Chapter 12

4.1K 145 8
                                    

ALTAIR

Ingay ng mando namin sa aming mga kabayo na tumakbo pa ng mas mabilis kasabay ng ingay na nalilikha ng mga paa nito bawat pagtatama sa lupa ang umaalingawngaw sa buong grupo namin. Magkakasabay kami ng iba pang army group ngayon patungo sa Royal Army Campus.

Lahat kami ay seryoso at deritso ang tingin. Lahat kami ay nakahanda.

Nang malapit na kami, nagsimula nang humiwalay ang ibang army group para magkalat kami at humanda sa pagsalakay sa kalabang nagsisimula nang mamugad sa Royal Army Campus.

Nilingon ko saglit ang red army na nasa nasa likod ko nakasunod. Tumango sa akin ang isa kong captain na kasama bilang senyales na handa na rin sila. Kasama rin namin sila Ryoran at Agatha.

About kay Agatha, hinayaan ko lang siyang sumama dahil nagpresenta siya. Sana hindi niya ulitin ang ginawa niya noon sa nangyaring gulo sa maliit na bayan. Kapag mangyari ulit iyon, hindi ko na siya pagbibigyan.

Si lieutenant naman, pinanatili ko sa campus namin kasama ang ilang red army na hindi kasama.

"Humanda! Andito na tayo!" Sigaw ni Commander Owen na siyang nasa unahan ng grupo namin.

Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong katana. Ito na ang plinano namin kanina kung papaano kami susugod. Magiging succession ng ilang army group ang gagawin namin habang patuloy lang na magpapatakbo ng kabayo deritso sa tapat ng gate ng Royal Army Campus.

"Tira!" Sigaw ni Commander Owen sa kaniyang lucent army.

Kasunod nito ang paggamit nila ng kanilang kapangyarihang kidlat patungo sa mga kalabang papasugod na sa amin. Habang patuloy lang kaming lahat sa pagpapatakbo ng aming mga kabayo, muling nagpakawala ng malakas na mga kidlat ang lucent army.

Mabilis ang kidlat pero parang naiiwan ng ilan pang segundo ang flash ng mga ito sa aking paningin.

May mga napabagasak ang lucent army na mga air force.

Nahati sa dalawa ang grupo ng lucent army at naghiwalay at tumabi sila habang patuloy ang pagtakbo ng mga kabayo namin. Hindi na nag-aksaya ng oras at agad na umabante ang chant army na pinangunahan ni Commander Miku. Sila na ngayon ang nasa unahan namin.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Commander Miku kasabay nang kaniya-kaniyang paggamit ng mga sandata ang kaniyang chant army.

Ipinokus nila ang magiging damage nila sa kanilang mga nakakaharap na kalaban kaya hindi kami gaanong apektado sa kapangyarihan nila.

Nawala sa focus at pansamantalang nahilo ang mga kalaban.

Agad na nahati naman ang grupo ng chant army at binigyan naman ng daan ang susunod na grupo na susugod.

Sabay naman kaming red army at colorless army na umabante nang saktong nasa malapit na kami sa tapat ng gate. Humarang ang ilang air force sa gate.

Nagkatinginan kami ni Commander Nathan ng colorless army at napatango sa isa't isa na nagkaintindihan sa mga tingin lamang.

Tila nag-merge ang aming grupo kasabay nang pagpakawala naming mga red army ng apoy patungo sa mga humarang na air force sa gate. Gamit naman ang kapangyarihang hangin ng colorless army ay pinalakas nito ang apoy namin.

Sigawan ng mga natatamaan ng pinagsanib pwersang kapangyarihan ng red army at colorless army ang narinig namin sa mga air force.

Nang huminto kami, bagsak na ang mga humaharang kaninang mga air force.

Huminto na rin kami sa tapat ng nakasaradong gate mismo ng campus. Napalibutan namin ang campus nang makarating na rin ang ibang army group na pinabagsak ang ibang kalaban na sumasalubong sa amin kanina.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now