Chapter 43

26 2 0
                                    

ALTAIR

Nang lumingon sa akin si Jerson at matalim na tiningnan ako, alam ko na ako ang pupuntiryahin niyang kalabanin.

Napatingin ako sa katawan ni Narako na yakap-yakap ni Jerson. Naalala ko ang papa ko noon. Yakap-yakap ko rin noon si papa bago tuluyang bawian ng buhay.

"Ikaw," nagngingit-ngit na sambit ni Jerson habang matalim na nakatingin sa akin.

Dahan-dahan niyang inihiga sa damuhan ang wala nang buhay na katawan ni Narako at tumayo habang hindi tinatanggal ang masamang pagkakatitig sa akin.

Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo sa damuhan. Saka ko pinunasan ang mga pisngi ko na basang-basa na sa luha.

"Pinatay mo ang ama ko... Altair!" Sigaw ni Jerson.

Halos nakikita ko na rin ang mga ugat niya sa kaniyang leeg. Galit na galit siya ngayon.

Pero imbes na matakot, napangiti ako ng mapait.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ko noong pinatay mo ang papa ko," mahinahon kong sabi sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Nananatiling nakatitig siya sa akin. Kung nakakapatay lang ang titig niya ngayon sa akin, siguro ay kanina pa ako nakabulagta rito.

Napalingon ako sa triplets. Sila Lucian at Lucas na patuloy na tumatangis sa wala na ring buhay na si Lucius. Nang makita kong muli si Lucius na nasa mga bisig ni Lucian, parang piniga ang puso ko. Parang manglalambot muli ang mga tuhod ko.

Napalingon akong muli kay Jerson nang marinig ko siyang mahinang tumatawa. Nakatingin pa rin siya sa akin habang nakangiti at lumuluha ang mga mata.

"Oo nga no? Ako nga pala pumatay sa papa mo noon. Kitang-kita mo kung paano siya natamaan ng sibat ko noon. Ngayon naman ay kitang-kita ko kung paano mo saksakin sa nakadalawang beses ang ama ko. Parehong malapit pa sa puso ang tama nila." Natawa siya saglit. "Pero hindi naman ang papa mo ang puntirya ko noon. Ikaw naman talaga. Sadyang humarang lang siya."

Napangiti ako ulit ng mapait. At mukhang susubukan pa niya atang mangatwiran. Psh.

"Pinatay din ng tatay mo ang kaibigan ko ngayon lang," sabi ko na lang.

Sh—! Gago. Ang sakit sambitin ang mga sinabi ko ngayon lang. Sana panaginip lang ito.

"Tsk. Dapat talaga napatay na kita noon pa man," ani Jerson. "Nabigo akong mapatay ka noong in-ambush namin ang grupo niyo noong pabalik pa lang kayo sa EGA. Hindi rin ako nakaganti man lang sayo noong sumalakay kami sa EGA. Putangina. Para kang pusa na may siyam ang buhay. Dapat noon pa man ay pinursige ko na napatayin ka."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Naalala ko. Siya rin ang nakapatay noon sa dating Commander Shin. Siya ang dahilan kung bakit wala sa oras na naging commander ako.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Shemay ka Jerson. Kayo ng tatay mo. Kayong mga air force!

Hinawakan ni Jerson ang sarili nitong dibdib na tila may kinakapa rito.

"Ang huli nating pagtutuos noon sa EGA, nag-iwan ng marka ang ginawa mo sa akin," aniya at bahagyang tinanggal ang unang tatlong butones ng kaniyang marumi nang white long sleeve polo.

Kahit na tatlong butones lang ang binuksan niya, masisilayan dito ang isang peklat na sa may dibdib niya.

Nagawa ko iyan? Psh.

"Ngayong magkaharap naman tayo, tapusin natin ang laban," panghahamon ni Jerson sa akin.

"Altair."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Lucian. Tiningnan niya ako ng makahulugan.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now