang apektado ang pandinig niya."

Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Decreased na ang ability niya na makarinig ng malinaw. Pero nakakarinig pa rin naman siya kahit papano."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasaihin pa. Hanggang sa may narealize ako.

"Teka. Ikaw gumamot sa bata? Ibig sabihin pumunta rin kayo roon?"

Tumango siya. "Pinuntahan ako ng isang gold army sa campus namin para sabihin sa akin ang nangyayari at gusto ng heneral na sumunod kami sa inyo para sa mga mangangailangan ng atensiyong medical."

Napatango ako.

Chineck ni Commander Claire ang kalagayan ko kung totally okay na ba ako. Habang ginagawa niya iyon, sinasabi na rin niya sa akin ang mga nangyari matapos akong mawalan ng malay.

"Maliit lang ang bilang ng injured. Wala namang napaulat na nasawi sa lahat ng army. Sa mga normal na tao naman, maraming injured pero wala rin namang napaulat na nasawi."

"Mabuti na lang. Mukhang sadya lang ata ng air force na manakot," komento ko.

Tumango siya. "Naiwan ang cyan army sa bayan habang pinasunod naman ng heneral ang ilan pang army para i-handle ang nangyari. Sa kasalukuyan, paniguradong nakikipag-coordinate ngayon ang gold army sa authorities at iba pang may katungkulan na mga tao sa bayan para gawing... more likely normal ang sasabihing balita."

Nagpatango-tango ako. Gets ko sinabi niya. Ibig niyang sabihin ay pag-iiba ng ibang impormasyon sa nangyari kung saan hindi mababanggit ang tungkol sa aming elemental army at air force. Yung gagawing mas kapani-paniwala ang balita na gawa lang iyon ng normal na grupo ng tao.

Half lie, half-truth ang mangyayari. Kasinungalingan na iyon pero wala naman kaming magagawa. Ayaw naman namin na malaman ng mga tao ang tungkol sa amin at para na rin agad na matahimik ang mga tao.

"Ang mga red army na kasama ko nga pala, saan sila pumunta?" Tanong ko.

"Pinaderitso na sila ng heneral sa campus ninyo after masigurong maayos sila. Habang ikaw, pinanatili ka na lang muna rito para kung magising ka at saktong makapagpahinga, at makabalik na ang ilang commander na inutusan ng heneral na ayusin muna ang bayan ay dederitso na sa meeting."

Tumango ako.

Nang masiguro niya na ayos na ako, iniwan niya muna ako para makapagpahinga pa ako.

Inalala ko lahat ng nangyari nang mag-isa na lang ako para sa concrete report kung may itanong ang heneral.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now