Chapter 5

4.5K 155 2
                                    

ALTAIR

Mabilis ang pagtakbo ng mga kabayo namin.

"Mukhang malapit na tayo. Nakakarinig na ako ng ingay," biglang sabi ni Agatha na malapit lang sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang. Mas pinabilis pa namin ang aming mga kabayo sa pagpapatakbo hanggang sa nakalabas na kami sa kakahuyan.

Sinundan namin ang isang maliit na rough road hanggang sa makaabot kami sa isang sementadong kalsada papasok na sa bayan. Mula rito, rinig na rinig na namin ang ilang pagsabog at sigawan ng mga tao.

"Ayun!" naibulalas ng kasama kong captain nang matanaw na namin ang mataas na gusali.

Halos maningkit ang mga mata ko habang nakatutok sa gusali na iyon habang mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng kabayo ko.

Ngayon ko napansin ang isang tila taong lumilipad sa paligid ng gusali. May tila mga aparato itong nakakabit sa katawan. Air force nga.

"You know the drill," sabi ko. "Top priority natin ngayon: protektahan ang ang mga tao!" Mando ko.

"Roger!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kasama ko at saka kaniya-kaniya na ng deriksyon para magkalat.

Tuloy-tuloy lang ako habang si Agatha at isa pang red army ang naiwan na sumusunod sa akin.

Palapit ng palapit na kami sa nangyayaring gulo at natatanaw na rin namin ang ilang cyan army na nakikipaglaban para maitaboy ang air force.

Isang elementary school campus at ilang katabing gusali ang inaatake ng air force. Shemay. Anong problema nila sa paaralang ito para atakihin nila? At talagang sa mga elementary pa talaga?!

May nadadaanan na kaming mga tao na nagsisitakbuhan papalayo. Isa-isa sila Agatha at ang isa pang red army na sumunod sa akin na humiwalay para protektahan ang mga nadaanang tao na takot na takot sa nangyayari.

Nang ako na lang ang nagpapatuloy, saktong nasa may gate na ako nang may makita akong dalawang batang itinatakbo ng guard palabas. Buhat-buhat niya ang batang babae na mas maliit habang nakakapit sa kaniyang isang kamay ang isang batang lalaki na umiiyak habang tumatakbo.

Nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaking air force na nakangiti habang nakatayo. Nakatutok ang isang tila pahabang uri ng baril tungo sa tumatakbong guard at bata.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para patigilin ang kabayo ko. Habang tumatakbo ito, agad akong lumundag sa ere at mabilis na naglabas ng bugso ng apoy mula sa isa kung palad para salabungin at mapigilan na dumeritso sa tumatakbong guard ang isang enerhiya na inilabas ng air force.

Napaluhod ang guard at nadapa naman ang batang nakakapit sa kaniyang kamay nang magtama ang kapangyarihan namin ng kalaban.

Pagkatayo kong muli sa aking mga paa sa lupa, napaikot ako kasabay ng paglabas ko ng blade ng katana ko. Isang malakas na pagwasiwas ko nito patungo sa kalaban ng mapaharap na ako sa kaniya kasabay ng paglabas ng isang malakas na enerhiya ng apoy. Dahilan ito upang tumilapon ng ilang dipa ang kalaban.

Agad kong hinarap ang guard at ang bata na takot na takot na nakatingin sa akin. Halatang nabigla sila sa ginawa ko.

"Wag kayong mag-alala. Proprotektahan namin kayo," sambit ko kasabay nang pagtulong ko na maitayo ang guard at ang bata. "Dito tayo."

Kahit naguguluhan ang guard, sumunod siya sa akin sa pagtakbo palabas ng gate habang dala-dala pa rin niya ang dalawang bata.

"Commander, ako na!" presenta ng isang red army na nakasalubong namin sa labas ng gate.

Agad akong tumango at hinarap ang guard. "Sumunod po kayo sa kaniya. Proprotektahan niya kayo."

"Jusko," mangiyak-ngiyak na sambit ng guard habang tumatango.

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon