Chapter 9

4.1K 155 33
                                    

RYORAN

"Hihihi." Agad na akong sumubo nang kanin at ng ulam nang nakaupo na kami sa isang table dala ang mga pagkain namin.

Katabi ko si Commander Lodi tapos magkatabi naman yung magkambal sa tapat namin.

Habang ngumunguya ako ng kinakain ko, nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa tatlo. Kailangan detalyado ang makikita ko. Dapat wala akong ma-miss kahit sa mga expression sila. Lalo na sa magkambal.

Napansin ko na parang ang bagal kumain ng magkambal. Ayaw ba nila sa pagkain? Pero masarap naman eh. Pero magkakaiba nga lang kami ng ulam. Kay Lucius, pork chop na ipina-slice na para mas madaling makain. Si Lucas, pinakbet ang pinili niya.

Hmm... Mukhang mahilig sa karne itong si Lucius. Si Lucas naman gulay kasi siguro green army siya?

Si Commander Lodi, adobo at saka pansit. Tapos ako, tortang talong at beef steak.

Habang sumusubo ako, napatingin ako kay Commander Lodi na deri-deritso lang kumain. Nafe-feel ko na naa-awkward siya kaya binuntong niya sa pagkain.

Hanggang sa paubos na pagkain niya.

"Uh, Altair. Gusto mo pa? Heto ang sa akin. Hindi ko pa masyadong nagagalaw naman," ani Lucius.

"Heto gulay, Altair," pahabol ni Lucas.

Nagkatinginan ang magkambal.

Eyyy. Heto naaaa.

Nagpigil akong ngumiti. Kunwari cool lang.

"Uhm... Ayos lang. Kai---" Hindi na natapos ni Commander Lodi ang sasabihin niya dahil nagunahan na ang magkambal na lagyan ng ulam ang plato niya.

Nagkatinginan silang tatlong.

Tumikhim ako. Makisawsaw nga.

"Ako? Wala bang mago-offer ng additional ulam? O kahit kanin man lang?" Hindi ko mapigilang mapangiti.

Hindi ako pinansin ng magkambal at nagsimulang magdebate.

"Mas makakabuti kung gulay na ang kakainin niya."

"Walang lasa ang gulay. Mas masarap yung pork chop. May sauce pa."

"Pero katatapos niya lang ng karne."

"Ay illegal ba kung kumain siya ng karne after karne?"

Aba nga naman. Hindi ako pinansin.

Napalingon ako kay Commander Lodi. Nakatingin siya sa akin at tila hindi alam ang gagawin.

Pasimple akong tumango sa kaniya.

Don't worry, Commander Lodi. I got'chu.

"Ay ay ay. Penge," sabi ko sabay tusok sa natitirang pork chop ni Lucius.

"Hoy." Napatingin siya sa akin.

Agad kong sinubo ang pork chop nang akmang aagawin pa niya.

"Hmm. Lasang pork chop," sabi ko sabay inabot naman ang plato ni Lucas at kumuha ng gulay.

"Lasang gulay," sabi ko pa.

"Oh bakit?" Tanong ko kay Lucius na nakatingin sa akin ng seryoso. Kinuha ko pa ang natitira niyang pork chop.

"Uubusin mo na eh," reklamo niya. "Para sakin na yung itinira ko."

"Eh? Akala ko ayaw mo na kasi ibinigay mo kay Commander Lodi yung iba."

"Yung iba lang. Kaya nga ako nagtira para sa sarili ko." Naningkit ang mga mata niya. "Pwes, akin na ulam mo."

Inabot niya ang beef steak ko at inilipat sa plato niya.

Elemental ArmyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora