Chapter 25

3.8K 119 6
                                    

ALTAIR

Nanghina ako bigla. Nararamdaman ko rin ang pagsakit ng ulo ko.

Shemay. Ano to? Hindi naman ako uminom ng alak ah?

Napapikit na lang ako ng mariin.

Sunod kong narinig ang paghingi ng tuloy ni Lucian sa medication army na malapit sa amin.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong nasa akin na ang atensiyon ng ilang army na malapit sa amin.

Isang babaeng mula sa medication army ang lumapit sa amin ni Lucian. Inilapat niya ang kaniyang kanang palad sa akin noo at tila pinakiramdaman niya ako. Sunod ay hinawakan niya ang aking tiyan. Patuloy lang na nakaalalay sa akin si Lucian.

"Ano kinain niyo, Commander Altair?" Tanong niya sa akin.

Napakunot ang noo ko. Nang akmang sasagot ako ay napahawak akong muli sa ulo ko at napadaing dahil sa umulit na naman ang biglang sakit. Sa pagkakataong ito, nararamdaman ko na rin ang tila kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Parang bumabaligtad ito.

Lumapit na sa akin si Commander Claire ng medication army. "Ako na."

Inilibot ko ang paningin ko at halos pinagkukumpulan na pala kami ng ibang army. Napansin ko rin na natigil na ang fireworks.

Chineck ako ni Commander Claire.

"Lason," sambit niya bigla.

"Lason? Paanong lason? May nan---" nahinto sa pagsasalita ang isang army nang tila may narealize siya at napatakip sa kaniyang bibig.

Dumating si Lucas na may dalang upuan at pinaupo ako. Habang si Lucian ay tahimik at hindi na umalis sa tabi ko.

Pinagkukumpulan na rin kami ng mga army. Paniguradong napansin na ng red army kami rito.

"Kalma lang, Commander Altair," ani Commander Claire at sinimulan niyang gamitin ang kapangyarihan niya para gamutin ako.

Mayamaya ay narinig ko ang pagsigaw ng isang army sa kung saan.

"Huminto muna ang lahat sa pagkain! May nararamdaman ba kayong masama?"

Hindi ko na masyadong narinig ng detalyado dahil sa nararamdaman kong sakit sa ulo at panghihina. Basta ang sigurado ako ay sinabi nila na nalason ako at tuluyan nang napuno ng kumusyon ang lahat.

Ilang pagkumpas ng kaniyang mga kamay ang ginawa ni Commander Claire hanggang sa nakaramdam ako bigla nang kakaiba sa tiyan ko. Napahawak ako sa bibig ko nang maduwal ako.

"Commander Idol! Hala, bakit? Anong nangyayari?" Nakipagsiksikan si Ryoran sa ibang army para makalapit sa akin.

"Isusuka niya ang nakain niya kasama na ang lason," sagot ni Commander Claire.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa tabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong nasuka.

Napapikit na lang ako dahil nahiya rin sa kalat ko. Shemay.

Agad na inabutan ako ng tubig ni Lucas.

"Saang table ka kanina nanatili?"

Napalingon ako sa nagtanong. Ang dating commander ng pellucid army Sayu.

Medyo naging hesitant muna ako sa pagsagot nung una. "Sa table ng red army."

Agad na kumilos ang mga dating commander at ang ibang kasalukuyang commander. Pinabalik lahat ng army sa kani-kanilang table at mabilisang nag-inspection. Lalo na ang mga red army.

"Mabuti't mild lang na klase ng lason," komento ni Commander Claire habang pinapaupo akong muli sa upuan.

"Ayos na siya? Naisuka na niya ang lason?" Tanong ni Lucas na nasa likuran ko.

Elemental ArmyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora