Chapter 21

3.8K 128 1
                                    

ALTAIR

"Inggit daw?" Tanong ni Lieutenant Joaquin.

Kinwento ko sa kaniya ang naging paguusap namin ni Agatha kahapon.

Tumango ako. "Yun ang sabi niya."

Napabuntonghinga muna si lieutenant at saka nagsalitang muli. "Mag-iingat ka sa kaniya, commander."

Napatitig lang ako sa kaniya.

"Pasensiya na sa susunod kong sasabihin ngunit ang mga ganiyang tao ang dapat distansiyahan. Siguro nga kailangan niya ng emotional support dahil sa pakiramdam niya na nag-iisa siya pero dapat mag-iingat ka."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nananatiling tahimik.

"Nabanggit mo na binigyan mo na siya ng warning nung una dahil may kung anong nangyari sa pagitan niyo sa nangyari sa maliit na bayan. Tapos sa siyudad naman na nangyari lang kamakailangan, base sa natanggap kong report nagbago at iba ang paguugali na ipinakita ni Agatha. Alam ko na kaibigan mo siya. Pero huwag mong ibababa ang alerto mo," pagpapatuloy niya.

Marahan akong tumango. "Salamat sa paalala," mahina kong sambit.

Ilang sandaling nabalot kami ng katahimikan hanggang sa tatlong magkakasunod na katok ang narinig namin sa nakasarang pinto. Agad na tumayo si lieutenant at siya na ang nagbukas ng pinto. Isang red army na lalaki ang pumasok.

Nag-salute muna siya bago magsalita, "Magandang araw, commander. Nandito ngayon si General Lorcan."

Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo. "Ang heneral?"

Tumango ang red army.

Agad kaming lumabas sa opisina ko.

"Malinis ba sa buong campus? Nakapaglinis na ba?" Kabado kong tanong kay lieutenant habang sumusunod sa red army palabas.

Marahas na tumango si lieutenant na halatang kinakabahan din. "Malinis na. Teka... Bakit biglang pumunta ang heneral? Wala naman kayong nasabi na magi-inspection siya ah."

"Wala nga. Hindi ko rin alam."

Kinakabahan kami kasi baka may surprise inspection pala ang heneral o baka may kung ano siyang dalang balita. Tsaka ang unusual lang kasi na bigla-biglang pumupunta sa ibang campus ang heneral. Mostly talaga ay nasa EAMC siya.

Nang makalabas na kami sa building, nakita ko sa plaza ang heneral. May kasama siyang limang army na galing isa iba't ibang army group.

"Heneral." Agad kaming nag-salute nila lieutenant nang makalapit na kami kay heneral. "Biglaan ata ang pagpunta niyo rito. Kinakabahan tuloy kami," natatawa pa ako sa huli kong sinabi pero totoo ang kaba ha.

Napatawa ng mahina si heneral. "Wag kayong magalala. Naparito lang ako para imbitahan kayo bukas."

Nagkatinginan kami ni Lieutenant Joaquin. "Bu-bukas? Bakit? Ano pong mayroon bukas?" Tanong ko kay heneral.

"Idaraos natin ang pagbabalik ng royal army sa samahang elemental army."

Halos sabay kami ni lieutenant na napangiti at halos mapanganga sa narinig namin.

"Ho? Totoo po ba? Babalik na sila?" Nakangiting tanong ni lieutenant.

Nakangiting tumango ang heneral. "Mula nang muli natin silang nakita noong sinalakay sila ng air force, nagkakausap at nasambit na sa akin ni Commander Hideo na gusto na niyang bumalik sa samahan. Dahil sa bandang huli, tayo pa rin daw ang kanilang malalapitan. Sabi pa nga niya, nahihiya siya dahil sa pagkalas niya noon tapos babalik sila ngayon."

"Wala siyang dapat ikahiya. May mga isinaalang-alang lang siya noon tapos sadyang magulo lang ang Air Force. Handa naman tayong tanggapin sila ulit," sabi ko.

Tumango si lieutenant. "Saka mabuti nga na babalik na sila ngayon. Makokompleto na ulit tayong elemental army base sa orihinal na mga grupo."

Nagpatango-tango ang heneral habang nakangiti. "Tama. Kaya nga sobrang natutuwa ako nang ikompirma nila na babalik na sila. Sa sobrang tuwa ko, ako na mismo ang pupunta sa bawat campus ng mga army group."

Natawa kami sa sinabi niya. Halata namang masaya nga ang heneral dahil hindi talaga mapawi ang ngiti niya mula pa kanina.

"Bilang heneral ninyo, syempre gusto ko na maayos at kompleto kayong lahat na mga army hanggang sa matapos ang tungkulin ko at maipasa sa mga susunod na heneral sa darating na panahon. Yun lang ang kasiyahan ko, ang mapanatili ko kayong nagkakaisa at namumuhay ng payapa," dugtong pa ni heneral.

Wala kaming ibang masabi ni lieutenant kundi ang tumango habang nakangiti.

"Kaya bukas magdala ka ng red army sa EAMC, Commander Altair. Dahil sa EAMC natin idaraos ang kasiyahan. Pupunta roon ang royal army. Sabi pa ni Commander Hideo na gusto niya na magsalita mismo sa harapan ng mga army mula sa iba't ibang army group. Gusto niya na masabi lahat ng mga gusto niyang sabihin at marinig nating lahat iyon galing mismo sa kaniya."

Tumango ako. "Noted, general."

"Sige. Kailangan ko nang umalis. Pupuntahan ko pa ang ibang campus."

Nagsalute kami ni lieutenant at saka umalis agad ang heneral kasama ang limang army.

Pagkatapos ay agad na pinagtipon namin ni lieutenant ang red army para sabihin naman sa kanila ang ipinunta ng heneral kani-kanina lang dito.

"Yohoo! May pa-welcome back party para sa royal army. Ang tagal na rin nung huling medyo nagka-party," masayang komento ni Ryoran na nakataas pa ang kamay matapos naming masabi ang magaganap bukas.

Sumang-ayon ang karamihan at natutuwa rin sila na marinig ang pagbabalik ng isang army group.

"Captains, paki-ready ang ating grupo para bukas. Alam nating maraming gustong sumama pero huwag nating kakalimutan na dapat may sapat na bilang ang maiiwan dito. You know the drill," utos ko sa mga captains.

Pagkasabi ko nun, agad na nagkaniya-kaniya na ang ibang red army na makalapit sa mga captains para magsabi na sasama sila bukas.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Ilang segundo ang nakalipas, nahagip ng mga mata ko si Agatha na nakatayo lang habang nalalagpasan lang ng ibang red army. Tila pinagmamasdan lang din niya ang iba. Nilapitan ko siya.

"Sasama ka?" Deritso kong tanong sa kaniya nang tumayo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang ilang grupo ng red army na nagkukumpulan kung nasaan ang ilang captains.

"Uhm... Mukhang maraming gustong sumama eh. Siguro hindi na lang ako sasama. Magpapaiwan na lang ako rito," aniya.

Nilingon ko siya.

Sa totoo lang, medyo awkward. Dahil na rin siguro ito sa naging paguusap namin. Pero bilang isang commander at kaibigan niya, hindi ko naman siya basta-bastang iiwasan.

Napayuko siya. "Actually, nahihiya rin ako sayo. Gusto ko munang pagisipan at pagmuni-munihan ang mga nagawa ko. Siguro perfect na rin iyon bukas na manatili muna rito."

Hindi ako nakapagsalita agad hanggang sa marahan akong napatango.

Nilingon niya ako. "Sorry talaga, Altair."

Inabot ko ang balikat niya at marahan ko siyang tinapik-tapik. Ngumiti ako sa kaniya ng tipid.

*****

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon