Chapter 37

3.9K 119 13
                                    

ALTAIR

Naglakbay na kami patungo sa lugar na nakasaad sa scroll na ibinigay ni Gwen sa akin. Tahimik lang kami sa paglalakbay. Pinapakiramdaman ang kapaligiran namin.

"Sila na ata yan," biglang sabi ni Lieutenant Joaquin.

Napunta sa unahan lahat ng tingin namin. Nakikita na namin ang clearings. Naririnig na rin namin ang hampas ng alon sa dagat. Sa kabilang parte ng clearings, ng malawak na damuhan, ay natatanaw namin na may grupo na nakaabang. Ang air force.

Sandaling pinahinto ng heneral ang kaniyang kabayo. Napahinto rin kami. Hinarap kami ng heneral.

"Nandito na tayo. Lumaban kayo hangga't kaya at tayo'y sabay-sabay rin na uuwi sa EAMC."

Napahawak ako sa katana ko. Ang kaninang paunti-unting kumakalmang kabog ng dibdib ko ay paunti-unti na namang bumibilis.

Muling tumalikod ang heneral sa amin at sumenyas na muling magpatuloy sa paglalakbay upang makalabas na rito sa kagubatan at maharap na ang naghihintay sa amin.

Seryoso kaming lahat habang papalapit.

Hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng kakahuyan. Tumambad sa amin ang kaliwanagan sa kalangitan. Napaka-asul ng kalangitan at walang halos makikita na ulap.

Habang napaka-berde naman ng malawak na open-field na ito dahil sa mga damo. At nang lingonin ko ang bandang kaliwa namin, hindi kalayuan naman ang isang bangin na nagpuputol sa berdeng damuhan. Sa ibaba nito ay kung saan maririnig ang paghampas ng mga alon sa karagatan. Base sa deriksyon ng araw ngayon, mukhang sa bandang deriksyon ng dagat lulubog ito.

Muli akong tumingin sa harapan namin. Sa lawak ng buong damuhan, sa kabilang parte ay makikita ang grupo ng air force na tila kanina pa nandirito. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng trademark nilang mga equipment para makalipad. Habang pinapangunahan naman sila ng isang lalaki. Naaalala ko siya. Siya yung lalaking nasa itaas ng gate noon ng royal army nung pilit nilang sakupin ito. Si Narako. Siya yung sinasabing pinuno ng air force.

"Napaaga ata kayo, Elemental Army," nakangiting bati sa amin ni Narako.

"Kayo ang mas maaga. Mukhang kanina pa kayo nakaabang dito ah," sagot ni heneral.

Tumawa si Narako. "Aish. Syempre ako ang nag-imbita sa inyo, syempre dapat kami ang mauna. Nakakahiya naman kung kami pa ang mahuhuli ng dating."

Psh. May kaunting professionalism pa pala siyang naitatago.

Pinagmasdan ko ang mga air force. Seryoso silang lahat na nakatitig sa amin.

"Nasasabik rin kasi akong malaman kung ano pipiliin niyo. Kung sisipot ba kayo o hindi."

Psh. Kung tutuosin, halos wala naman kaming ibang pagpipilian. Iisa lang. Ang sumipot.

"At isa pa..." Pahabol pa ni Narako. "Sabik na rin akong makipagtuos ng maayos sa inyo at malaman kung sino sa atin ang mananalo."

"Alam mo, naisip ko na pwede namang hindi natin idaan sa ga---" hindi pa natatapos ng heneral ang kaniyang gusto sabihin nang magsalita na agad si Narako.

"Uh-uh. Wag na. Nandito na tayo. Magtuos tayo."

"Pwede naman na idaan sa m---" muling nag-attempt ang heneral na tapausin ang gusto niyang sabihin ngunit pinutol na naman iyon ni Narako.

"Magtuos tayo."

Napabuntonghinga na lang ang heneral.

Naging mas lalong alarma kaming mga army. Naging mas seryoso pa ang aming mga tingin sa kanilang mga air force.

Isang malutong na tawa ang narinig namin mula kay Narako. Tawa na nakakairita.

"Tensyonado na ata kayo," dugtong pa niya. "Paano... simulan na natin?"

Mas lalong napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa katana ko. Nakikita ko rin ang iba pang army na mahigpit na ring nakahawak sa kani-kanilang sandata at seryosong-seryoso na nakatitig sa kabilang grupo.

Mayamaya ay tila nahawi sa gitna ang grupo ng air force. May isang babaeng naglakad sa gitna at tumayo sa tabi ni Narako. Si Gwen.

At may sumunod sa kaniya. Lalaki ito at saka tumayo naman sa kanang side ni Narako. Si Jerson!

Pagkakilala ko sa kaniya, agad na nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Sa papa ko at kay dating Commander Shin.

Nanggigil ako bigla. Hindi ko siya nakaharap ng maayos noong huli ko siyang nakita sa royal army campus dahil papatakas na siya noon. Ngayon, makakaharap na namin siya ulit.

Pagbabayarin ko siya sa mga ginawa niya.

"Huwag na nating patagalin pa ito. Tapusin na natin ang nakakapagod na laro natin," biglang seryosong sabi ni Narako.

Sandaling lumingon sa amin si heneral at binigyan niya kami ng makahulugang mga tingin. Wala siyang sinabi ngunit dama namin sa kaniyang mga tingin pa lang ang nais niyang ipahiwatig sa amin.

Bigla akong kinilabutan. Nanindig ang mga balahibo sa mga braso ko.

Isang tango lang ang huling ibinigay sa amin ng heneral at muling humarap sa air force. Halos magkasabay na itinaas nila heneral at Narako ang kanilang kanang kamay.

Isang nakakabinging katahimikan ang agad na bumalot sa aming lahat. Tanging ang hampas ng alon at hampas ng mga dahon sa isa't isa dahil sa hangin sa paligid ang maririnig. Maski ang aming mga kabayo ay tila hindi namin marinig. Tila maski ang mga ito ay nakahanda na rin sa mangyayari.

Seryosong nagkakatitigan na kaming mga army at air force. Parehong handa na sa hudyat ng aming mga lider para sumugod sa isa't isa.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Sabay na ibinaba nila heneral at Narako ang kanilang mga kamay at itinuro ang isa't isa. Hudyat na para magsimula ang laban.

*****

Elemental ArmyKde žijí příběhy. Začni objevovat