Chapter 29

3.8K 108 3
                                    

ALTAIR

Kinabukasan ng umaga, agad kaming mga commander na pinagtipon sa usual na meeting hall namin. Sa pagkakataong ito, kasama na ang commander ng royal army.

Nahihiya ako na magpakita ngayon dito. Hindi ako makatingin sa kahit na sinong commander ngayon. Pero nang makompleto kaming lahat, naglakas loob na ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Napunta sa akin ang lahat atensiyon.

"Unang-una, gusto kong humingi ng paumanhin sa inyong lahat. Lalo na sa royal army dahil sa nangyari kagabi," panimula ko. "Paumanhin dahil nagdala kami ng gulo... ako."

"Wala kang dapat naihingi ng paumanhin sa akin. Hindi naman natin hawak ang mundo kaya hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari. Panigurado namang hindi mo rin inaasahan ang nangyari kagabi," ani Commander Hideo.

Sumang-ayon ang iba naman. Sunod ay sumenyas ang heneral na umupo na ako.

"Pasensiya na rin, Commander Altair. Hindi na rin ako nagpapigil kaya nagamit ko ang baril ko sa kaniya," ani Commander Roy nang bumalik na ako sa pagkakaupo.

Isa sa dahilan ng pagkasawi ni Agatha ay dahil sa tama ng baril ni Commander Roy.

"Ayos lang," sabi ko.

"Pasensiya na rin Commander Altair sa sasabihin ko pero okay na rin na tuluyang nawala na si Agatha. At least case closed na agad," cold na sabi naman ni Commander Esdeath.

Tumikhim ang heneral kaya napaiwas ng tingin at tumahimik si Commander Esdeath.

Tumayo si Commander Claire. "Matapos ang naganap na gulo kagabi, nagpatuloy pa rin ang imbestigasyon para na rin malaman kung mayroon pa bang maaaring nalason at kung ano pa. Ang resulta, tanging si Commander Altair lang talaga." Lumingon siya sa akin. "Tanging sayo lang talaga ang nalagyan ng lason."

"Lumalabas na habang magkakasama at nagkakasiyahan kayo sa table niyo, nagawa niyang malagyan ang baso mo ng lason ng hindi napaghahalataan," dugtong ni Commander Ayanami ng gold army.

Hindi ako makatingin ng deritso sa kanila. "Pasensiya na sa nagawa naming eksena kagabi at nandamay ng ibang army."

"Binalak ko sana na i-handle ko mismo ang gulo kagabi."

Napalingon kaming lahat kay heneral nang magsalita siya. "Nang pumayag ka, Commander Altair, na makipagtuos sa red army mong si Agatha, doon na rin ako nagdesisyon na hayaan ka na i-handle ang problema mismo. Nakita ko rin naman na kakayanin ninyong mga commander na maayos iyon. Gusto ko na makita kung papaano niyo iha-handle ang mga problema na kagaya kagabi. Nakahanda lang ako kung sakali na kakailangan na talaga ng pwersa ko. Sa bandang huli, napagtanto ko na may mapupulot rin na aral ang mga nakasaksing army. Kung paanong ang inggit ang isa sa hihila sa ating mga sarili pababa."

Sandaling natahimik ang buong silid.

"Commander Altair, sa narinig ko kagabi, mukhang hindi lang isang kasamahan bilang red army si Agatha sa iyo. Base sa nasaksihan ko kagabi, masasabi ko na isa siya sa mga kilala sa inyong red army na malapit sa iyo. Pwede mo bang masabi o maikwento sa amin ang alam mo tungkol sa kaniya? Ibig kong sabihin ay kung anong klaseng kaibigan siya sayo dati, at kung paanong humantong sa ganoon. Gusto kong magkaroon ng ideya kung ano siya sa iyong perspective mismo," ani heneral.

Bumuntonghinga ako saka nagsalita. "Naging magkaibigan kami. Totoong kaibigan ang turing ko sa kaniya. Nang manalo ako bilang representative ng red army noon, isang beses na kakaiba ang inasal niya sa akin."

Sandali akong napahinto sa pagsasalita nang maalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon.


* "Hindi na lang sana kita kinaibigan. Ako dapat ang nanalo. Mahina ka lang. Mas malakas ako kaysa sayo." *


"Pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng masydong pansin. Lalo na't pagkatapos nun ay balik na ang lahat sa normal. Siya pa nga ang isa sa mga nag-alaga at umalalay sa akin nung recovering pa lang ako noon matapos ang naging digmaan sa EGA," pagpapatuloy ko. "Kaya noong araw na nagkaroon ng gulo sa isang maliit na bayan at hindi niya ako tinulungan noong kailangan ko ng tulong, gulong-gulo ako. Aminado rin ako na denial din ako sa oras na iyon sa ginawa niya. Pero dahil na rin sa nag-reach out sa akin si Commander Esdeath tungkol sa nangyari, kinausap ko si Agatha. Nag-deny siya. Pinalampas ko.

"Nang matanggap ko naman ang nangyari sa siyudad na mismong nakarinig harap-harapan ang isang red army na isa sa mga pinakamalapit sa akin, doon na ako naglakas ng loob na deritsohin si Agatha. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya sa akin at sa kung saan man. Inamin naman niya na naiinggit daw siya sa akin at nakararamdam daw siya ng pag-iisa. Ako naman, inisip ko na baka kailangan niya ng emotional support or mas kailangan ng may makakasama ng mas madalas since nagiging madalang ko na rin siyang kasama. Binalak ko pa nga na araw-araw ko na siyang kumustahin. Hanggang sa yun. Nangyari na nga kagabi."

Sandaling naging tahimik ang buong silid na tila prina-process nila ang mga sinabi ko.

"Hmm. Ang dami na palang pagkakataon ang dumaan sayo pero hindi mo pinagtuonan masyado ng pansin," komento ni Commander Claire.

"Masyado kang umasa na magkaibigan kayo. Kaso hindi ganoon ang tingin sayo ni Agatha," may pagtataray sa boses ni Commander Esdeath. "Nakakairita talaga ang mga kagaya niya."

Napayuko na lang ako.

Tinapik-tapik ni Lucas ang balikat ko. Katabi ko siya ngayon at nasa kanan ko.

"Ganun talaga. May mga itinuturing mong kaibigan kasi yung pakikitungo nila parang kaibigan ka rin. Kaso pagtumalikod ka, sasaksakin ka naman. Hindi talaga natin yan maiiwasan basta-basta lalo na kung ang galing nilang magkunwari," ani Commander Miku.

Nagpakurap-kurap ako nang maramdaman kong para akong maiiyak na. Ang bigat sa dibdib.

"Commander Altair," tawag sa akin ng heneral kaya agad akong umupo ng maayos. "Alam ko ang nararamdaman mo. Hindi lang siya isang red army, tinuring mo rin siyang isang totoo at malapit na kaibigan na kahit na minsan nang may kahina-hinala sa kaniyang kilos, pilit mo pa rin na jina-justify na maaaring iba ang rason at pwede mo pang mabago."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na tumulo sa aking pisngi habang nakikinig kay heneral.

"Sa ating lahat, sa inyong mga commander, sana ay magsilbing aral ito sa inyo. Huwag tayong magpapadala sa ating personal na connection sa ibang army. Kung nakakakitaan niyo ng hindi nasa tamang kilos ang inyong mga army, huwag kayong magaalinlangan na gawin ang nararapat," pagpapatuloy ng heneral.

Sabay-sabay na tumayo ang ibang commander. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko. Tumayo na rin ako at sabay-sabay kaming nag-salute habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.

"Sir, yes, sir."

Pagkatapos ay tumayo at lumapit naman sa akin ang heneral. Tinapik niya ang balikat ko.

"Ayos lang 'yan. Iiyak mo lang kung gusto mo," aniya.

Dahil sa sinabi sa akin ng heneral, muling tumulo ang luha ko at tumango. "Salamat, heneral."

Nang saktong umatras ang heneral, saka naman ako nilapitan ng ibang commander. Unang-una na si Lucas na katabi ko lang kanina ng inuupuan.

Nilapitan nila ako para magsabi ng kanilang simpatsya at pakikiramay na rin. Kahit na ganoon ang ginawa ni Agatha, isa pa rin siyang red army.

Naiyak na ako ng tuluyan nang may yumakap sa akin na commander. Si Commander Esdeath.

Nakakahiya pero hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.

*****

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now