Chapter 38

4.3K 144 29
                                    

ALTAIR

Pagkabigay ng hudyat ng dalawang pinuno, biglang nagpaputok ang ilang may baril na sandata sa ere. Kasabay nito ang pagsugod naming lahat patungo sa kalaban at ang kalaban patungo sa amin. Umalingawngaw ang sigawan, padyak ng mga kabayo, at iba-iba pang ingay sa buong field habang papasugod ang aming mga hukbo sa isa't isa.

Maririnig din ang ingay na nalilikha ng mga patalim na inilalabas mula sa kaniya-kaniyang sisidlan. May ilang air force na rin ang nagpapakawala ng ilang tira mula sa may mga suot na portable cannon patungo sa amin. Ginagantihan naman ito ng ilang army gamit ang iba't ibang technique.

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kabayo ko kasama ang ibang army para salabungin na ang kalaban na patungo na rin sa amin.

Agad kong inilabas ang talim ng katana ko at isinangga sa isang babaeng air force na iwinawasiwas ang kaniyang espada patungo sa akin. Ideneritso ko lang ang takbo ng kabayo ko habang paparami na ang nakakasalubong kong kalaban. Nang maka-tiyempo ako at alam kong may sapat na nabilang ang air force na nakapalibot sa akin, agad akong lumundag habang ipenaderitso ko lang ng takbo ang kabayo ko para makatakbo siya papalayo pa at makatakas.

Habang nasa ere ako, inihanda ko ang pinakadulo ng katana ko at sabay na malakas na itinusok sa lupa ito. Napaluhod pa ako sa isa kong tuhod kasabay ang paglabas ng isang malakas na bugso ng enerhiya ng apoy sa paligid ko na mula sa akin. Naging dahilan ito para tumilapon ang karamihang air force na pumapalibot na sa akin kanina.

Nang i-angat ko ang aking paningin, patungo na sa akin ang bagong grupo ng air force. Sa pagkakataong ito ay ang mga lumulipad na ito at nakatutok na sa akin ang kanilang pinaka-cannon. Nang makita ko na nag-iilaw na ang loob ng kanilang cannon ay agad akong tumayo at hinigit ang katana ko mula sa pagkakatusok sa lupa. Nilaro ko sandali sa aking kamay ang sarili kong katana para maibwelo ito at saka ako umikot sa kinatatayuan ko sabay pagwasiwas ng katana sa paligid ko. Gamit ang talim ng katana ko ay dito ko pinalabas naman ang isang bugso ng apoy patungo sa kalaban. Natamaan ko sila bago pa sila makapagpakawala ng kanilang tira.

Agad naman akong napa-harap sa aking likod nang maramdaman kong may papalapit sa akin. At saktong naisangga ko ang katana ko sa talim ng espada ng isang panibagong kalaban. Mabilis ang mga naging kilos namin. Sunod ko na lang namalayan na sunod-sunod na ang impak ng mga talim ng sandata namin hanggang sa matalo ko siya.

Ngunit agad naman na may mga sumunod na kalaban patungo sa akin. Naging tuloy-tuloy lang ang paglaban ko. Kaliwa't kanan na mga kalaban. Iba't ibang kapangyarihan. Tila walang katapusang pagsugod ng mga kalaban habang naririnig ko ang pakikipaglaban naman ng ibang army sa iba pang air force.

Hanggang sa sunod na sumugod sa akin ay tatlong lalaking air force. Pinagsanib pwersa nila ang kanilang kakayahan. Pinag-isa nila ang lakas na inilalabas ng kanilang cannon. Alam kong hindi ako basta-basta makaka-ilag kaya pilit kong kinontra ang kanilang tira gamit ang fireball. Lumikha ito ng malakas na pagsabog at pwersa kaya napaatras ako. At saktong may nabangga ako sa likod ko. Nang lingunin ko, isa itong babaeng crystal army. Nakaharap naman siya sa dalawang air force na kinakalaban niya.

"Eunice," sambit ko sabay muling humarap sa mga kalaban.

"Hay, salamat nakalapit din ako sayo," aniya. "Pagtulungan natin itong air force na kaharap natin."

"Lima laban sa dalawa?" tanong ko habang deritso lang na nakatingin sa tatlo kong kalaban na tila pinagmamasdan naman kami ni Eunice.

"Yup."

Sandali akong lumingon sa likuran ko, kay Eunice. Ganun din ang ginawa niya at sabay kaming napatango sa isa't isa.

Nang ibalik naming pareho ang atensiyon namin sa aming mga kalaban, halos sabay kaming nagpakawala ng aming kapangyarihan. Ako, isang malakas na apoy na mula sa aking isang palad patungo sa tatlong air force na kalaban ko. Sakto lang na madistract ang paningin nila deritso sa akin. Habang si Eunice naman ay nagmanipula na magpataas ng isang manipis na yelo na para bang ikukubli siya.

Naging alerto naman ang mga kalaban namin kaya pareho itong sumugod patungo sa amin.

Wala kaming inaksaya na segundo ni Eunice. Agad kaming nagpalit ng pwesto at inunahan na ang mga kalaban na makatira. Nagpalitan kami ng kinalaban. Fireballs ang ibinato ko sa dalawang air force na kalaban kanina ni Eunice habang siya naman ay nagpalipad ng tila ba pinatalim na yelo patungo sa tatlong air force na kalaban ko kanina.

Nasorpresa ang mga kalaban namin dahilan para matamaan namin ang ilang parte ng kanilang suot na equipment. Inaasahan ng mga kalaban namin na parehong elemento pa rin ang sasalubong sa kanila. Kagaya nang sa akin na apoy, akala ng tatlong air force na apoy pa rin ang makakalaban nila dahil distracted ang paningin nila sa inilabas ko kaninang malakas na apoy. Kaya nabigla sila na biglang yelo na ang sumalubong sa kanila. May dalawa sa kanila na sumabog mismo ang suot nila habang ang iba ay damaged enough para mapahina ang pwersa nila.

Sunod ay itinuloy pa namin ni Eunice ang sanib-pwersa naming laban sa natitirang air force na kalaban namin kanina. Hanggang sa meron ulit bagong nakasalubong na kalaban.

***


THIRD PERSON

Umalingawngaw sa buong lugar ang sigawan, mga pagsabog, mga ingay sa tuwing nagkakabanggaan ang mga patalim, mga pag-inda ng sakit, at kung ano-ano pa. Nakakakilabot ito pakinggan.

Kasama sa mga naglalaban-laban ay ang heneral ng elemental army at ng air force. Tila sumasayaw ang dalawa sa ere at sa kalupaan sa kanilang paglalaban. Mabibilis ang kanilang mga kilos. Hanggang sa nagpaulan na sila ng mga tira sa isa't isa gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Kapwa naman sila nagtamo ng mga galos sa katawan. Kapwa rin sila hiningal.

Nang makabawi, agad na muling sumugod si Narako patungo sa heneral ng mga army. Sinalubong naman siya agad nito at naglaban sila. Sa pagkakataong ito naman ay combat lamang. Kagaya kanina, mabilis pa rin ang kanilang mga kilos.

Kapwa silang napaatras sandali at saka muling bumwelo para sumugod sa isa't isa. Nang malapit na sila, pareho silang lumundag sa ere at nagtangka na sumipa. Pareho rin nilang natamaan ang isa't isa. Tumilapon sila papalayo ng ilang dipa.

Nang tumayong muli ang heneral ng elemental army, napahawak siya sa kaniyang panga. Agad na nagkapasa rito. Habang si Narako ay sa may pisngi naman.

Nagkatitigan sila sandali at tila pareho ring bumabawi pa ng kaunting lakas. Hanggang sa napangiti si Narako.

"Ang galing mo pa rin makipaglaban kahit matanda na," nakangisi nitong komento sa heneral.

Napangisi ang heneral. "Oo nga't matanda na nga ako pero sa ngalan ng Elemental Army, kaya ko pa ring makipaglaban kahit sa mga mas nakakabata."

Marahang napapalakpak si Narako. "Napapabilib mo ako ah. Pero hindi ka ba napapagod na? Sa mga ganiyang katanda, dapat nagpapahinga na eh."

"Eh ikaw? Wala ka balak na mamahinga na rin? Tumatanda ka na rin," banat naman ng heneral.

Napahalakhak lang si Narako.

"Wala ka rin bang balak na itigil na ang pakikipag-kompitensiya at panggugulo?" Sunod na tanong ng heneral.

*****

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon