Chapter 14

3.9K 138 2
                                    

THIRD PERSON

Nanguna na sila Lucas at Lucius na pumasok sa building---sa hall. Sandali silang nahinto nang madatnan nila rito ang iba pang royal army. Pero nandito mismo ang mga may katungkulan sa grupo mula sa captain, lieutenant, at commander. Nandito rin si Lucian. Pare-pareho na silang nakahiga sa malamig na sahig at kitang-kita sa hitsura nila ang panghihina at kailangan ng atensiyong medical.

"Lucian!" Halos sabay na sigaw nila Lucas at Lucius at agad na nilapitan ang kanilang kakambal.

Habang ang heneral ng army ay linapitan agad ang commander ng royal army na si Hideo.

Ang medication army naman ay hindi magkanda ugaga kung saan at sino ang mga uunahin.

"G-General... Lorcan," nanghihinang sambit ng commander ng royal army. "Sa-salamat."

Marahang tumango ang heneral. "Sinabi ko sa iyo noon na bukas at handang tumulong ang elemental army sa inyo kung mangangailangan kayo."

Napangiti ang commander.

Lumapit na sa kaniya si Commander Claire ng medication army para simulan na siyang gamutin.

Marahang lumingon si Commander Hideo sa gawi kung saan nandoroon ang mga magkakambal. Hawak ni Lucas sa kaniyang bisig si Lucian na halos nahihirapan nang ibukas ang mga mata dahil sa natamong bugbog. Habang si Lucius ay nagpapalinga-linga para tumawag ng medication army na available para sa kaniyang kakambal.

Nilingong muli ni Commander Hideo ang nanggagamot sa kaniyang si Commander Claire. Marahan niyang hinawi ang mga kamay nito para huminto na gamutin siya. Napakunot-noo si Commander Claire.

"Unahin mo ang representative ko," mahinang sambit ni Commander Hideo. "Mas importante siya."

Sandaling natigilan si Commander Claire at napalingon ito sa heneral. Tumango ang heneral sa kaniya.

Natawa si Commander Hideo. "Wag kang mag-alala. Alam kong kaya ko pa. Unahin mo lang ang representative namin."

Sa pagkakataong ito, tumango si Commander Claire at agad na lumipat papunta kay Lucian para ito ang unahing gamutin.

"Commander na pala ang dalawa niyang kambal," komento ni Commander Hideo habang pinagmamasdan ang triplets.

Tumango ang heneral. "Pare-pareho silang lider at magiging lider. Nakakatuwa."

Parehong napangiti sila Commander Hideo at ang heneral.

Inilibot ni Commander Hideo ang paningin niya. Nakita niya ang ilang royal army na ginagamot at tinutulungan ng ibang army group. Napahinga siya ng malalim na tila ba nabunutan ng tinik.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. "Salamat," sambit niya.

***

ALTAIR

"Tumulong kayo sa paghahalughog sa buong campus. Baka may kalaban pa o kung ano man ang pwedeng iniwan nila sa campus na ito," seryoso kong utos sa ilang red army.

Nang tumango at umalis na ang mga red army na nautusan ko, saka naman lumapit sa akin si Eunice na hindi na lumayo sa akin mula kanina nang magkita kami.

"Grabe ang nangyari sa royal army. Talagang nadehado sila sa air force," aniya.

Napalingon ako sa buong paligid. Lahat ng mga royal army at iba pang army na mga sugatan ay ginagamot na ng medicaton army. Pero kanina nung makapasok kami, grabe nga ang mga kalagayan nila.

"Mabuti na lang at nakahingi sila ng tulong sa atin," sabi ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"Oo nga. Buti na lang talaga. Dahil kung hindi, ay naku. Baka kung ano na ginawa sa kanila ng mga air force na yun."

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now